Share

CHAPTER 1

- Lily -

Matapos ang nangyari sa akin isang linggo na ang lumipas ay pinarusahan ako ni Mom at Dad. Daig ko pa ang teenager dahil grounded ako. Pinagbawalan muna ako lumabas ng aming mansiyon. Hindi rin ako pwedeng umuwi sa aming bahay kasama ng aking mga kaibigan. Walang katapusan ba naman nila akong sermunan, nakakatulog na nga lang ako kung minsan sa kanilang kakatalak sa akin. Asar na asar naman ako sa aking kakambal na si Leandro. Muntik ko na nga itong sipain dahil marunong ako sa taekwondo bilang self defense. Ngunit sadyang mabilis ang asungot na iyon. Hindi naman ako nito pinapatulan sa aking kabaliwan kung minsan. Hindi pa man din ako sanay na hindi nakakalakwatsa. Ang sarap sana ngayon magparty-party o mamundok kasama ang aking mga kaibigan, pero madalas ay mga busy naman ang mga iyon. Ang tanging kapartner ko lang talaga sa aking kabaliwan ay si Akeera. Hays mamatay ata ako sa sobrang pagka-boring.

Lumabas ako sa maganda kong kwarto, daig ko pa ang anak ng prinsesa sa ganda at maayos kong silid na ako pa ang pumili para i-design ito ng mga professional na mula pa sa ibang bansa. Kahit ang kwarto ko sa bahay naming magkakaibigan ay pinasadya ko pa na sobrang ganda. Ayaw ko kasi ng panget na nakikita, at baka mahawa din ako at maging pangit din. Nakabuhaghag lamang ang aking buhok dahil wala akong balak magsuklay. Suot ang red fitted sexy dress na hanggang kalahati lamang ng aking hita ang haba. Medyo labas pa ang aking cleavage. Ganito ako manamit pag gusto kong mang-asar ng tao. Daig ko pa ang nagtrabaho sa bar. Kapag nakita na naman ako ni Daddy ay tiyak baka umatake na naman ang hypertension nito. Masyadong conservative pa naman ang pinagmulan ng pamilya ko. Apat na nga sa aking pinsan ay mga madre na. Pwes ako naman ay nag-iba ng direksyon ng buhay. Gusto kong maging babaeng pakawala sa kanilang paningin. Masiyado na kasi silang paperfect. Dapat lagyan naman natin ng kunting spicy ang life. Kaya lagi mukha nang gurang sa akin si Leandro dahil mas mamumuti pa ang buhok nito sa konsumisyon sa akin. Tadtad man ito ng tattoo sa katawan ay very proud pa si Daddy sa kaniya. Nang minsan gusto ko din sanang magpa- tattoo ay muntik ng himatayin si Mom nang maabutan niya akong magpapatattoo. Ayaw na ayaw ni Mom na may mantsa ang makinis kong balat. Pero kay Leandro ay ayos lang. Dahil lalaki daw ito, at ako ay babae. Hindi ko alam kung anu problema sa ganun, hinayaan ko na lang at sinusod ko dahil puro verse na lang ng Bible ang binabato sa akin ng iba kong mga kamag-anak. Iba talaga pag maganda ang daming reklamo ng kapaligiran.

“Goodmorning madlang people!"

Agaw pansin ko sa mga ito. Napatigil sa pagkain ang tatlong pares na mga mata sa akin. Si Daddy na kulang nalang magdugtong ng tuluyan ang mga kilay nito kasabay ang sobrang daming wrinkles nito sa noo. Si Mommy naman na napaawang na lang ang bibig sa sobrang gulat. Sabay pa nila akong tinignan na para bang isa akong diwata. Habang si Leandro naman ay poker face lang ang mukha habang ngumunguya.

Lumapit ako sa mga ito at hinalikan sa pisngi. Si Leandro naman ay naka-ready agad ang kamao nito sa akin, ayaw na ayaw kasi nitong hinahalikan ko sa pisngi. Feeling pogi ang asungot! Inirapan ko na lamang ito.

Mabilis na lumapit ang dalawang kasambay para lagyan ng pagkain ang aking pinggan. Tahimik lamang kami kumakain hanggang sa nagsalita si Mom.

“Anak, sa susunod na kakain tayo ay mag-ayos ka naman sa pananamit. Jusko naman bata ka." mahinang panenermon ni Mom.

“Dad, can i stay in my friend's house?" tanong ko kay Daddy at hindi pinansin ang panenermon ni Mom.

Tumigil sa pagkain si Dad at tinignan ako.

“Hindi ko alam kung bakit nakikitira ka pa sa bahay ng mga kaibigan mo Lialyn. May sarili kang bahay at pamilyang mauuwian pero mas pinipili mo pa ang mga kaibigan mo" may halong pagtatampo na salita ni Daddy.

“Dad" mukhang manenermon din si Daddy. Ilang beses na nila akong paulit ulit na tinatanong sa mga bagay na iyon, at paulit ulit rin akong sumasagot nang ganun. Hindi ko alam pero siguro dahil parehas na silang senior ngayon ni Mommy.

“Hayaan niyo na po siya Dad. Matanda na yan. Wag na lang siya gagawa ng labag sa batas." biglang singit ni Leandro na kinasama ko ng tingin dito. Epal talaga itong kakambal ko kahit kailan.

“Epal ka?" asar ko dito.

“Ipagdasal niyo na lang Mom and Dad na magka-nobyo yan ng matino. Yung tipong kayang i-handle ang kaniyang kapraningan sa buhay. Lalo na at magpirmi sa bahay at matuto sa gawaing bahay." dagdag pa ng asungot kong kambal na mahilig s******p sa aming magulang.

Nanggigigil na hinawakan ko ang tinidor at dinuro ito gamit niyon.

“Gusto mo talagang samain sa akin!" napipikon kong salita sa mapang-asar kong kapatid.

“Enough!" malakas na boses ni Mommy.

“Payagan niyo na po ako Mom. Dun lang ako sa bahay promise. Ang boring kasi dito. At least dun sa amin marami akong kaibigan." pagmamaktol ko.

“Basta ipangako mo na hindi ka na magtatrabaho sa kung saan-saan Lialyn?" sagot ni Mommy.

Biglang nagliwanag ang aking mukha.

“I promise!" nag-bow pa ako at pumalakpak sa sobrang kasiyahan.

“Ihatid mo ang kapatid mo Leandro bago ka pumasok" utos ni Daddy.

“Why me?" busangot na mukha nito habang humihigop ng kape.

“Dahil hindi yan makakahawak ng manibela starting today."

Maang na napatitig ako kay Daddy.

“No way Dad!"

“Yes you do. Or I'll change my mind and you stay here for good." finale na sagot nito.

Masamang tingin ang ginawa ko kay Leandro ng ngumisi ito ng nakakaloko. Labag man sa loob ay ayus na din kesa maburyong ako dito.

~~~~~~~~~~~~~~~

Màtapos ang dalawang linggo ko na pananatili dito sa bahay kasama ng aking mga kaibigan ay bumalik na naman ang aking pagkabaliw. Walang araw na hindi kami nagsasaya ng aking mga kaibigan, lalo na kung walang mga pasok ang mga ito. Mas madalas na maiwan kaming dalawa ni Akeera. Kaya kung saan saan kaming lupalop lumalayas. Palagi ko itong hinihila para lang sumama dahil dakilang tamad ito lalo na sa tuwing may lakad kami. Mas gusto kasi nitong nakaupo habang nagsusulat sa ginagawa nitong libro. Kung hindi ko pa ito ilibre ay hindi ito sasama.

“Anu beshy tara na!" Pagyaya ko kay Akeera nang makabihis na ako ng ubod ng seksi. Gusto ko kasi laging maganda at sexy at wala akong pake sa sasabihin ng iba, at kung mabastos man ako ay kayang kaya kong basagin ang kanilang mga panget na pagmumukha.

“Ikaw nalang beshy, kailangan ko na itong matapos. Araw na araw na tayong lumalabas dika pa ba napapagod?" simangot na mukha nito sa akin habang nakaupo sa carpet at nakaharap sa laptop nito.

“Bilis na. Babayaran ko araw mo!" mayabang kong pamimilit dito.

“Tsk! Kahit bayaran mo ako, kukunin ko lang yang pera mo at ipagpapatuloy ko ang pagsusulat ko!"

“Ay grabe siya!"

Tinarayan lamang ako nito.

“Pasalubong ko ha don't forget." pahabol

pa nito sa akin.

Inirapan ko ito.

“Tse!" sabay talikod. Narinig ko pa ang pagtawa ng kaibigan kong iyon.

Sumakay na ako ng taxi, Ewan ko ba ang hilig kong lumayas. Sabi nga nila ay baka may nunal ako sa paa dahil hindi ako mapirmi sa isang lugar. But no! Wala akong nunal sa paa dahil ang nunal ko ay nakatago malapit sa aking singit. Natatawa na lamang ako sa isipang iyon.

Nang makababa ay naglakad-lakad ako para sa mga boutiques. Mahilig akong magwindow- shopping. Pag trip ko ang mga bagong labas ay automatic na bibilhin ko iyon. Lumabas ako ng wala akong magustuhan. Dahil parang mga boring ang style at pati kulay. Kaya naglakad-lakad ako tumingin-tingin. Muntik pa akong matumba nang may nilalang na bumunggo sa aking harapan.

“What the h ell!" asar ko sa kung sinong herodes ang bumangga sa akin. Ang lawak-lawak ng daan talagang binunggo ako.

M*****a akong napalingon sa malaking tao na lumagpas sa akin, nakasuot ito ng white polo shirt at maong pants na itim habang nakasuot ng sombrerong itim, nagpupuyos ang aking dibdib ng hindi man lang ito nag-sorry sa akin at nilagpasan pa ako na para bang walang nangyari.

“Hoy!" malakas kong tawag dito na kaagad na nagsilingon ang ibang mga tao. Pero parang walang narinig ang lalaking siraulo at mabilis lamang sumakay ito sa kaniyang mamahaling itim na kotse at pinaandar iyon.

“Animal ka! Malaman ko lang kung sino ka pipilayan kitang gunggong ka!" malakas kong hiyaw. Wala akong pakialam kung nakakaagaw ako ng atensyon.

Asar na naglakad na lamang ako para makalayo-layo. Dapat pala ay hindi na lang ako lumabas ng bahay hindi pa ako mabubwisit ng ganito. Sa kakalakad ko ay may nakita akong restaurant. Pumasok ako para kumain, stress reliever ko talaga ang kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng kinakain ng may mapansin akong nakadikit sa wall glass kung saan ako kumakain. Hiring waitress!

“Woah!" parang nagning-ning ang aking mga mata. Parang gusto ko na namang makasubok ng panibagong adventure matapos ang ilang linggo na nangyare sa akin sa bar.

Matapos ko kumain ay lumapit ako sa manager.

“Yes po Madam?" mabait na sagot nito.

“Gusto ko magtrabaho dito." pang uutos ko dito.

Para itong na-shock sa aking sinabi. Hinagod muna nito ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang ayaw maniwala. Ilang minuto muna itong natigilan bago nagsalita.

“Sure po kayo Madam? Parang hindi po bagay sa inyo dahil mukha po kayong tagapagmana" parang nahihiya nitong salita.

“Nope. Just accept me. Please? Hiring kayo kaya pumayag kana. I'll send you my resume later" Apurada ko dito.

“Madam anu po kasi-----"

“Secret lang natin to okay? Basta bukas dito na ako magtatrabaho agad." pang-uutos ko dito.

“Pero madam!" tawag nito sa akin.

“Wag ka nang komontra kung ayaw mong magalit ako sayo" sabay talikod ko dito.

Wala akong pakialam kung ako pa ang masusunod. Dahil pagtrip ko talagang magtrabaho ay gugustuhin ko. Kaya marami ang nagagalit sa ugali kong ito at wala akong pakialam sa kanilang nararamdaman at baka masapak ko lang sila.

Saktong magpapara na ako ng taxi ng may isang kotseng itim ang huminto sa aking harapan. Napatikwas ang maganda kong kilay sa kung sino mang baliw ang pumarada sa aking harapan. Nanggigigil na nilayasan ko ito sa aking harapan, ayoko mastress ngayon araw dahil may trabaho na ako bukas. Pero mukhang mapang-asar ang driver ng kung sino mang siraulo na ito dahil sinundan pa talaga ako.

Kaya nag-ready nako. Once na gumawa ng kagaguhan itong nasa loob ng sasakyan na ito ay uubusin ko talaga ang laman ng aking spray sa mukha nito hanggang sa matigok. Ito lang ang pang self defense na merun ako ngayon sa bag. Dahil naka-hold ang dalawa kong baril sa mansyon. Ayaw ipagamit sa akin ni Daddy.

Pero nagulat ako ng bumukas ang pinto at niluwa ang lalaki na pamilyar sa akin. Ito ang lalaking bumangga sa akin kanina!

“You?!" sigaw ko dito.

Nagulat ako nang paharap na lumapit ito sa akin. Napaawang na lamang ang aking bibig ng makita ko ang gwapong nilalang na nasa aking harapan ngayon. Napatingala pa ako sa sobrang tangkad nito. Biglang tumibok ng malakas ang aking puso ng tumingin ito sa aking mga mata na para bang hinahalukay ang king buong katawan.

“Me?" malaki at buong buo ang boses nito na kay swabe sa pandinig. Takte dahil first time na humanga ako sa boses ng isang lalaki.

Ilang sandali pa akong natigalgal bago sumagot. Tumikhim muna ako.

“Y-yes you!"

“Did I know you?" may pagka- arogante nitong tanong. Sinuri pa ako nito mula ulo hanggang paa.

“Pwes ako lang naman ang binangga mo kanina!" asik ko dito.

“What? Me?" parang nagtataka pa ang mukha nito.

Nawala ang paghanga ko sa nilalang na ito at napalitan ng pagka-asar.

“Wow may amnesia ka pala? Or should I say gago ka lang talaga." asar ko dito. Wag lang ako nitong pinagloloko at baka magka- black eye ito sa akin.

Kumunot ang noo ng gwapong mukha ng nasa harapan ko. Hindi ako manghuhula pero hindi ko gusto ang paraan ng tingin nito sa akin.

“I don't know what you say"

Magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa hawak nitong phone.

“Yes buddy, Im already here. Yes i see her. No, not really. But don't worry I can handle her. Trust me." pinatay na nito ang tawag at humarap muli sa akin.

“Miss I'm sorry, kung anu man iyang kinagagalit mo. See I'm a busy person" pinakita pa nito ang hawak na cellphone.

Tumikwas na lamang ang isang kilay ko at tinarayan ito. Sa tingin ko ay may katagpo itong babae base na rin sa aking narinig sa katawagan nito.

“I don't f**king care!" asik ko dito at akmang lalayasan na ito ng magsalita.

“By the way I'm Draco Frimmenger. But you can call me Draco or whatever names you like" sabay lahad ng kamay nito sa akin at gusto pang makipag-shake hands.

“I don't care who the h ell is you. At hindi ako makikipag- hawakan ng kamay sa kung sinung- sinong panget like you at baka magka- virus pa ako.!" mataray kong sagot dito at tinalikuran na ito.

Mabilis akong nakapara ng taxi nang may dumaan. Nang makapasok ay isasarado ko na sana ang pintuan ng taxi ng may pumigil niyon. Marahas akong napatingala dahil ang lalaking mayabang lang naman ang pumigil sa pintuan ng kotse.

“What!" sigaw ko dito.

“Ingat sa pag-uwi Lialyn Griffer" Sabay kindat nito sa akin.

Napaawang na lamang ang aking bibig sa sobrang pagkagulat. Hindi ko na namalayan na sinarado na pala nito ang pintuan ng kotse. Napansin ko na lang na nakauwi na ako sa bahay ng aking mga kaibigan ng tulala pa rin. Buong isang libo tuloy ang ibinayad ko nang di ko na kinukuha ang sukli.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status