Share

KABANATA 1

Vanessa Luz Welston

Pinagmasdan ko kung paano nag pose ng maraming beses ang kaibigan ko. She's really hot. Tiningnan ko ang ex niya, at napangiti ng makitang titig na titig ito sa kaibigan ko. 'Bakit kasi iniwan mo, yan tuloy.'

Inasar ko lang si Lay sa ex niya kahit alam kong wala na itong paki sa lalaki. Siya lang kasi ang unang lalaki na seneryoso niya kahit napipilitan lang ito dahil sa sinabi ko. Gusto ko na kasing mag seryoso siya, tumanda na kami hindi pabata.

Tiningnan ko ang paligid habang ang kaibigan ko nasa harap kinausap ang mga tao sa harap. Hindi namin marinig ang pinag-usapan nila pero alam namin nag-uusap sila habang nag shooting dahil sa ngisi ng kaibigan ko.

Kahit yung mga mga babaeng model humahanga sa kay Lay, o sabihin na nating sa katawan niyang walang kupas yung ka sexyhan. Will, kaibigan ko yan.

Pareho kaming naka two piece ng kaibigan, na una lang siya sa akin.. medyo kinabahan na ako dahil na pressure sa kaibigan. Sobrang galing niya. Sana pala na una na ako. Hindi rin ako sanay sa two piece, napilit lang rin ako sa kaibigan na suotin ito.

This is my first wearing this in public. Sabi niya kasi kung kailangan niyang mag seryoso sa lalaki, kailangan rin baguhin ang pananaw ko, yung conservative na babae, wala na iyan ngayon sa generation. Out of place lang ako parati. Yan ang sinabi niya. Subukan ko lang daw once at kung hindi ko magustuhan, hindi na ako uulit.

Ngayon susubukan ko. Kaya maraming opportunity si Lay kay sa sa akin dahil hindi siya mapili habang ako sobrang mapili ko kaya imbis na nababagay ako sa isang bagay hindi nila ako nilagay dahil alam nilang hindi ko tatanggapin. Tama ang kaibigan ko, I need to be more comfortable wearing this kahit para lang sa trabaho.

Malapit na siyang matapos kaya hinanda ko na ang sarili ko. Tumayo na ako sa kinaupuan ko. May narinig akong bulong sa paligid.

'Two piece rin ba ang suot niya?'

'Yes, narinig ko sa kanyang manager.'

'Nice.. I like her body, just like her friend it's perfect.'

'She's sexy but very conservative, buti comfortable na siya ngayon.'

'Sexy and pretty.. just like her friend.'

'Hindi lang siya nakuha ng iba't ibang commercial dahil mapili.. yung kaibigan niya taas ng narating.'

'Ngayon sinubukan na niya.. susunod yan sa kaibigan niya. Sabay yan silang dalawa aangat dito sa larangan natin.'

'Right, nakakainggit siila but mostly I really like their friendship.'

'I like it too.. it's genuine even though they are very opposite.'

'That's why I don't hate Layviel because I saw how she took care of her friend.'

'Everyone is envy that's why they hate her but I like her.. hindi niya tinago kung ano talaga ang totoong attitude niya.'

'She's a playgirl pero hindi niya kinahiya.'

'Nanatili rin ang kaibigan niya kahit ganun siya.'

'Their friendship is really something.'

Iyun ang huling narinig ko bago natapos si Lay sa shoot. Masaya ako ng marinig ang ganong comment sa mga tao. At least may mga tao pa ring gusto ang kaibigan ko. Kahit playgirl iyan, she's genuine.. kaya nanatili ako.

Minsan naiinis ako sa mga tao pag nakita ko ang galit nila sa kaibigan ko pero ayaw ko lang ipakita sa kanila. Nakita ko rin naman ang kaibigan kong nakipagaway talaga sa mga babaeng yun. Hindi naman siya naasar dahil tinawag siyang playgirl or malandi o kahit ano. Naasar lang siya pag nasali na ako sa usapan.

Ayaw niyang masali ako sa kanya. Para sa akin naman, okay lang talagang masali ako.. I don't care, I only care for my friend.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status