Share

KABANATA 19

HALOS hindi na maipinta ang mukha ni Zarina sa pagkainip at bagot na nararamdaman niya. Lahat na lang ata ng klaseng pag-upo na ay nagawa na niya. Panay na rin ang paling ng ulo niya sa salamin na pader kung saan niya nakikita ang maganda at malinaw na tubig sa lagoon.

Huminga siya nang malalim at muling tiningnan ang cellphone na hawak niya. Alas diyes na ng mga oras na ‘yon at dalawang oras na rin siyang nagpapansin kay Antoine.

Nakatunganga lang siyang nakatingin sa lalaki na busy sa kung anong binabasa nito sa laptop. Bago siya nito iginiya papasok muli kanina sa treehouse ay sinabihan na siya nito na magpalit ng damit na panligo pero naudlot ang plano nila dahil nakatanggap ito ng tawag buhat sa ama nitong si Don Antonio.

Napabuga na lang sa hangin si Zarina kapagkuwan inis na ipinatong niya ang dalawang paa sa lamesa na maliit kung saan nasa pagitan nilang dalawa ni Antoine. Ang dalawang braso ay nakabuka na ipinatong niya sa headrest ng inuupuan niya.

Tumingala siya sa kisa
Mhiekyezha

hi! pasensiya na kung every other day po ako nag-a-update ng story ko, may pasok pa kasi ako sa work at sinusubukan ko pa rin makagawa at least isang chapter. Maraming salamat po..

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status