Share

Chapter 11

Brianna

"Ouch! Dahan-dahan lang naman, Bryle. Ang hapdi kaya," reklamo ko sa kapatid ko habang nilalagyan niya ng gamot ang mga kalmot ko sa braso, leeg at mukha.

"Nakaramdam ka na ngayon ng sakit? Habang nakikipagkalmutan ka kanina ay hindi mo naisip na mahapdi kapag ginamot ang mga kalmot mo?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Napa-aray ulit ako nang bigla niyang diniinan ang paglalagay ng betadine sa leeg ko.

"Hindi ko na naisip 'yon kanina. Ang mahalaga lamang sa akin ay maipagtanggol ko ang sarili ko," nakangusong sagot ko. Napailing na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng betadine sa mga sugat ko. Mayamaya ay biglang dumating ang humahangos kong best friend.

"Brianna, okay lang ba?" agad na tanong nito pagkapasok sa sala namin. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi habang sinisipat ang aking mga sugat.

Napairap ako sa kanya. "Mukha ba akong okay?"

Tumayo si Bryle at nagpaalam. "Mabuti at nandito ka Peter. Pakigamot naman ang mga sugat ng ate ko't kaila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status