Share

BROTHERHOOD BILLIONAIRE series 3: My Wild Cat
BROTHERHOOD BILLIONAIRE series 3: My Wild Cat
Author: Kim.arcelle23

PROLOGUE

Todo ngisi ako ngayon habang nagse-serve ng alak sa mga costumers ko na mga mukhang lasing na. Ayos lang dahil kahit magkanda simot ang dala nilang pera at tiyak tuwang-tuwa naman ang boss ko.

“Napapa gabi-gabi kami ngayon dito sa bar dahil sayo magandang binibini!" sabad ng isang mukhang sabog na sa alak.

“Iba ka talaga! Nakakagigil" parang nauulol pang sabi ng isang mukhang tikbalang.

“Syempre basta para sa inyo! Kaya wag kayo aabsent dito para naman matuwa ang boss ko at lakihan ang sweldo ko lalo na may pito akong anak" baliw kong sagot sa mga ito.

“Gusto mo dagdagan natin yang anak mo ng lima para isang dosena?" epal na sagot ng lalaking mukhang unggoy.

“Sige pag iisipan ko yan! oh sige dun naman ako sa kabila ahh pakalasing lang kayo hanggang sa mamatay!" sigaw ko sa mga ito na kinatawa ng mga gunggung.

Nilayasan ko na ang mga ito dahil nakakasura na ang mga hilatcha ng mga pagmumukha. Pumunta ako sa banyo para umihi.

Sa isang linggo ko dito bilang waitress sa pipitsuging bar ay na-enjoy ko naman. Ibang adventure kasi ang trip ng aking kaisipan . Hindi naman ako naghihirap dahil anak ako ng isa sa bilyonaryo dito sa bansa at mayamang negosyante. Imbes na nakaupo ako sa aking opisina at pumirma ng mga papeles ay iniba ko ang direksyon ng aking buhay. Wala lang trip ko lang.

Nakapag trabaho naman ako sa kompanya ng magulang ko after ko maka graduate ng business administration at inabot ako ng apat na taon. Pero isang araw ay bigla akong nabagot mas gusto ko magtrabaho ng mas challenging. Alam ko ang disappointed nila Mom at Dad. Pero nangako ako sa kanila kapag nagsawa ako ay babalik din ako. Gusto ko lang kasi trabaho ng mas mababa tulad ng iba. Kung hindi ko naman kaya tiyak balik agad ako sa aking magulang. Isa pa itong kakambal ko na si Leandro na ayaw humawak ng ballpen at umupo sa harap ng computer. Ito ang mas kelangan ni Daddy, mas gusto humawak ng baril dahil nag aral ito ng criminology at nakagraduate ng Cum Laude ngunit naglaho na parang bula ng dalawang taon. Halos mabaliw si Mommy sa kakaiyak dahil walang bakas na umalis ito. Naging missing siya ng dalawang taon kaya noong panahon na iyon kahit diko gusto ay ako ang naging katuwang ni Dad sa kompanya. Matapos ang dalawang taon ay biglang umuwi si Leandro na mukhang Abu sayyaf ang itsura. Nagmukha kasi itong matandang ermitanyo sa haba ng balbas at buhok. Halos sumpain ito ni Mommy pero si ugok ang sagot niya lang ay nag Saudi lang daw para maiba daw ang buhay niya bago sumabak bilang pulis at ngayon kabilang na sa NBI. Alam ko na frustrated ang magulang namin ni Leandro sa amin ay di naman kami pinipilit hanggat wala kaming ginagawang labag. Hindi din ako masyado nababahala dahil ipapasa na kay Leandro ang Kompanya.

Ako naman ay trip lang magtrabaho, pag diko na feel ay nilalayasan ko na. Isang buwan lang ata ang pinakamatagal kong pinasukan at very proud na ako niyan syempre. Sa dami ko ba naman nakakaaway natural walang magtatatagal na trabaho sa akin. Kaya itong bar na ito ay talagang na enjoy ko dahil bukod sa masaya ay puro inuman ng mga mukhang palaka kahit isang linggo pa lamang ako dito. May mga bouncer din kami kaya hindi kami basta basta mababastos kahit ang suot namin ay halos kakapiranggot lang. Gusto ko pa nga ang ganito.

Wala pang nakakaalam na dito ako nagtatrabaho, kahit ang mga kaibigan ko sa bahay ay wala lalo na ng pamilya ko baka makurot ako sa singit ni Mom. Saka ko na sasabihin pag umalis nako.

Pabalik na ako sa may counter ng may sumigaw.

“Pulis kami dumapa kayo!" sigaw sa kung saan at bigla nagsigawan ang mga tao sa taranta at nagtakbuhan. Ang iba ay dumapa ang iba naman ay nagtago sa kung saan sa takot.

Ako naman ay napanganga nalang. Imbes na matakot ay parang na-enjoy ko ang pangyayari .

“Wow ganito pala pag may hulihan" bulong ko na parang nasisiyahan pa.

“Lily halika magtago tayo!" hila sakin ni Karen na kasamahan ko ding waitress.

“Ayoko manonod muna ako" .

“Nasisiraan kana ba! Gusto mo ba mahuli tayo ng mga pulis" tarantang sabi nito sa akin.

“Sige kaw nalang mag enjoy muna ako dito"

“Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" asik nito at mabilis pa sa alas kwatro itong tumakbo papunta exit.

Ako naman ay imbes na matakot ay naglakad pa ako sa mas maraming mga tao na pinagdadakip. Nagulat ako ng may tumutok sa aking baril.

“Isama nyo siya !" sigaw ng matabang pulis.

Napataas ang isang kilay ko at akmang sasagot ng may humila sa kamay ko.

Sobrang higpit nun at halos ikaladkad ako habang naglalakad. Hindi ko makita ang mukha nang kung sinong herodes na ito dahil madilim at nauuna itong maglakad.

Saktong nasa pintuan kami palabas ay binitawan ang kanang braso ko at bago pako makasalita dito ay napatingin ako sa aking harapan. Ganun nalang ang gulat ko at halos ikalaki ng mga mata ko kung sino ngayon ang nasa harapan ko. Si Leandro na kakambal ko.

Napatingin ako sa lalaking humawak ng braso ko ay biglang naglaho ito.

“Lily!" Dumadagundong nitong boses na halos ikapikit ko ng aking mata.

*paktay nako* sigaw ng aking utak.

“Oh kapatid andito ka pala" kunwaring natatawa ako pero sa totoo ay halos manginig na ang mga tuhod ko.

“What the f*** you doing here?!" singhal nito sakin at pinasadahan ako ng tingin sa buong katawan at napapikit ito at napapailing.

“Dito ka nagtatrabaho?! Anu bang pumasok sa kukote mo Lily?!" kulang nalang ay ibalibag ako nito sa galit.

“W-wala lang, trip ko lang maka experience ng ganitong trabaho" mahina kong sabi.

“F****! Wala Ka talagang kadala-dala. " Hinubad nito ang suot na leather jacket at ipinasuot sa akin. Nakita ko pa ang dalawang baril nito na nakasuksok sa magkabilang bewang nito.

Hindi na ako nakasagot nang hilahin ang braso ko at kaladkarin papunta sa kotse nitong naka park .

“Wag na wag kang lalabas dito Lily, malalaman ito nina Mom at Dad." sabay bukas ng kotse sa passenger seat at pinapasok ako maya pa ay binalibag nito ang pintuan ng kotse.

Ako naman ay wala nang magawa dahil tiyak pag uwi ng bahay ay gigisahin ako ng sermon. Inayos ko na lang ang aking sarili at napatingin sa labas ng kotse. Nakita ko si Leandro na seryoso ang mukha dahil magkasalubong ang mga kilay kausap nito ang kasing laki at katikas ng kapatid ko. Na realize ko nalang na ito ang lalaking humawak sa braso ko palabas ng bar ngunit hindi ko pa rin makita ang mukha.

Matapos nila mag usap ay bumalik si Leandro at sumakay na. Maya maya pa ay pinaandar na nito ang sasakyan. Pinili ko nalang ang matulog muna para magkaroon ng maraming lakas pag uwi dahil tiyak na sermon ang aking sasalubungin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status