NAMAMAGOD na isinandal ni Antoine ang likuran sa swivel chair habang nakatigtig sa kisame. Kahit ano ata na gawin niyang pag-focus sa mga papeles na ipinadala ni Mr. Osman kay Jacky ay hindi niya magawa. Nahahati ang atensyon niya sa kagustuhan na sundan si Zarina para alamin ang katotohanan, kung nakipag-date nga ba ito o binibiro lamang siya ng ama? At sa obligasyon niya sa kompanya na kailangan niyang pag-aralan ang mga papeles na pinadala sa kaniya ni Mr. Osman.Hindi naman dapat siya uuwi kagabi dahil tambak ang gawain niya sa opisina pero dahil nasa bahay ng ama niya si Zarina kaya napilitan siyang umuwi. Gusto niyang makita at makasama ang dalaga sa paraan na hindi nito mahahalata. Gusto niyang bumawi sa dalaga pero hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Lalo na ngayon na masama ang loob nito sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagpisil sa pulsuhan nito.Wrong move, Knox! Napailing siya ng ulo.Nang makuha niya mula kay Remington ang cellphone na naiwanan niya sa hacienda, ay d
NAPALUNOK si Zarina at biglang kinabahan sa paglapit ni Antoine sa gawi niya. Ang mata nito ay nanatiling nakatingin sa kaniya ng deretso na para bang may ginawa siya na mali. Tumayo ito sa harapan kaya kitang-kita niya ang pagtiim ng bagang nito. Hindi ito nagsalita pero ang mata nito ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Dahil naiilang siya kaya iniyuko niya ang ulo pero agad din nitong hinawakan ang mukha niya para iangat. Alam niya na namamaga pa rin ang mata niya sa kakaiyak niya kanina. Pero, hindi niya gustong ikuwento pa rito ang nangyari. May pagtataka man sa mata nito pero nanatili lang itong tahimik. Ewan, pero naguguluhan na siya sa inaakto nito. Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isip nito o ang ikinikilos nito. Bago pa siya mailang muli at iyuko ang ulo ay tumalikod na ito sa gawi niya. Ang mata niya ay nanatili lang nakatingin sa matipuno nitong katawan. Napapitlag pa siya ng hawakan nito ang kamay niya na mabilis sana niyang babawiin pero maagap na hinawakan nito
NAALIMPUNGATAN si Zarina sa mahihina na magkakasunod na katok sa pinto. Kaagad na bumungad sa mga mata niya ang madilim na silid. Shit! Mahinang pagmumura niya ng mapagtanto na nakaidlip pala siya sa kahihintay kay Antoine. Awtomatikong inilinga niya ang ulo sa relong nakalagay sa nightstand. Eksaktong alas siyete na ng mga sandaling iyon at lampas trenta minutos na rin pala siyang naghihintay sa binata.Nagtatakang tumingin uli siya sa banyo. Hindi pa ba siya lumalabas? Ganoon ba ito katagal maligo?Napapailing na umupo siya sa kama. “Señorito, ipinapatawag na ho kayo ni Don Antonio. Kakain na raw ho kayo,” malakas na wika ng isang kawaksi sa labas ng pinto na sinabayan pa ng katok.“Señorito!” Kumatok pa ito nang mas malakas kumpara sa naunang katok nito na ikinabahala niya. Agad na napatayo siya sa kama at mabilis na tumingin muli siya sa banyo. Nag-aalala siya na marinig ni Antoine ang katok sa banyo at lumabas ito kaagad. Kung kanina ay malakas ang loob niya na pumunta sa ku
IDINAAN ni Antoine sa paliligo ang nag-iinit niyang katawan. Nakatayo siya sa tapat ng shower habang ninanamnam ang malamig na tubig para pakalmahin ang nangangalit na sistema niya. Kung kanina ay malamig na tubig ang tumulong para ma-relax ang mga muscle niya at pakalmahin ang nag-iinit niyang ulo sa itaas dahil sa inis. Ngayon ulo naman niya sa ibaba ang dahilan kaya nais niyang magbabad muli sa malamig na tubig.Nang hindi makontento sa malamig na tubig agad niyang itinukod ang isang kamay sa wall tiles habang ang isang kamay naman niya ay dumama sa pagkalalaki niya. Hinagod niya iyon taas-baba habang nakapikit ang mata. Sa tagal ng panahon ay ngayon niya lang ginawa ang paligayahin ang sarili gamit kamay. Itinaas-baba niya iyon hanggang sa lumalim na rin ang paghinga niya. Ang kanina na mabagal paghagod ay bumilis na gusto na niyang makarating agad sa sukdulan. Nang makaramdam ng ginhawa. Hinintay pa muna niya na maging normal ang paghinga niya saka niya tinapos ang paliligo. H
“Hindi mo na ginalaw ang pagkain mo? Hindi mo ba gusto ang ulam? Gusto mo bang magpahanda ako kay Manang ng ibang ulam? Manang!” “Uncle… I mean... Dad, busog na ho kasi ako,” pagdadahilan niya. “Hindi talaga ako kumakain nang marami lalo na sa gabi.”“Are you sure? Baka nahihiya ka lang sa amin. Anong gusto mong dessert para mapahanda ko?”Ngumiti siya at umiling ng ulo.Kung hindi lang siya magmumukhang bastos at walang pinag-aralan ay tatayo para iwan ang mag-ama na hindi pa tapos kumain. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan dahil ramdam niya sa pagitan ng hita niya ang lagkit. Hindi niya rin aakalain na panaginip lang pala ang lahat ng nangyari sa kanila ni Antoine. Buong akala niya ay totoo iyon.Nang matapos kumain ang mag-ama ay kaagad na nagpaalam siya kay Uncle Anton na aakyat na siya sa okupadong silid niya. Kanina pa siya naiilang dahil panay ang lingon sa kaniya ni Antoine habang katabi niya ito sa upuan. Kung napapansin ba nito ang pagliligalig niya kanina ay hindi
BANDANG alas dos na ng madaling araw ng dalawin ng antok si Zarina dahil sa excitement na nararamdaman niya. Napag-usapan kasi nila ni Antoine na mamasyal sila sa Tagaytay kaya hirap siya na makakuha ng antok. At alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay nagising na ang diwa niya ng maamoy ang pabango ni Antoine at masarap na brewed coffee na dala nito na pumupuno sa buong kuwarto niya. Naramdaman niya na lumundo ang gilid ng kama niya na nagpakabog ng dibdib niya. Bagaman nagising na siya ay nanatili pa rin nakapikit ang mga mata niya para magpanggap na tulog.“Good morning, sleepy head!” bulong nito sa tainga na nagbibigay kiliti sa kaniya. Amoy niya ang mabangong hininga nito na pinaghalong mint a brewed coffee."Hmmmm...." Ingos niya at tumagilid ng higa para ilabas ang hita niya na natatabunan ng kumot.Ramdam niya ang pagtitig ni Antoine sa kaniya na gusto na niyang ikamulat ng mata para makita ang reaksyon nito. "Zi....."Napakislot pa siya ng sumayad ang ilong nito sa pisngi n
SHOCK WAS REGISTERED on her face lalo pa ng hapitin ni Antoine ang baywang niya. Hindi niya magawang makapag-react dahil bukod sa lamig na nararamdaman niya ay hindi niya rin alam papaano ikikilos ang sarili sa harapan ng lalaki. Nakabuka nang malaki ang mga hita nito para bigyan siya ng espasyo para makaupo sa hood ng sasakyan nito. Naninibago siya sa ikinikilos nito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang ikilos sa harapan nito. Kapag kasi tinatangka niyang akitin ito dinaig pa niya ang may sakit kung makaiwas. Para kasi itong napapaso sa tuwing magkakadikit ang balat nila. She longs his touches. So, what now?Ano ang gagawin niya? Gagawin na ba niya uli ang Zarina Seduction 101 niya? O, hahayaan na lang ito kung ano ang plano nito sa kaniya at enjoy-in na lang? Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. At pinag-iisipan kung ano ang maaaring gawin ngayon. Chance na niya na makasama ito. 'Yong dalawa lang sila at walang iistorbo na kahit sino. Nakita niya na ini
Hindi malaman ni Zarina kung papaano niya natapos ang araw na iyon ng hindi ipinapahalata kay Antoine ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya rin alam kung papaano niya nagawang tumawa habang ang puso niya ay durog na durog.Buong maghapon silang magkasama sa pamamasyal sa Tagaytay at sa buong maghapon na iyon ay naka-plaster na ang ngiti niya sa labi. Na-master na rin niya kung papaano ikikilos na parang normal ang sarili. Kahit may hindi nakakatawa sa sinabi ni Antoine ay sinasadya niyang tumawa para kunwari ay naaaliw siya sa mga ikinukuwento nito kahit ang totoo ay hindi naman talaga. May mga pagkakataon na natitigilan si Antoine at hinuhuli nito ang mga mata niya na mabuti na lang din ay nagagawa niyang isingkit na animo’y nakatawa rin.Kapag minsan na inaalalayan siya nito sa paglalakad o hindi kaya sa pagsakay sa kabayo ay nagagawa niyang pasimpleng umiwas sa mga hawak nito. Hindi niya alam kung napapansin ba iyon ni Antoine o hindi na lang nito binibigyan ng pansin ang pag-i