Share

Chapter 2: Baby Daddy

ANDREA

"Dea, naku! Kanina pa ka hinihintay ni Boss! Bilisan mo, may emergency ang isang bartender kaya maagang umuwi at nagrereklamo na ang mga costumer."

Iyon ang salubong sa akin ng bouncer nang huminto ang taxi na sinakyan ko. Nataranta naman ako dahil ayokong marindi sa sermon ng boss namin. Mabilis akong nagbayad sa driver at tsaka bumaba.

"Pasensya na po, nakatulog ako!" sabi ko at nagmamadaling pumasok sa locker room para magbihis. Naabutan ko ang mga iretableng costumer na naroon sa counter at halatang nagtitimpi na lang ng pasensya.

Tumango ako at nginitian sila at nagsimula na gawin ang mga order. Hectic ang schedule ko ng gabing iyon, mas busy kaysa mga nagdaang araw. Sunod-sunod din ang pasok ng mga costumer at para bang hindi sila nauubos.

Nang humupa ang mga nasa counter ay napabuga na lang ako ng hangin at pinaypayan ang sarili. Ramdam ko ang pagod ng mga sandaling iyon pero kapag may titingin sa akin ay mabilis akong tatayo at ngingiti.

Kumuha ako ng tubig at nilaklak iyon. Ilang sandali pa ay sunod-sunod naman ang nakahilera sa counter para sa mga order nila. Nakiparty ako na lang ako habang nag-aabot ng order nila. Madaming may kilala sakin dito sa club dahil ang energetic ko daw. Hindi ko pinapakita sa mga costumer namin na napapagod ako at parang napipilitan lang kaya naman tuwang-tuwa sila sa akin.

"Miss Diaz..."

Dahan-dahan akong lumingon sa tumawag sa akin at nakita ang lalaki kahapon. Siya ang assistant ni Argus na kasama ng boss ko.

"Oh? Ikaw na naman?" pabiro kong sabi at nilingon ang likuran niya para tingnan kong naroon si Argus, pero ni anino ay hindi ko makita. Marahil naroon na naman ito sa kotse at naghihintay.

"Pinapatawag ka ni Sir," sabi niya at napakamot pa sa ulo.

"Sabihin mo sa boss mo, hindi pa ako pwede. Nagtatrabaho pa ako." Akmang ibubuka niya ang bibig para magsalita, pero naunahan ko na siya dahil alam ko na ang sasabihin niya. "Sabihin mo rin, hindi niya kailangan bayaran ang gabi ko ngayon dahil magtatrabaho ako."

Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumalikod na lang at lumabas ng bar. Bumalik ako sa ginagawa ko at muling nagtimpla ng mga alak. Parang hindi naaubos ang mga tao, sa bawat may labas ay siya namang may papasok sa loob.

Bandang alas dos y media na ng matapos ang shift ko. Pagod na pagod ang buong katawan ko at para bang binugbog.

Tinungo ko na ang locker room at nagpalit ng ng damit. Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko bago lumabas.

Mula sa entrance ay nakita ko kaagad ang sasakyan ni Argus. Sasakyan niya lang ang namumukod tanging nandoon sa pwesto na iyon at baka nirentahan ang limang space para lang wala siyang katabing mga sasakyan.

Naglakad ako papalapit sa sasakyan niya at kinatok ang bintana ng driver's seat niya. Kaagad Bumukas iyon at bumungad ang mga mata ni Argus na namumungay na. Mukhang inaantok na siya pero pinipigilan lang na huwag makatulog.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya.

"I was waiting for you," husky niyang sabi niya.

Bumukas ang pintuan ng passenger seat at lumabas doon ang assistant niya para papasukin ako sa loob.

Naupo ako sa passenger seat at pinanood siyang kunin ang ang brown envelope sa dashboard. Iniabot niya sa akin iyon kasama ang ballpen.

"I need your sign here."

Nakagat ko ang labi ko at napatitig sa papel. Seryoso na ba talaga ito? Ayaw ko magsisi sa bandang huli kaya sana lang talaga ay tama itong ginagawa ko.

Kinuha ko ang ballpen sa kanya at pinirmahan ang papel. Kinuha niya iyon sa akin at ibinalik ulit sa envelope.

"It's settled then. Ipapadala sayo ng assistant ko bukas ang bayad mo." He smiled at me kaya nginitian ko rin siya pabalik. Pero ganon na lamang ang gulat ko at napatalon pa nang hawakan niya ang hita ko. Manipis lang ang tela ng leggings na suot ko kaya ramdam ko ang init ng kamay niya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko inalis ang kamay niya at hinayaan ko lang siya haplusin ang hita ko. Pero ayaw ko naman may kung anong kababalaghan ang nangyari rito sa loob ng sasakyan niya kaya nagpaalam na ako sa kanya bago pa mauwi sa kung saan ang paghawak niya sa akin.

"A-Ano... mauna na ako," turo ko sa labas. "Puyat ako, kailangan ko pa matulog." At akmang hahawakan ang handle ng door pwede hinila ako ako.

Kumalabog ang puso ko at napalunok na naman.

"Where do you live?"

"S-Sa... QC lang. Sa may bandang likod ng malaking simbahan may maliit na apartment, doon ako tumutuloy." Nanginginig ang mga tuhod kong tinignan ang kamay niya na nasa hita ko. Aatakihin ata ako sa puso dahil sa pagpisil-pisil niya roon.

"When do you want to make it?"

"Huh?" gulat ko at para akong timang na nakatingin sa kanya. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, pero ewan ko ba kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko. Mas nagpapanic pa ako ngayon kaysa kahapon nang alukin niya ako.

"Gawin... ang alin...?" Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

"My baby."

Para akong malalagutan ng hininga. Paano niya nagagawang maging kalmado samantalang ako ay halos himatayin na rito?

"Don't worry, I don't bite," dagdag pa niya at nginisian ako. "But, I lick..."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na hinawakan ang pintuan para lumabas. Hindi ko na siya muling nilingon pa at deri-deristo lang sa paglalakad.

Pakiramdam ko ay bibigay ang mga tuhod ko sa sobrang panginginig kaya huminto muna ako at kumapit sa isang poste. Doon ako nagpakalma bago pumara ng bus pauwi.

Ano ba itong pinasok ko? Tama pa ba ito?

Lutang ang utak ko nang makarating ako sa apartment. Masyado malala ang epekto ni Argus sa akin. Bawat tingin ko sa sulok ng apartment ay mukha niyang nakangisi ang nakikita ko.

Inis kong sinabunutan ang buhok ko at lumabas ng apartment para bumili ng cup noodles at isang kanin para sa almusal ko. Nag-half bath lang ako at tska nahiga na sa kama.

Ipinikit ko ang mga mata ko at handa na matulog pero mabilis din akong napamulat nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Kumunot ang noo ko. "Unknown number...?" 

Sino naman kaya ang nagbigay ng number ko?

Ang ayaw ko sa lahat ay ibinibigay ang number ko ng walang pahintulot ko. Iilan lang ang may alam ng number ko kaya mabilis ko lang din malalaman kung sino ang nagbigay nito.

"Hello?" sagot ko, may bahid ng pagtataray ang tono.

"Hi..."

Natigilan ako nang marinig ang pamilya na boses. Hindi ako pwede magkamali... boses ito ni Argus!

"It's Argus," aniya. I just want to know your schedule tomorrow?"

Kinagat ko ang kuko ko. Para akong kinikilig na hindi ko alam. Pero sino ba ang hindi kikiligin sa kanya?

"Ganon pa rin naman ang schedule ko," sagot ko sa kanya.

"I'll wait for you outside of the bar and..."

"And?"

"Ready yourself. I'll take you tomorrow."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nawala na ang linya.

Ano raw? Kukunin niya ako bukas? Obvious naman 'yon dahil magkikita kami, hindi ba?

O baka may iba pa siyang ibig sabihin?

Napatakip ako sa bibig ko nang marealize kung anong ibig sabihin ni Argus. Wala sa sarili akong napangiti at gumulong-gulong sa kama. Parang akong bulate na hindi mapakali at tumakbo sa banyo para tingnan kung may feminine wash pa ako. Sinipat ko rin sa salamin ang itsura ko.

He wants to do it tomorrow...

Magkahalos kaba at kilig ang nararamdaman ko. Kaba dahil iyon ang magiging unang beses ko na gagawin iyon. Sa kanya ko pa lang ibibigay ang sarili ko sa unang pagkakataon. Kilig dahil, sino ba namang hindi gugustuhin ang magkaroon ng anak na kasing lahi niya. Kahit naman hindi ako sobrang kagandahan ay alam kong hindi magpapatalo ang genes niya at lalaban iyon na tiyak akong maganda ang kakalabasan.

Bumalik ako sa kama ko at muling nahiga. Ipinikit ko na sana ang mga mata ko nang may naalala. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at sinave ang number ni Argus.

Nagtipa ako ng pangalan niya pero binura ko rin agad.

Baby daddy...

Iyon ang nilagay kong pangalan sa tabi ng number niya. After all, magiging baby daddy ko rin naman siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status