Share

Ikaapat na Kabanata - Ikalawang Pagkikitang Muli

Pinilit ko na maging okay kahit na sobrang hirap. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Umiyak lamang ako magdamag at hinayaan ko na lamang ito upang masanay rin ako. Tama, masasanay rin ako.

Hirap man na bumangon ay bumangon pa rin ako dahil kailangan ko na magpunta sa main office ngayong araw. Kailangan ko na magreport dahil iyon ang sinabi sa akin ni Ryosuke. It's for formality lang daw.

Huminga naman ako nang malalim nang makalabas ako ng apartment ko. Kaagad rin naman ako napatigil nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Nagsimula na ako maglakad at saka ko sinagot ang tawag. Wala na akong oras para tingnan kung sino pa ang tumawag.

"Hello? Aoi Takeshi speaking, who's this?"

Napakunot naman ako nang walang sumagot sa kabilang linya. This time, napatigil ako saglit at saka ko nakita ang unknown number. Inilagay ko muli ang cellphone ko sa tenga ko.

"Hello? Whoever you are, please state your name and your business for calling me," I added. Kailangan ko nang mahabang pasensya dahil sa trabaho ko. Malay ko ba kung client pala 'to. "Hello?" Still no response. "Bye."

Pinatay ko na lamang ang tawag at saka ako pumara ng taxi. Hindi na ako maghihintay ng bus sa bus stop dahil male-late lang ako. Kailangan ko nang magmadali dahil late na ako nagising. HIndi naman maganda na ma-late ako at hindi rin naman porque kaibigan ko si Ryosuke na may-ari ng kumpanya ay gagawin ko na ang gusto ko. I need to do my best so that my efforts and skills will be recognized by everyone. Isa pa, pinaaga talaga ako ni Ryosuke ngayong araw dahil mayroon daw meeting na kailangan kong attend-an. Hindi ko alam kung anong trip n'ya pero need n'ya raw talaga ako roon.

"Eto po, Manong. Salamat po."

Inabot ko na ang bayad at saka siya nagpasalamat sa akin. Hindi ko na kinuha ang sukli dahil nagmamadali na rin naman ako. Ipinakita ko sa guard ang temporary pass ko na binigay sa akin ni Kenji. Later, I need to go to the HR department para kunit ang permanent pass ko.

"Hello po, anong kailangan nila?" tanong sa akin ng babae na nasa front desk. She's smiling at me and she looks so amazing. I smiled at her, she's an omega.

Thank goodness Ryosuke did not descriminate against us.

Ngumiti naman ako. "Hello, I am here for Mr. Ryosuke Daez."

"May appointment ka po ba sa kaniya?" tanong naman kaagad ng babaeng omega at saka kinuha ang telephono.

Umiling ako. "Wala pero sabi niya na ipakita ko raw ito sa inyo pagdating ko." Inabot ko naman kaagad sa kaniya ang isang papel.

Binasa niya ito at may kung anong kinalikot sa kanilang monitor at saka ito tumango at ngumiti sa akin habang binabalik ang papel.

"Right, sa seventh floor po ang office niya." May ibinigay naman siya sa aking ID. "Ito po muna ang gamitin mo since wala ka pa pong proper ID ng company. Sasabihan ko po ang HR department na ihanda na ang permanent pass mo para po bago mag lunch ay maibigay na nila sa 'yo," dagdag pa niya.

She's so amazing. She's doing her job so well.

Tumango naman ako. "Thank you."

"You're welcome, Sir."

Kaagad naman na akong nagpunta sa elevator. May mga kasabayan ako pero more on bestas. Hindi na naman nakakapagtaka iyon dahil mas marami naman talagang beta na nagtatrabaho sa company ni Ryosuke since more on betas din ang populasyon sa mundo. Ang kinagandahan ng kumpanya na ito ay tumatanggap sila ng mga omega as long as they're taking their inhabitors regularly. Their heat are also recorded and secured kaya naman kapag darating na ang heat ng isang omega ay kaagad silang binibigyan ng notice.

Ryosuke is more hands-on, pagdating sa mga omega. Siguro dahil kay Kenji. When Kenji was having a hard time, it was Ryosuke who's always by his side. Since then, nakita ko talaga ang interes ni Ryosuke na protektahan ang mga omega. He' one of a kind, alpha.

Ang mga alpha naman sa kumpanya ay hindi na rin nakakapagtaka na mga superiors. They have brains, after all. Karaniwan sa mga leader ay mga matatalino ang kaibahan nga lang, ang mga alpha sa kumpanya ni Ryosuke ay hindi mga patapon na alpha. They are trained to reject the omega in heat's pheromone. Hindi nila pwedeng galawin ang isang omega as long as they don't have its consent when it is still sober.

As for the alphas in rut naman, they can spend it with their mate or they could use a strong inhabitor para isahang gabi lang ang suffering nila. Ang mga alpha ay mayroong rut kada isang buwan. Mayrron silang pheromones na ginagamit na tanging ang mga omega lamang ang nakakaamoy. Mga pheromones na kung saan nagagawang ipa-submit ang isang omega.

Ang mga omega naman ay kabaliktaran ng mga alpha. Hindi sila ganoon katalino pero hindi rin naman sila matatawag na bobo. Hindi rin sila ganoon kalakas gaya ng mga alpha ngunit kahit na anong kasarian man, babae o lalaki ay may kakayahan na mabuntis. Ang mga omega ay mayroong mga magagandang mukha at makikinis na balat. Kung ang alpha ay may rut, ang omega naman ay mayroong tinatawag na heat na kung saan naglalabas sila ng pheromones na nang-aakit sa mga alpha. Sa sampung tao na pinapanganak ay tanging isa lamang roon ang maaring maging omega.

Ang mga beta naman ay siyang mga normal na tao. Hindi nila nararamdaman o naamoy ang pheromones ng mga alpha at omega. Sa buong mundo, sila ang pinaka maraming populasyon at dahil doon sila rin ay tinatawag na workers dahil bawat kumpanya ay mas marami ang beta kaysa sa omega at alpha.

Huminga ako nang malalim nang makarating ako sa harapan ng office ni Ryosuke. Pumasok ako at kaagad ko naman nakita ang alpha na secretary ni Ryosuke na na-meet ko na rin sa abroad.

"Good Morning, Miss Tan," I greeted her with a smile.

She smiled at me as well, saying, "Hello, Mr. Aoi, good morning."

"So Ryo?" kaagad ko na tanong.

"Nasa loob po, Sir. Pwede ka na po pumasok dahil wala naman po ibang tao rito."

Tumango ako. "Hindi ba pupunta si Kenji?"

She shook her head. "Hindi ko po alam. Usually kasi before lunch napunta rito si Mr. Kenji."

"Thanks, pasok na ako."

Tumango na lamang ito at saka ako pumasok sa loob ng office ni Ryo. Naktia ko rin naman kaagad siya na may hawak na dokumento. Napangiwi pa nga ako nang makita ko na sobrang daming papel sa mesa n'ya.

"Ey, Sir, hindi naman halata na iniwan mo ang trabaho mo para lang makasama pinsan ko, ano?" pang-aasar ko at napa-angat naman siya nang tingin sa akin. "How's my cousin?" I asked.

He chuckles. "Still having a morning sickness," kaagad na sagot niya at binaba ang hawak na papel. "Hindi nga sana ako papasok ngayon kung hindi lang namna niya ako pinilit." Mahina naman akong natawa.

Napakunot ang noo ko. "Are you having a tantrum just because he did not let you stay?"

Minasahe naman ni Ryosuke ang kaniyang sintido. "Tell me, is it okay if he refuses to see me?" he asked.

I tilted my head. Say what? Hindi ko naintindihan ang sinabi niya ngunit nang makita ko ang itsura niya ay kaagad din naman akong natawa.

"Oh my god!" I exclaimed as I tried not to laugh so hard. "Ayaw ka niya makita?" tanong ko at kahit mukhang ayaw niyang sagutin ang tanong ko ay marahan siyang tumango. Napailing na lamang ako at kinalma ang sarili ko. Ano ba pwedeng maging dahilan? "Hmm... I think maybe it's because of your pheromones? Hinahayaan mo lang ba ang pheromones mo? Hindi mo ba nililimit?" tanong ko sa kaniya at napaisip naman siya.

Marahan siyang tumango. "Hindi. Akala ko kasi 'yun ang gusto niya."

Napabuntong hininga naman ako. "Kaya naman pala." Umupo ako sa sofa at saka tumingin sa kaniya. "Pregnant omegas are sensitive when it comes to their mate's pheromones. Oo, makakatulong nga sa pagbubuntis ng omega ang pheromones ng partner nila pero minsan naman kapag nasosobrahan ay hindi rin maganda sa pakiramdam nila 'yun. Just limit the pheromones that you're releasing. Baka dahil doon kaya minsan ayaw ka niya makita."

"But-"

"Umuwi ka nang maaga mamaya. Pag-uwi mo, limitahan mo kaagad ang pheromones mo. Malay mo nag-iinarte lang si Kenji dahil sa pagbubuntis n'ya." Mahina naman akong natawa.

Nai-imagine ko na ang itsura ni Kenji kapag naiinis siya kay Ryosuke.

Tumayo si Ryosuke at saka may roong binigay sa aking isang kumpo ng dukumento. Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kaniya.

"Read."

Napabuntong hininga na lamang ako. Kung ano ang kina-sweet niya sa pinsan ko 'yun naman ang kina-cold niya sa akin. Ibang klase talaga 'tong alpha na 'to. In the end, wala akong nagawa kundi ang basahin ang binigay niya sa akin.

"Huh? Ako ang in charge sa event na 'to? Isn't it too big?" taas kilay ko na tanong.

"Hindi pa naman sigurado kung tayo talaga ang kukunin nila," sambit ni Ryo, he massages the bridge of his nose. "Masyadong malaki ang project na 'to at malaki ang mawawala sa atin kung hindi ko 'to makukuha. That's why, I want you to be with me in the meeting room," he added.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "And why is that? Bakit kailangan kasama ako? Pakiramdam ko may hidden agenda ka rito," pagbibiro ko pang dagdag sa kaniya at halatang halata ang pagdududa sa akin.

Hindi naman siguro nila naisipan ni Kenji na ibenta ako, 'di ba? If so, then I will smack their heads out of their necks.

"Kung ano man iyang iniisip mo ay alisin mo na 'yan," kaagad na sambit ni Ryo sa akin at napatingin naman ako sa kaniya. He sighed. "Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin sa 'yo pero talagang kailangan ko ang presensya mo sa loob ng meeting room."

Itinabingi ko naman ang ulo ko dahil wala talaga akong maintindihan sa sinabi niya. Sobrang confused ako dahil hindi ko alam kung ano ang plano ng lalaking 'to.

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon at ilang sandali naman ay bumukas na ang pinto ng office ni Ryosuke. Nakita ko naman ang isa pang secretary niya na palagi niyang kasama.

"Mr. Daez, the meeting is about to start," kaagad nitong pag-report.

Napanganga naman ako. "Gusto mo ako isama sa meeting tapos hindi mo kaagad sinabi na ngayon na agad agad?" hindi makapaniwalang reklamo ko kay Ryo.

Mahina naman siyang natawa. "Sorry," he said, without any emotion. Ipinagdaop naman niya ang kaniyang palad. "Kailangan talaga namin ng tulong mo. Hindi mo naman kailangan magsalita," dagdag pa nito.

Kumunot ang noo ko. "Is that Kenji's teaching?"

Kaagad naman na bumagsak ang balikat ni Ryo at bumalik sa pagiging cold. "Yeah, he said that I should do that."

Natawa naman ako at napailing. Who would have thought that this merciless and cold, extreme dominant alpha would act cute just because his omega said so?

Hindi ko alam kung bakit kailangan nila ng tulong ko gayong hindi ko naman kailangan magsalita. Sa bandang huli, pumayag na lang ako. Kahit na ano rin naman kasing gawin ko ay hindi rin naman ako makakawala rito dahil baka i-blackmail ako ng isang 'to. Lalong lalo na si Kenji.

I just hope that there is no misfortune that will happen to me during this meeting.

Habang naglalakad ay pakiramdam ko sasabog na ang puso sa kaba.

Akala ko walang mangayayari pero mali pala ako.

When I entered the conference room, I immediately felt the bond that we had, I immediately intoxicated with his scent. My eyes immediately locked in his and this is truly frustrating at the same time awkward.

Kaagad akong tumingin kay Ryosuke at saka ako lumapit sa kaniya para bulungan ito. "You really are dead, Sir."

He smirked at me. "Again, I told you, we needed your help."

Napabuntong hininga na lamang ako at bumagsak ang balikat ko. "Fine, I won't talk though."

He just nodded his head and I followed him. 'Yung hinihiling ko na sana walang misfortune na mangyari ay hindi natupad. Takeru is here with his goddamn omega! With his goddamn fiance! For fucks' sake, papatayin ba ako ng tadahanang ito?

May I rest in peace, Aoi Parella Takeshi. My condolences to my family and friends.

Wala akong ibang ginawa kundi ang magsulat nang magsulat sa papel kahit na wala naman akong sinusulat na matino. Anong isusulat ko na wala naman sa meeting ang utak ko? Sana lang ay hindi ako tanungin ni Ryo tungkol sa meeting.

Lagot talaga kayong dalawa sa ‘kin mamaya. Alam ninyo kung anong merong relasyon ako at si Takeru at ganito pa rin ang gagawin ninyong dalawa? Hindi na kayo naawa. Lalong lalo ka na Kenji.

Puno ng pagka-inis ang utak ko at kulang na lamang ay malunod si Kenji at Ryosuke sa pagmumura sko sa kanila.

“Sigurado ba kayo na kaya ninyo ‘to?” dinig ko na sabi ng omega ni Takeru.

Hump! Sa tingin ba ninyo ay basta basta lamang si Ryosuke?

Napasilip ako kay Ryosuke at nakita ko naman ang pagngisi niya. “Hindi naman namin ito kung hindi, ‘di ba? Isa pa, sa mga kumpanya na nag-propose sa inyo, ang kumpanya ko lamang ang may hawak ng pinaka maliit na risk.”

“All right, let’s do it then.”

“But—“

Magsasalita pa sana ang omega nang magsalitana si Takeru. Buti nga sa ‘yo. “Ryosuke Daez is not someone you could easily argue with something like this.” Ah, why do I feel like I wanted to burn these two? “Let’s continue to contract signing.”

Nakita ko naman ang paglapad nang mga ngiti ni Ryosuke. Tingnan mo ‘tong lalaking ‘to. It’s no wonder why he needed me here. I feel like I’ve been used.

Does he need me here to be Takeru’s anchor or what?

Palihim na lamang ako na napabuntong hininga. Nang matapos sila sa contract signing ay kaagad naman na nag-ring ang phone ko dahilan para mapatingin ang lahat sa akin. Hindi ko sila pinansin at tumingin lang ako kay Ryosuke.

“I’ll get this call,” I told him and let him saw the caller ID. He then nodded his head.

Lumabas ako ng meeting room at saka sinagot ang tawag. “What the fuck do you guys think you’re doing?” inis ko na bungad.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Kenji sa kabilang linya. “Sorry about that,” he said. “Well, I guess it did signed?”

Huminga ako nang malalim para mapakalma ang sarili ko. Kalma lang, Aoi. Buntis ‘tong kausap mo. “Yeah, they just finished signing the contract,” malumanay na sagot ko sa kaniya. “Bakit ba kasi kailangan ako roon?” tanong ko.

“Dahil kung nandoon ka ay walang magagawa si Takeru kundi ang pirmahan ang kontrata. He will be given a chance to see and work with you.”

I raised an eyebrow even though he couldn’t see it. “And why would I work with him?”

“Huh? Hindi mo pa ba alam?”

Napakunot naman ang noo ko. “Alam ang? May hindi ba kayo sinasabi sa ‘kin?”

“Ikaw ang hahawak ng project na ‘to, hindi mo ba alam? Hindi ba binigay sa ‘yo ni Ryo ang mga documents na kailangan mo basahin?”

Sandal naman akong natahimik at saka ko naman naalala ang kumpol ng dukumento na binigay sa akin ni Ryosuke kanina sa office niya. Kaagad naman akong napatampal ng noo nang ma-realized ko kung anong project ‘yun.

“Don’t worry, all you have to do is to refuse.”

Napangiwi naman ako. “Madaling sabihin, mahirap gawin.” Bumuntong hininga ako at saka tumayo nang tuwid. “All right, I’ll go back to the meeting room.”

“Um, thank you.”

Pinatay ko na ang phone at bumalik sa loob ng meeting room. Nararamdaman ko ang tingin ni Takeru sa akin ngunit hindi ko siya magawang tingnan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kung titingnan ko s’ya ngayon ay parang mawawala na ako sa sarili ko. Nasa likuran ako ni Ryo kaya naman alam ko na kapag nakatingin siya kay Ryosuke ay nahahagip ako nang tingin niya.

When everything is settled, Ryosuke looked back at me. “What did he say?”

“I cursed at him.”

Kumunot naman ang noo niya at sinamaan ako nang tingin. “You should know why, right?” Ngumisi naman ako.

Napahawak siya sa sintido niya. “Ah, right, you two really are… whatever.” Sandali naman akong napahawak sa batok ko. “Does it hurts?”

Umiling ako. “Bearable.”

Tumango siya. “Tell me if it’s unbearable, I’ll transfer you—“

“Mr. Daez.” Parehas naman kaming napatingin kay Takeru sa pagtawag n’ya kay Ryosuke. “I hope our cooperation will went well.” Inunat ni Takeru ang kaniyang kamay upang makipagkamay kay Ryosuke.

Kaagad naman din itong kinuha ni Ryosuke. “Likewise.”

Naramdaman ko naman ang pagiging unstable ng pheromones ko kaya naman kinalabit ko si Ryo. “I’ll get going first.”

Tumango siya nang makita niya ang itsura ko. “Are you going to—“

“Just shut up, okay?”

Naramdaman ko ang tingin ni Takeru at ng bago nitong omega sa akin ngunit binaliwala ko ito. I went to the nearest restroom.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status