Share

KABANATA 33

KANINA PA KINAKAUSAP ni Antoine ang dalaga na katabi niya sa upuan pero sadya siya nitong hindi sinasagot. Ni tingin ay hindi magawa ni Zarina na tingnan siya na sadya talagang ipinaparamdam nito na masama ang loob sa kaniya. Sa tuwing isinasali siya ng ama sa usapan. Gumagawa naman si Zarina na unahan siya na magsalita para mapabaling ang atensyon ng ama sa dalaga.

Kahit ano atang gawin niyang pagpapansin ay talagang hindi siya tinatapunan ng tingin ni Zarina. Ultimo ang pag-aabot niya ng tubig ay sadyang hindi ininom ni Zarina na bagay na nagpapasikip sa kaniyang dibdib.

Kanina napansin ng ama niya na isang kamay lang ang gamit ni Zarina habang kumakain sila. Kaya kahit siya ay nagtaka at napatingin sa ilalim ng lamesa kung saan nakatago ang isang kamay nito. Doon lang niya nakita na ang pulsuhan nito na nagsisimula nang maging kulay violet at siguradong magkakapasa ‘yon.

Hindi naman niya sinasadya na pisilin ito sa pulsuhan dangan lamang, wala na siyang mapagpipilian dahil hindi rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status