Share

KABANATA 3

May sumunod sa akin at sulo rin siya kagaya namin ni Layviel. Pagkatapos niya susunod ulit kaming dalawa ni Layviel para sa shoot. Sinuot ko ulit ang bathrobe ko at nilingon si Layviel na nakatingin lang sa harap. Napatingin ako sa ex at ang bagong girlfriend niya, papunta kung na saan kami.

'Ano na naman kaya kailangan nila?'

Hindi ko sila pinansin at tumingin lang sa harap. Sinulyapan ko ulit ang ex ni Layviel. Napatingin ako kay Layviel ng malapit na sila pero parang hindi niya napansin ang dalawa. Tumingin ulit ako sa dalawa. Nakita ko kung paano ngumisi ang babaeng model sa banda namin habang magkahawak sila ng kamay ng ex ni Layviel.

Tumingin ako kay Layviel pero hindi pa rin sila napansin o hindi niya lang pinansin?

"Hi miss Layviel," nakangising pang-aasar ng bagong girlfriend ng ex ni Layviel. Doon lang si Layviel lumingon sa kanila at tinaasan agad sila ng kilay. Oh.

"Yes?" walang pakialam na sabi ni Layviel. Parang hindi talaga kilala ang nasa harap. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Kumusta naman ang naramdaman mo? galing ka lang diba sa break up?" nakangising tanong nito at sumulyap sa boyfriend niya. Tumaas lalo ang kilay ni Layviel kung may itataas pa ito.

"Naramdaman?" takang tanong ni Layviel at tumingin sa kanyang ex. "Oh right, that man," natatawang sabi niya parang nakalimutan talaga ang lalaki.

Nawala ang ngisi ng babae at kumunot naman ang noo ng ex ni Layviel sa reaction niya.

"Pinaglumaan ko na iyan, buti sinalo mo?" natatawang tanong ni Layviel. Nainsulto ang babae kaya sinamaan ng tingin si Layviel.

"What did you say!?" galit nitong sigaw kay Layviel. Lahat ng tao sa studio napatingin sa banda namin. Pati ang shooting nahinto rin dahil sa pagsigaw ng babae.

"Babe, tama na yan," nahihiyang sabi ng lalaki. Nakita niya rin kasi ang mga tingin ng mga tao sa amin at bulungan nila.

"Hindi babe, itong malanding babae to, kung ano ano ang sinabi sayo! pangit naman!" insultong sabi niya sa kaibigan ko. Oh? napatingin ako sa babae mula ulo hanggang paa. Mas maganda ang kaibigan ko; no favoritism, totoo ang sinabi ko.

"Makapanglait ka parang sobrang ganda mo? kung pangit ang tawag mo sa kagandahan ko.. anong tawag sayo? sira na muka at pilit inayos?" taas kilay na tanong ni Layviel. Narinig kong maraming tumawa sa sinabi ni Layviel, kahit ako gusto kong matawa pero naawa ako sa babae kaya hinawakan ko sa kamay si Layviel.

"Sa dressing room tayo," mahinahong sabi ko ng lumingon siya sa akin.

"Anong nangyari dito?" tanong ng isang staff sa amin.

"Yan si Layviel ang nauna, grave kong makapang insulto sa boyfriend ko, hindi matanggap ang break up nila!" parang batang sumbong agad nito sa staff. Eh?

"Iwwwww!" malakas na tili ni Layviel. Akala ko anong nangyari sa kanya kaya maraming napatingin sa kanya na para talagang nandidiri sa kung ano.

"Iww! hindi matanggap? yuck! over my dead sexy body. Gusto ko ngang magpasalamat sayo kasi kinuha mo yan sa akin," maarteng sabi ni Layviel.

"Tingnan mo ma'am kung paano siya nagsalita," galit na sumbong ng babae.

"Excuse me," mahinahong singit ko sa kanila. Hindi naman pwedeng kaibigan ko ang sinisisi niya eh nakatayo lang kami rito kanina at sila lang yung lumapit. "Nasa pwesto kami kung saan niyo kami nilagay, sila lang po ang lumapit sa kaibigan ko para inisin ito," mahinahong paliwanag ko. Baka si Layviel ang sisihin nila. Masama ang tingin ng mga babae sa akin, pero hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa staff na siyang kinausap ko.

"Pakinggan mo itong kaibigan ko, alam niyo naman kung sino siya," nakangising sabi ni Layviel. Tumango ang staff at tumingin sa dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status