Share

Back Into Your Arms Again
Back Into Your Arms Again
Author: Sarah Joven

EPILOGUE

"Babe... babe......Andy?" Nangangatal ang boses na nagmumula sa lalamunan ni Jade.

Napakalamig ng pakiramdam ni Jade, parang nanunuot sa kanyang balat ang lamig na dulot ng aircon.

Napakalambot rin ng kamang kanyang hinihigaan, maging ang unan at kumot niya ay kakaiba rin sa kanyang pakiramdam. Dahil wala siya sa sariling silid, oo wala siya sa boarding house dahil narito siya sa condo ng nobyo niyang si Andy.

Dahil sa pag seselos nito at nauwi sa away nila kahapon, eto siya ngayon. Para mapatunayan ang lubos na pagmamahal sa lalaki ay taos puso niyang inialay ang kanyang sarili. Kung dati ay naniniwala siya na hindi niya dapat ibigay ang sarili hanggat di nakakasal ngayon ay sinuway niya ang paniniwalang iyon dahil siya mismo ang nagsuko ng pinakaiingatan niyang dangal sa kauna unahang lalaking minahal niya.

Wala siyang naramdamang pagsisi dahil mahal na mahal niya ang lalaking ito. Pinagmasdan niya ang buong mukha ng nobyo habang ito ay mahimbing na natutulog. Dahan dahan siyang kumilos para bumangon ng maramdaman niya ang hapdi sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tanda na wala na ang kanyang pinakaiingatan. Pinilit niyang kumilos at maupo ngunit nagising si Andy, agad nitong ibinalabal sa hubad na katawan ang nadampot na tuwalya at lumapit sa kanya.

"where are you going?" tanong nito na nakakunot ang noo.

"Magbabanyo lang sana ak----" Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin ng walang anu-ano'y binuhat siya nito patungong banyo. Nakabalot sa kanyang katawan ang malambot na kumot nito. Walang imik siya nitong ibinaba at tuluyang tumalikod.

Nangmaihatid sa banyo si Jade ay agad na pinalitan ni Andy ng bedsheet ang kanyang kama naglabas din siya ng panibagong kumot dahil nadala ng dalaga ang kumot sa banyo. Agad niyang napansin ang bahid na kulay pula sa kanyang tinanggal na bedsheet, napangiti siya at sa kaibuturan ng kanyang damdamin ay may nadarama siyang kakaiba.

"Babe!pwede bang pakiabot ng mga damit ko?" sigaw ni Jade mula sa banyo.

"okay!" Agad namang tumalima si Andy kumuha siya ng bagong labang robe sa kanyang aparador at saka lumapit sa pintuan ng cr naka ngiti siyang pumasok roon at matamang pinagmasdan ang nakatalikod na dalaga naliligo ito at punong puno ng bula sa katawan.

Hindi siya nakapagpigil agad na lumapit rito at sumabay maligo.

Gulat na gulat si Jade ng maramdaman ang mainit na kamay na humahaplos sa kanyang likuran, agad siyang humarap at nagtagpo ang kanilang mga mata tila ba nagkakaintindihan kahit na walang nagsasalita isa man sa kanila. Parang may sariling isip ang kanilang mga labi na kusang naghugpong maging ang kanilang katawan ay kusang sumusunod.

Muli nilang pinagsaluhan ang init na kanilang naramdaman pinalaya ang isa't isa sa pamamagitan ng pagsayaw sa ritmong sila lamang ang nakaririnig. Masayang masaya silang dalawa sa loob ng magdamag na magkasama ay sinulit nila ang pananabik ng isa't isa, hindi nila naisip ang mga problemang maaari nilang harapin sa darating pang mga araw.

Maagang nagising si Andy, agad niyang pinagmasdan ang natutulog na dalaga.

"Ipinapangako ko saiyo na ikaw lamang ang babaeng pakamamahalin ko habang buhay. Pagnaka graduate na ako magpapakasal agad tayo at bubuo ng sarili nating pamilya. Mahal na mahal kita Jade, ikaw lang ang nakapagpabago sa buhay at hindi ko hahayang mawala ka."

Nakalipas ang mga araw at lalong tumibay ang pagmamahalan nilang dalawa, hindi narin sila nag-aaway wala nang selosang nagaganap. Sinikap ni Andy na masmapalayo pa sa mga kababaihan pagkat ayaw niyang magagalit si Jade. Ganoon rin naman si Jade hindi na ito nakikipag-usap basta basta sa mga lalaki lalo na kung hindi naman importante.

Palagi rin silang sabay kumakain at masmalimit ay sa condo ni Andy natutulog si Jade. Ang dahilan nalamang niya sa kasera ay panggabi sila ng duty. Kung gaano kasaya ang relasyon nilang dalawa siya namang sakit ng biglaang pangyayari sa kanilang buhay na tila ba dinagukan sila ng tadhana upang magising sa katotohanan.

Isang malakas na sampal ang nakapagpagising sa natutulog na si Jade. Halos ikina bingi niya iyon, agad siyang bumagon upang makita kung sino ang gumawa noon sakanya ngunit bigla nalamang siyang nanlumo sa nakita. Ang mommy ni Andy ay nasa paanan niya at palakad lakad halata ang galit sa postura nito.

"Anong klase kang babae natutulog ka sa kama ng aking anak! Isa kabang bayaran? Pwes lumayas ka rito ayaw ko ng muli pang makita ang iyong mukha. Nakakadiri ka sumisiping sa lalaki kahit na hindi naman asawa..."

"Mommy stop it please! She is my girlfriend and I love her kahit na ayawan nyo pa siya ay wala kayong magagawa. Dahil ipaglalaban ko sya at pananagutan ko kung anuman ang nagyari saamin." Malakas na sigaw ni Andy sa kanyang ina at nagmamadaling lumapit sa dalaga nakita niyang namumula ang kaliwang bahagi ng pisngi nito agad niya itong inalalayan at pinapasok sa banyo upang makapagbihis.

Sa loob ng banyo ay umiyak ng umiyak si Jade, nakaramdam siya ng pagkahilo na tila ba umiikot ang kanyang paningin at nagulat nalamang siya ng makaramdam ng kirot sa puson at biglang agos ng dugo sa kanyang hita papunta sa kanyang binti. Wala siyang nagawa kundi ang isigaw ang pangalan ni Andy bago siya mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status