Share

KABANATA 26

HINDI pa man tuluyan nakakalayo si Antoine ay binilisan na ni Zarina ang pagdampot sa mga natitirang bato at inilagay sa kaniyang damit. Kung kanina ay binagal-bagalan niya ang pagkilos para inisin ito. Ngayon, ay hindi na niya pinili kung ano ang iiwan at dadalhin niya. Basta na lang niya pinaglalagay ang lahat ng bato habang ang mga mata ay nakatuon sa lalaki.

Shit! Pagmumura niya nang makita ang malalaking hakbang na ginawa ni Antoine na para bang balak talaga na iwanan siya. Ni hindi ito lumilingon sa likuran, basta naglalakad lang ito ng dere-diretso.

Lakad-takbo ang ginawa niya para lang makahabol sa lalaki. Hindi rin alintana ang mga naglalakihan na bato na halos magkatisod-tisod pa siya sa mga natatapakan para lang makahabol sa lalaki.

Pag-akyat niya sa itaas nakita na niya ang maong na short at sapatos na nakatabi sa gilid, marahil ay itinabi na lang ‘yon ni Remington. Tinakbo na niya agad 'yon at dinampot sa damuhan. She didn't bother to wear it. Naka-cycling naman siya ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status