Share

Chapter 4: Weird Feelings

ANDREA

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nagising ako dahil sa lambot ng kama. Pakiramdam ko ay nakalubog ako. Kunot noo pa ako dahil sa sinag ng araw. Bakit ba bukas ang kurtina? Ang sakit sa mata. Noong nakapag adjust ang mata ko ay tinignan ko ang sarili.

Oh. My. God.

Kumot na lang ang nagtatakip sa katawan ko. Shit! Nangyari na ba talaga?!

Tinukod ko ang braso para umangat. Tatayo na sana ako para isara ang kurtina dahil gusto ko pang matulog pero naramdaman ko agad ang kirot sa pagitan ng hita ko.

Tinignan ko kung sino ang nasa tabi ko. Si Argus. Nakadapa siya at sakin nakaharap ang mukha niya. Hindi ko naman naiwasan na hindi siya pagmasdan.

Kung lalaki kaya ang magiging baby namin kamukha niya? Maamo ng mukha niya habang natutulog ngayon at bahagyang nakaawang ang bibig niya.

Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Tatlong beses. Tatlong beses namin ginawa 'yon. Kumbaga nagpapahinga lang kami ng ilang minuto tapos papaibabaw na naman siya. Hindi ko rin siya magawang pigilan dahil gusto ko rin.

Naramdaman ko ang lamig dulot ng aircon. Ewan ko ba, ang lamig lamig naman kagabi pero pawis na pawis ako.

Umatras ako para makatayo na. Ang lagkit ko kasi. Pero sa bawat paggalaw ng hita ko, kumikirot ang sa baba ko. Grabe naman, ang sakit talaga. Kailan kaya mawawala ito?

“Where are you going?” Muntik na ako mapatalon nang magsalita si Argus. Akala ko ba tulog siya?

“S-Sa banyo...” Nag-init ang pisngi ko dahil parang nag replay sakin ang tunog na nanggagaling sa bibig namin.

“Hmm, mamaya na. Stay here.” Inaantok pa ang boses niya dahil sa tono nito at nakapikit pa.

Bigla kong naalala yung ano niya. Grabe. Ang laki no'n at ang haba. Parang ang lusog lusog pa. Buti kinaya ko?

Kinagat ko ang kuko dahil feeling ko konting push na lang lalamunin na ako ng kama dahil sa sobrang hiya.

God! Naalala ko pa yung ginawa niya noong nasa gitna ng hita ko ang ulo niya!

“Ah, sige.” Humiga ulit ako at inayos ang kumot.

“Much better." Yumakap ang braso niya sakin. “I know you're still sore.”

Nanlaki ang mata ko sa binulong niya. Bakit ba kailangan niya pa yun sabihin.

Nagmulat ang mata niya at agad iyon tumama sa mata ko. Ngumisi siya at nagkagat ng labi.

Inaakit ba ako nito? Hindi. Ayaw ko pa. Masakit pa. Huwag naman sana siya humirit ng morning rounds.

“Ano, uuwi muna ako. Maglilinis ako ng apart—”

Pinutol niya an sasabihin ko. “You'll stay here for today. Look at yourself, you can't walk.”

“K-kaya ko naman kunti...” Sinubukan kong igalaw ang binti ko pero napangiwi lang ako.

“See? I got you last night. I'm your first and damn... I know it hurts. I'm sorry.” Umangat ang kamay niya at napunta iyon sa dibdib kong natatakpan ng kumot. “Tell me your experience last night.” Humalik siya sa leeg ko at nagsimula na naman gumapang ang mga kamay niya.

Kailangan ko pa ba talaga sabihin kung anong pakiramdam ng ginawa namin buong gabi? 

“Masakit...” sabi ko. Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko sa hiya.

Tumaas ang kilay niya, mukhang hindi nasiyahan sa sagot ko. “'Yun lang?”

"At masarap...” Napa-kagat ako sa ibabang labi.

“Saan masarap? Bakit masarap?” Malambot niyang tanong. 

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “A-Alam mo na yun!" kunwari ay inis kong sabi. Hindi pa ako sanay sa mga ganito. Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga anumang sandali.

“Do you think we will have our baby as soon as possible?”

Sandali akong natigilan. Parang impossible naman ata na wala kaming mabuo sa ginawa namin kagabi? Limang beses ba naman namin paulit-ulit ginawa!

“I think..."

“Really?”

Tumango ako. Nasa ilalim din siya ng kumot pero hindi ko sure kung wala din ba siyang damit. Nanlaki ang mata ko nang pumaibabaw siya sakin. At doon ko nalaman na may boxer siyang suot. Buti naman. Akala ko mahihimatay na ako.

“You look pretty in the morning.” Humalik siya sakin. “But you look beautiful every time I thrust inside you.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya samantalang siya ay mas lalong ngumisi. “Do you know how happy I am last night when I saw your expression, Andrea? You're crazy because of pleasure.”

 “Argus...” Daing ko dahil lumikot siya dahilan para madikit sa hubad kong hita ang matigas na bagay sa ibaba niya kahit na natatakpan pa ito ng boxer.

“Kung wala ka lang sugat ngayon siguro inuungol mo na ulit ang pangalan ko.” Nag-umpisa niyang halikan ang leeg ko.

“Uhm...” Itinikom ko agad ang bibig ko. “M-Masakit pa...” Tumigil siya at ngumisi.

“I know. You need to take a bath.”

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong buhatin. Nawala ang kumot na nasa katawan ko kaya mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang maseselang bahagi ng katawan ko.

“You don't need to cover it, Andrea.” Hagalpak niya. Hindi ko siya pinansin. Ang daya naman ng kumag na ito. Siya nakasuot ng boxers samantalang ako hubad ang buong katawan. “If you're going to pee, dahan-dahanin mo lang. Masakit 'yan.” Tumango ako nang mailapag niya ako sa toilet na nakasara.

“Kaya ko na rito," pagtataboy ko sa kanya.

Ngumisi lang ito ay lumabas na. Ngumuso ako at tumayo.

Ang sakit. Ganito pala talaga ang kapalit ng sarap na binigay sakin kagabi.

Tumagos na ako sa salamin na naghihiwalay sa lababo at shower. Hindi naman ako ignorante kaya alam kong gamitin ang heater niyang shower.

Nang buksan ko ito ay parang nahimasmasan ako. Gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang lagkit sa gitna ng hita ko.

Pagkatapos kong maligo ay nag sipilyo na ako. Ginamit ko yung ginamit ko kagabi na naka box pa.

“Uhm, Argue, anong susuotin ko?” Sigaw ko mula sa loob. Nakarinig ako ng yabang at ilang saglit pa ay dumating na siya, pero kamay lang niya ang nakapasok sa CR at may hawak itong paper bag. “Salamat.” Kinuha ko 'yon sakanya.

Lumabas ako pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko siyang pinapalitan ang cover ng kama.

“Bakit?” takang tanong ko.

“It has stain.” Nakangisi itong tumingin sakin. “Your blood stain...” Nanlaki ang mata ko. Dahil ba sa kagabi? Ano ba yan, nakakahiya. Sana ay ako na lang ang nagpalit.

Pinanood ko na lang ang ginagawa niya at wala ng nagawa pa. Mag aalas dies na rin ng umaga.

"Kailangan ko umuwi ngayon," inagaw ang pansin niya. Huminto naman siya sa ginagawa niya at binalingan ako.

“Stay here for today. Ihahatid kita bukas sa apartment mo.”

Mukhang wala talaga siyang balak na pauwiin ako ngayon. Tinignan ko ang lamesa na naiwan kagabi. Wala na ang mga kalat doon. Siguro nilinis niya habang nasa banyo ako.

Ngumuso ako at naupo sa kama. Hindi ko maalala ang buong nangyari kagabi dahil sa sarap na nararamdaman ko. Ramdam ko pa rin ang mga kamay sa bawat parte ng katawan ko.

“Stay here. Maliligo lang ako.”

Tumango lang ako. Nahiga ako sa kama pagpasok niya sa banyo. Pero lumipas ang halos trenta minuto ay hindi pa rin siya nakakabalik.

Baka nalulunod na? Or baka nabagok?

Dali-dali akong tumayo at pumunta sa tapat ng banyo. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto para makinig kung may ingay pa ba sa loob. Pero wala naman akong marinig.

“You should have told me if you want to watch me while I'm taking a shower, I can open the door for you so you can watch me.” Muntik na ako matumba sa kinatatayuan ko nang biglang Bumukas ang pintuan. Mabuti na lang nabalanse ko ang sarili ko.

“H-Hindi, 'no!” Tumalikod na ako sa kanya dahil naamoy ko ang natural scent niya. Nakakaadik.

Tumatawa siya habang naglalakad papasok sa walk-in-closet niya. Ilang sandali pa ay lumabas na siya. Shirt at shorts lang ang suot niya at simpleng simple.

“Let's have our lunch.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto niya at papunta sa kusina. Gano'n na lang ang gulat ko nang may makita akong isang kasambahay. May edad na ito pero mukhang malakas pa rin.

“Good morning, Sir," bati ni Manang sa kanya.

“Good morning din, Manang Cathy. Oh, by the way, this is Dea. Dea, this is Manang Cathy. Siya ang nag-aalaga rito sa bahay kapag wala ako," pakilala ni Argus. Agad kong inabot ang kamay ko na inabot din naman ng matanda ang kamay niya.

“Good morning, Ma'am Dea...” Maganda ang ngiti nito.

“Ah, Dea na lang po.” Hindi naman ako ang amo niya. Nakakailang kung tatawagin niya akong Ma'am.

Ipinaghila ako ni Argus ng upuan. Akmang uupo na din siya nang tumunog ang cellphone niya kaya napilitan siyang lumayo.

“Ikaw ba ang girlfriend ni Sir, Ma'am Dea?”

Napaubo ako sa tanong ni Manang Cathy at mabilis na umiling.

“Nako, hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Argus...” Magkaibigan? Teka, kailan pa kami naging magkaibigan?

“Imposible naman ata iyon, Ma'am Dea. 18 years old si Sir noong magtrabaho ako rito kaya nasaksihan ko ang pagiging tunay niyang lalaki. At sa loob ng labing dalawang na taon kong pagtatrabaho rito ay maraming inuuwi na babae si Sir... Pero ni minsan at hindi niya ito dinala sa kwarto niya kung hindi sa guestroom. Hindi tulad niyo na sa kwarto ni Sir dumiretsyo.”

“Anong... ibig niyo pong sabihin?” Medyo hindi ko nakuha ang gustong iparating ni Manang sa akin.

“Ikaw pa lang ang babaeng dinala ni Sir sa kwarto niya. Imposible na hindi kayo magkasintahan." Pinagsandok niya ako ng pagkain habang patuloy sa pagsasalita. “Parang anak ko na 'yan si Sir Argus, kaya alam ko na halos ang takbo ng isip niya.”

Awkward akong tumawa. "Naku, Manang hindi po talaga ako ang girlfriend niya."

“Kung ganon, siguro ikaw ang napili ni Sir na maging ina ng anak niya?”

Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya? Bukod kay Manang, sino pa ang may ibang alam?

“Kung hindi ikaw ang babaeng nagpapatibok sa puso ni Sir ay malamang ikaw ang napili niyang maging nanay ng anak niya.”

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Parang nakagat ko bigla ang dila ko dahil hirap ako maghabi ng salita.

“Dea, why aren't you eating yet?” Sabay kami ni Manang Cathy nilingon si Argus.

Humila si Argus ng upuan sa tabi ko at tiningnan ang plato ko. Nang makitang kanin pa lang ang nandoon ay pinaglalagyan niya iyon ng ulam.

Nagsimula na kami kumain nang may naalala ako. Ngayon nga pala pupunta ang plumber na nakausap ko kahapon para ayusin ang sirang tubo ng tubig.

"Argus..." mahinang tawag ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita at hinintay lang ang susunod kong sasabihin.

"Kailangan ko umuwi ngayon. May ipapaayos ako sa sirang tubo ng tubig."

Ilang minuto siya hindi nagsalita at nakatingin lang sa akin. Kung ice cream nga lang ako ay kanina pa ako tunaw sa mga titig niya.

Tumango siya. “Alright. Ihahatid kita. Finish your food."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Tinapos ko ang pagkain ko at bumalik sa kwarto para kunin ang bag ko. Nagpaalam din ako kay Manang Cathy at ipinagbalot pa niya ako ng ulam dahil kunti lang daw ang kinain ko.

Naunang naglakad palabas ng bahay si Argus. Pinatunog niya ang kotse tsaka ako pinagbuksan ng pintuan.

Sinabi ko sakanya ang address ko kaya nagmaneho na siya papunta doon samantalang ipinikit ko na ang mga mata ko. Inaantok pa rin ako dahil wala talaga kaming tulog na maayos. Tinotoo ni Argus ang sinabi niya na hindi niya ako titigilan.

Nagising ako at napabalikwas nang maramdaman ang kamay na gumagapang sa hita ko. Nagmulat ako ng mata at nakitang nakahinto na ang sasakyan.

"Nandito na pala tayo," sabi ko at umayos ng upo, pero hindi pa rin inaalis ni Argus ang kamay niya sa hita ko.

"Masyadong maingay ang lugar mo..." puna niya habang nakatanaw sa labas.

"Sanay na ako," sabi ko at natawa na lang. Inalis ko na Ang seatbelt ko at binuksan ang pintuan, pero hinila niya ako pabalik at siniil ng halik kasabay ng pagpisil ng dibdib ko.

Halos tumagal kami sa ganong posisyon ng limang minuto bago niya ako pakawalan.

“I'll pick you up three days from now. I hope you're not sore anymore." He pinched my nose and smile gently. "Take care, Andrea."

Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti habang lumalabas ng sasakyan niya. Kumaway pa ako sa kanya bago siya tuluyang mag-drive paalis at lumayo.

Pero ganon na lang kabilis napawi ang mga ngiti ko nang makita ko ang mga kapitbahay namin na nakatingin sa akin at nagbubulong-bulungan.

Nandito na naman ang mga chismosa!

“Dea, iba ka ha, galante ng syota mo!" puna ng matandang si Aling Taba. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi kami close.

“Alam mo na, Dea, kapag nakaahon ka ha? Baka naman, konting balato!" gatong pa ni Aling Petra.

Napailing na lang ako at deri-deristo sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa apartment ko.

Bakit ba may mga tao na ang hilig pakialaman ang buhay ng iba? Ano bang makukuha nila sa pakikialam?

Naupo ako sa maliit kong sofa at nagpahinga doon. Narinig ko nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bag ko.

Tumatawag ang plumber kaya mabilis ko iyon sinagot. Mala-late raw ito ng kunti dahil nastuck sa traffic. Ayos lang naman iyon dahil nakaligo na ako sa bahay ni Argus.

Matapos kong magpahinga ng ilang sandali ay nagligpit ako ng apartment. Ang iniwan kong kalat kahapon ay narito pa rin. Dahan-dahan lang ako sa pagkilos dahil masakit talaga ang ibaba ko.

Nasa gitna ako ng pagwawalis nang may kumatok sa pintuan ko. Mukhang ang plumber na iyon kaya binuksan ko ang pintuan.

"A-Argus..." bulong ko. Anong ginagawa niya rito?

Bago ko pa muling maibuka ang bibig ko para itanong kung bakit siya narito ay hinapit na niya ako at hinalikan sa labi.

"Masyadong matagal ang tatlong araw, Andrea."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status