Share

Chapter 4

Naghahanda para sa pag-uwi si Jade, inaayos niya ang kanyang mga gamit dahil any time ay darating na si Andy para daanan siya sa nurse station. Kinakabahan parin siya kaya naman pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. First time na may maghahatid sa kanya sa boarding house.

“Hoyyy! Bff tulala ka na naman diyan ha. Alam mo ba kinakabahan na ako saiyo, hindi ko kasi maintindihan yung kinikilos mo mula pa kaninang maga.” Sabi pa ni Kristel na may himig pagbibiro.

“huh! Bakit naman Kris, ano bang ikinikilos ko?” kunwaring tanong niya sa kaibigan habang patuloy na inaayos ang kanyang mga gamit sa bag.

“Obvious ka girl…As in halatang halata. Actually matagal ko ng halata ayoko lang magtanong saiyo, kasi gusto ko sana eh saiyo magmumula kaso wala eh hindi ka parin umaamin na matagal mo ng crush si Andy.”

“OMG! Kris ganon ba ako kahalata?” Natutop  niya ang kanyang bibig at agad na namula ang kanyang pisngi ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

Tumawa naman ng tumawa si Kristel dahil naaliw ito sa hitsura ng kanyang kaibigan. Habang si Jade naman ay hindi maintindihan ang gagawin dahil sa nararamdamang pagkapahiya. Hindi nila napansin ang paglapit ng dalawang bulto, kaya naman nagulat silang dalawa ng marinig na magsalita ang isa sa mga ito.

“Mukhang nagkakasiyahan kayong dalawa ah, abot hanggang tainga na naman ang ngiti ni Nurse Kristel. By the way kanina ko pa kayo hinahanap na dalawa buti naman at inabutan ko kayo rito.” Nakangiting saad ni Dr. George Perez.

“Bakit po Doc? May kailangan po ba kayo?” Magalang na tanong ni Jade.

“Ah…yes. Come here hija.” Bahagya pa nitong ikinaway ang kamay sa kanya senyales na pinalalapit siya nito.

Agad namang tumalima ang dalawang dalaga at lumapit sa doctor, doon lamang nila napag tuunan ng pansin na may kasama ito. Isang matakad at gwapong lalaki, matipuno ang pangangatawan at kay linis tingnan sa suot nitong hapit na jeans at longsleeves na kulay puti na nakatupi hanggang siko.

“Doc. George di mo naman po agad sinabi na may kasama ka palang yumm---este pogi. Hahaha…” Biro ni Kristel, bahagya namang nagpakita ng ngiti ang lalaki ngunit agad mong mapapansin na ang paningin nito ay nakatutok kay Jade.

“Nurse Kristel, Nurse Jade I want you to meet Gregory my youngest son.” Pakilala ni Dr.Reyes sa anak.

“ Hi beautiful Nurses, it’s my pleasure to meet you.” Inabot nito ang kamay kay Kristel at nakipag kamay. Dumako ang paningin nito kay Jade at ng iniabot rin ng dalaga ang kanyang kamay sa binata ay agad namang hinalikan iyon ni Gregory at ikinagulat yun ng huli.

Gulat na gulat at naiilang si Jade sa ginawang paghalik sa kanyang kamay ni Gregory, agad sana niyang babawiin ang kamay niya ngunit ngumiti ito ng ubod ng tamis sa kanya at sakatinitigan siya ng kakaiba.

“ ah----eh….” Ang tanging lumabas sa labi ni Jade hindi niya mahagilap ang salitang nais sabihin dala ng pagkailang na nararamdaman. Napahawak nalang siya sa kanyang dibdib at nilingon si Kristel, tila naman nakakaunawa ang kaibigan at ngunit wala ring masabi.

“ Ang lamig naman ng kamay mo Nurse Jade.” Sabi pa nito ng mapansin ang bahagyang pangangatal ng mga kamay ng dalaga.

“He really wants to meet you Nurse Jade, since the day that he saw you at the canteen with Dr.Yhang hindi na niya ako tinigilan.” Kwento ni Dr. Reyes sa kanila, at naisip ni Jade na siguro ay yung kumakain sila ng lunch kasama nila si Andy ang nakita nito.

“Can we eat outside? Mukha namang pauwi narin kayo ni Nurse Kristel.” At lalong tumindi ang kabang nararamdaman ni Jade dahil ayaw parin bitawan nito ang kanyang kamay. May kakaiba sa ngiti nito, oo gwapo ito at mukhang disente ngunit kinikilabutan ang dalaga sa tuwing makikita ang ngiti ng binata sa kanya. Kaya naman lalo siyang nakaramdam ng kakaibang kaba, at lahat sila ay nagulat ng may tikhim sa likuran ni Dr.Reyes at umikot ito diretso sa kanyang tabi.

Sinikap ni Andy na makuha ang atensyon ng mga nag-uusap, at hindi naman siya nabigo dahil agad siyang nilingon ng mga ito. Agad siyang lumapit kay Jade at tiningnan ito ng makahulugang tingin sa mga mata, dalangin na lamang niya n asana ay nakuha ng dalaga ang nais niyang iparating rito. Agad niyang ipinulupot ang kanyang kanang kamay sa bewang ni Jade at hinapit niya ito palapit sa kanya, ramdam na ramdam ni Andy ang biglang paninigas ng katawan ng dalaga. Bubulungan sana niya ito ngunit napansin niya ang talim ng titig sakanya ni Gregory, kaya naman naisip niya lalong inisin ito, sinadya pa niya itong halikan sa sintido na ikinabigla rin ng huli. At sa wakas napansin niya ang biglang pag bitaw ni Gregory sa kamay ni Jade.

Gulat na gulat si Kristel sa ikinilos ni Andy, hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang mga titig nito sa kanyang kaibigan na tila ba may nais na iparating. Agad naman niyang nakuha ang ibig nitong sabihin kaya naman mas pinili nalamang niyang manahimik.

 

“Dr. Yhang, akala ko ay nakauwi ka na?” Tanong ni Dr. Reyes at makikita ang pagkabalisa sa mukha nito.

 

“Hinintay ko pa po kasi ang labas ng girlfriend ko, para ako mismo ang maghatid sa kanya pauwi.” Tugon naman niya sa matandang Doktor na tila naman nagulat sa kanyang sinabi, kahit na nakita nito ang kanyang ikinilos.

 

“By the way, alam kong magkakilala na kayo nitong aking anak.”          

 

“Yes Doc. We’re classmate and friends dati.” Napatingala rito si Jade, hindi dahil sa nalaman nitong magkaibigan sila. Napatingala ito sa kanya dahil sa pagkakabigkas niya ng dati, bakit ang dating sa kanyang pandinig ay may lakip na galit o sama ng loob ang binitawan nitong salita.

 

“AH…okay, since na rito ka na at mukhang ready narin naman silang umuwi ay mauuna na kami sainyo. Ipinakilala ko lamang sila sa aking anak, tutal eh magkakasama sama na kayo rito sa ospital.” Dagdag pa nito.

 

“Thank you Doc. Bye Gregory nice meeting you.” Singit ni Kristel para matapos na ang usapan nila dahil nakakaramdam siya ng tila ba may maitim na awrang bumabalot sa katauhan ni Gregory at Andy, parang any time ay magsasabong ang dalawa at kung ano mang dahilan ay hindi talaga niya alam kung ano iyon. Lingid sa kanyang kaalaman ay pareho sila ng nararamdaman ni Jade.

 

“Okay, ingat kayo sa pag-uwi, see you around beautiful Nurses.” At bahagya pa itong kumaway bago nagpatiunang tumalikod sa kanila, may pagmamadali namang sumunod rito ang ama na halos wala ng nasabi bago tuluyang umalis. Tumango lamang ito sa kanilang tatlo at tuluyan ng sumunod sa papalayong naglalakad na anak.

 

 

Nang makalayo ang mag-ama ay agad na binitiwan ni Andy ang bewang ng dalaga. Para silang hindi magkakakilala at nagkakahiyaan sa isa’t isa, walang may lakas ng loob na manguna sa pagsasalita at tila ba nagpapakiramdaman. Syempre dahil sa likas na may kadaldalan itong si Kristel ang siyang nanguna sa pagsasalita dahil hindi na nito matiis ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isip.

“Oh my God! thank you so much my dear cousin and friend forever Andz you save us…. Ahmn actually you save Jade from that preskong Gregory.” Sabi nito sa ipit na tinig ngunit para bang gustong gustong ipagsigawan dahil sa sobrang kaba at inis na naghalo.

 

Nakangiti namang tumingin rito si Andy. “It’s okay Kris, I know him very well. Kaya nga nung nakita ko siya, parang kinabahan agad ako at ang tanging gusto ko lang agad gawin ay ang mailayo kayo sa kanya.” Paliwanang nito habang nagpapalipat lipat ang tingin sa dalawang dalaga.

 

“It’s okay Andz, Pano? Mas mabuti pa siguro umalis na kayong dalawa ihatid mo na si bff bago pa makabalik ang mokong na iyon.” Tugon naman ni Kristel kay Andy at nagmamadaling pumasok muli sa Nurse Station at kinuha ang mga bag nila ni Jade.

 

Tila naman nalilito pa itong si Jade sa mga nangyari kaya halos di malaman ang tamang sasabihin. Bahagya pa itong nagulat ng iabot ni Kristel ang kanyang bag. Agad namang nahalata ni Andy na wala sa sarili ang dalaga. Kaya si Andy na ang umabot sa bag na ibinibigay rito ng kaibigan nila.

 

“I think you need to rest, mukhang pagod na pagod ka eh.” Baling nito sa dalaga na biglang nag-angat ng paningin sa kanya.

 

“ah…S---sige….T---tara na.” mahina at nauutal nitong tugon sa kanya. Agad nitong binalingan ang kaibangan para magpaalam. “bye Kris, see you tomorrow. Ingat ka sa pagda-drive ha.” Bilin nito sa kaibigan at saka b****o rito.Nang nakapagpaalaman na silang dalawa ay binalingan niya si Andy at saka tumango rito tanda ng pag-aanyayang umalis na sila. Inalalayan naman siya nito, bahagyang hinawakan siya sa siko hanggang sa makarating sila sa parking lot ng ospital kung saan nakaparada ang sasakyan ng binata.

 

Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay para bang muli silang nagkahiyaan sa isa’t isa. Ngunit dahil sa sobrang kaba at siguro dala ng kuryusidad ay pinilit ni Jade ang sarili na maging normal sa harap ng lalaki.

 

“ahmn.. Doc. And------” hindi siya nakapagsalita ng ilapat ni Andy ang isang daliri nito sa kanyang labi. Nagugulumihanan siyang napatitig sa magaganda nitong mata.

 

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na Andy lang ang itatawag mo sa’kin lalo na kung na sa labas tayo ng hospital.”

 

“O---okay sige…ah…gusto ko lang sanang magpasalamat duon sa nangyari kanina. Hindi mo lang alam yung nararamdaman ko that time, pero mamamatay na ako sa sobrang kaba. Para bang tatalsik palabas yung puso ko. Na te-tense ako sa sobrang pagtitig nung Gregory na yon tapos ayaw niya pang bitawan ang kamay ko kaya lalo akong kinabahan.” Mahabang salaysay niya kay Andy na tila batang nagsusumbong halos manilas ng husto ang kanyang nguso dahil sa magmamaktol ng kanyang kalooban.

 

“Actually, I know what exactly your feeling is. Kasi habang papalapit ako sainyo, I saw that you trying to get your hands at lalo namang hinigpitan ni Greg yung pagkakahawak niya sayo. Nagtago na nga ako eh, kaya lang nakita ko yung mukha mo parang nababad sa suka kaya I decided na lumapit nalang and I’m sorry for what I did earlier. I hope that you get what I want  to say when I look into your eyes.” Paliwanag nito sa dalaga at dahil doon at nagluwag ang pakiramdam ni Jade. Para siyang kinikiliti ng mabasa ang pag-aalala sa mukha ni Andy habang nagkukwento ito.

 

“Thank you ulet ha. Pano kaya ako makakabawi sayo?” bahagya pang tumingala si Jade at kunwaring nag-iisip kung paano nga makakaganti sa kabutihan ng binata sa kanya.

 

“Let’s eat outside tonight…ahmn…together….b---but if you are not comfortable, you can take Kris with you…” naglalakas lakasan ang loob na pahayag nito sa dalaga at titig na titig naman ito sa kanya.

 

“Grabe ka naman, ako? Hindi komportable sayo? Kaibigan at pinsan ka ng Bff ko at sabi mo nga kaibigan mo na rin ako, so siguro naman walang dahilan para maging hindi komportable pagkasama mo…diba?” natatawang sagot niya rito. Agad namang nagliwanag ang mga mata ng binata sa narinig nito at napa suntok pa sa hangin.

 

“Talaga? Yes!” tuwang tuwa ito at halos mapasigaw sa pagpayag ni Jade na sumamang kumain sa labas.

 

“Hoyyy! Hindi ko alam na may pagka OA ka pala ha.” Natatawa talaga si Jade sa naging reaksyon ni Andy.

 

“Sorry… ah pano… ihahatid na kita para makapag prepare ka na  at ganon din naman ako, para masundo kita agad at ng hindi tayo gabihin.” Dirediretsong sabi nito habang nagmamaniobra ng sasakyan palabas ng parking lot.

 

Ngunit sa di kalayuan ay di nila napansin ang isang pares ng mga mata na kanina pa sila pinapanood. Hindi tinted ang sasakyan ni Andy kung kaya’t makikita mo ang mga taong lulan nito kahit na malayo ka pa. Nagpupuyos ang kalooban ng nagmamay-ari ng mga matang iyon. At hindi siya makapapayag na muling mapunta kay Andy ang babaeng muling nagpatibok ng kanyang puso sa mahabang panahon.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status