Share

Chapter 5

Mabilis silang nakarating sa boarding house, hindi na bumaba pa si Andy. Matapos siyang alalayan sa pagbaba ng sasakyan ay nagpaalam lang ito na uuwi at magpapalit ng kasuotan sa condo.

Walang pagsidlan ng saya si Jade kaya naman may pagmamadali siyang pumasok sa silid at agad naghanap ng maisusuot. Wala pa ang room mates niya kaya wala siyang matanungan kung ano ba ang babagay sa kanya o kung ano ba talaga ang dapat isuot.

Hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang isang bestida na kahit minsan ay hindi pa niya nagagamit. Isa iyong kulay dilaw na may disenyong maliliit na bulaklak na kulay puti at rosas, sleeveless iyon at hanggang kakalhatian ng hita niya lamang ang haba kaya naman pinag-iisipan niyang mabuti kung isusuot ba niya ito o hindi.

Ngunit wala na siyang panahong mag-isip kung kaya’t nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at naligo ng mabilis at ng makatapos ay tinuyo niya ang napakahabang buhok niya ng blower at saka naglagay ng light make up gayun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status