Share

KABANATA 32

“Jacky!” gulat na bulaslas ni Zarina ng makita niya ang dalaga na lumabas sa silid ni Antoine.

Bakit nandito ang babaing ito?

“S-Señorita!” gulat nitong bigkas na tila hindi pa makapaniwala na makita siya dahil ilang beses pa itong kumurap-kurap ng mata. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang boses nito na parang kinakabahan. Luminga pa ito sa loob ng kuwarto ni Antoine bago isinara nang tuluyan.

Huminga siya nang malalim at pinasadahan niya si Jacky mula ulo hanggang talampakan. May napapansin kasi siya nakakaiba sa ayos nito.

Ang buhok nito ay magulo na para bang galing sa pagkakahiga. Ang suot nitong pang itaas na damit na may butones ay may iilang nakabukas. Ang palda nitong suot na hindi umabot sa tuhod ay para bang minadali ang pagkakasuot dahil hindi nakaayon sa tamang ayos.

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan sa hindi malaman na dahilan May kung anong hinala ang pumasok sa isipan niya na hindi niya gustong mag-isip muna ng hindi maganda.

Ipinilig niya ang ulo at pumikit ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status