Share

KABANATA 30

PANAY ANG SIPAT ni Zarina sa suot niyang relo habang pinapaikot niya ang ballpen na hawak sa kamay. Pasado alas kuwatro y media na ng hapon at dapat tapos na ang klase nila kanina pang alas kwatro. Kung hindi lang sa walang sawang kakatanong ng mga kaklase niya dapat ng mga sandaling ‘yon ay nakauwi na siya.

Huminga siya nang malalim at sinapo ang noo na kunot na kunot na dahil sa pagkainip. Kapagkuwan bored na tumingin kay Prof. Legista na nakatayo at magiliw na nakangiti sa harapan dahil masaya sa tinatakbo ng discussion.

Napabuntong-hininga siya at napakamot sa batok.

Gustong-gusto na niyang tumayo at sabihin na sa lunes na lang ituloy ang Q&A nila para makauwi na sila pare-pareho.

Napahilamos siya ng mukha at isa pang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Mayamaya ay tumingin muli siya sa suot na relo. Pakiramdam niya kainip-inip ang bawat segundo na tila hindi nadadagdagan.

Wala sa discussion ang isip niya, dahil kating-kati na siyang umuwi lalo pa’t nakatanggap siya ng tawag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status