Share

Finale

Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage.

Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila.

Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar.

"Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status