Share

KABANATA 2

Lumapit sa akin si Lay pagkatapos niyang kuhanan. Ngumisi siya sa akin ng makalapit sa akin.

"It's your turn," nakangiting sabi niya. Excited talaga sa shooting ko na ito dahil kakaiba ito sa mga shooting ko dati.

"Kinabahan ako," pagsasabi ko ng totoo. Umiling siya sa akin.

"Don't." Tumango ako sa kanya at kinuha na ang bathrobe na nakatabun sa katawan ko. Narinig ko ang pagkamangha ng iba at ang iba naman nagulat. Nag bulong bulongan sila pero hindi ko na narinig.

Pinagmasdan ako ni Lay habang nakangiti.

"Nice," nakangising komento niya.

"Wag mo nga akong titigan," hindi comtaforble kong sabi sa kanya. Marami ng nakatingin sa akin.

"Kung may marinig ka man sa kanila, wag silang pakinggan," paalala niya sa akin. Tumango ako at pumunta na sa harap ng tinawag na ako.

"Wow that's new Ms. Welston," manghang sabi ng nasa harap. Tipid akong ngumiti sa kanila at nagsimula ng mag pose ng handa na ang cameraman.

Noong una hindi ako comfortable talaga dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Noong nakita ko ang kaibigan ko na lumipat sa harap at nginisihan ako at kinindatan medyo lumakas ang loob ko at naging comfortable na ng kunti.

"Magkaiba kayong kaibigan mo, sobrang daldal niya habang nag shoshoot habang ikaw tahimik lang," sabi ng cameran.

"Wag mo siya kausapin mister cameraman, nag focus yan," singit ng kaibigan ko. Nagpatuloy lang ako sa ginawa ko harap para matapos na agad.

"Hindi ka ba natakot na baka mas malangan ka ng kaibigan mo ngayong nilabas na niya ang buong siya," nakangising sabi ng cameraman at patuloy akong kinuhanan habang yung iba tiningnan ang kuha ko sa computer. May mga babae silang kasama na tinuro ang dapat kong posing.

"Magpasalamat pa ako sa kanila dahil binigyan siya ng maraming opportunity," nakangising sabi ni Lay sa harap habang nakatitig sa akin. Kumindat ulit siya ng makitang nakatingin ako sa kanya. Tong si Lay panay kindat, kunti nalang iisipin kong pumapatol na rin ito ng babae.

"Hindi ka na nila makita," pang-aasar pa lalo ng cameraman sa kaibigan ko. Ano bang pinabalabas niya? yung kaibigan ko ang dahilan kung bakit nandito ako sa harap niya suot itong two piece na never ko pang nasuot. Hinayaan ko nalang siya.. hindi naman naasar si Layviel, natutuwa pa siya sa pang-aasar ng cameraman sa kanya.

"At least kaibigan ko pa ring ang umangat," nakangising sabi niya. "Masakit yun pag iba." dagdag niyang sabi.

Tumawa lang sila sa sinabi ni Layviel. Medyo nawala na yung kaba ko ng kinausap Lay ang mga tao sa harap. Naging comfortable rin ako dahil panay puri nila sa akin. Minsan kinumpara ako sa kaibigan, ang pinaka ayaw kong gawin nila pero hindi ko na mapigilan.

"Mas maganda katawan mo sa kaibigan mo," sabi ng babae sa harap ng computer para bang wala siyang pakialam kung marinig ni Layviel. Tumawa lang ang kaibigan ko.

"Kaya nga sinabi kong subukan niya ang two piece.. dapat magpasalamat kayo sa akin dahil nandiyan yan sa harap sinuot ang gusto niyong masuot sa kaibigan ko," nakangising pagmamayabang ng kaibigan ko. Doon lang ako napangiti sa sinabi ni Layviel. Inaabangan ko talagang sabihin niya iyun dahil ako yung na insulto sa nga sinabi nila sa kanya.

"So ikaw lang rin pala ang dahilan sa pagbagsak mo," pang-aasar rin ng isang lalaki. Tumawa si Layviel sa sinabi niya.

"Tanong mo nga siya kung gusto niya bang ibagsak ako.. baka nga isama niya pa ako sa lahat ng commercial na nadarating sa kanya," nakangising pang-aasar niya rin sa kanya.

Hindi ko na naman kailangan isama siya dahil magaling na siya at kukunin talaga siya ng management. Inasar lang talaga nila si Layviel.

Tinawanan lang nila ang sagot ni Layviel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status