Share

Chapter 4

Narating namin ang pinakamatas na palapag at may tanging iisang kwarto. Inayos ko muna ang sarili gayon din ang ginawa ng aking kasama, saka kami kumatok at pumasok. 

Pagbukas ko ng pinto, unang bumungad ang secretary ng CEO na si Aika.

"Good morning Ma'am Aika." sabay naming bati dito. 

"Good morning. He is expecting you two." tanging sabi niya. Mabait ang sekretarya ng CEO. Hindi tulad ng ibang nasa katulad nitong posisyon.

"Sige ho.. Papasok na po kami." aniya ni Patricia.

"Okay." ibinalik nito ang atensyon sa computer na nasa harap.

"Ay sandali, pwede bang pakidala na din sa loob ang papeles na ito. Information iyan tungkol sa iyo." pagtutukoy niya sa akin.

"Sa-Sakin po? Paano po ang sa kaniya?" sabay sulyap ko sa kasama.

"Tanging sayo lang ang hiningi ni Mr. Ylanan. Mukhang na-sample-an ka ng kasungitan niya. O siya. Pasok na kayo. Kanina pa naghihintay si sir sa loob."

Nagpaalam kami dito saka nagtungo sa isang kulay marmol na pinto. Kumatok ako ng tatlong beses. Nang walang makuhang sagot, kusa ko na itong binuksan.

Pagkapasok na pagkapasok ko. Bumulaga sa akin ang isang malinis, mabango at napakagandang opisina. Puti at black ang tanging kulay na makikita rito. Kahit ang mga nakadisplay na mga gamit ay tila hindi man lang nadadapuan ng alikabok. Baka nga alikabok na mismo ang mahiyang dumapo sa mga ito sapagkat napakagagara ng kagamitan dito.

"Are you done admiring my office?" aniya ng isang baritonong boses.

Natigil ang pagkamangha ko sa buong opisina nang makaharap ko ang isang lalaki na nagsusumigaw sa kagwapuhan. Mali. Hindi sapat ang salitang kagwapuhan para mailarawan ang mukha ng kalahi ni Adan na ito. Mas malakas ang  nagsusumigaw na appeal nito kesa sa aktor na si Michaele Moroni ng 365 DNI.

Sa tantiya ko ay nasa 6'7 ang taas nito. Ang balat nito ay hindi maputi, kundi tan, na mas nakapagpadagdag sa karisma nito. Ang mga labi niya, my God! Sobrang nipis at napaka-pula na pati ang labi ko ay tinalo pa yata sa sobrang natural na pula nito. Ang ilong nito, parang ililok ng naayon sa tamang oras, kalkulasyon at desenyo. Perpekto ngang matatawag.

Bumaba ang nga tingin ko sa katawan nito. Ang mga muscles nito ay nagpupumiglas sa suot nitong black coat. Na kung hindi branded ay mukhang mawawarak sa sobrang ganda ng pagkakaform. Kahit ilang baby pa yata ang kargahin nito ay hindi alintana ang bigat.

'Sandali! Sandali! Saan nanggaling ang baby LJ?'

Natauhan ako sa lahat ng panghagod na ginagawa ko ng magsalita ito sa maawtoridad na boses.

"I didn't called you here para hagudin ng tingin ang kabuuan ko at pagpyestahan."

Agad kong kinalap ang sariling katinuan sa sinabi nito. Namula ang mukha ko sa pagkapahiya. "S-sorry Sir" sabi ko. "Bakit kasi ang gwapo mo" bulong ko pang turan.

"I heard that."

Kung may mas ipupula pa ang mukha ko, siguradong kasing pula na ng kamatis. 

"Ahm.."

"Save it. I don't wanna hear your wasteful explanation."

Aba't! Napakayabang naman ng isang 'to! Por que nasa kaniya na ang lahat, masyadong malaki ang ulo sa sobrang yabang. Tss! Akala niya siguro ay mahuhumaling ako sa taglay niyang karisma. Hah! Ang kapal ng mukha niya! Hindi lang siya ang gwapo sa mundo. Makabilib sa sarili akala mo e siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo!

"Do you understand?"

"Yes sir." sagot ni Patricia. Ang paningin ng dalawang kasama ko ay pawang sakin natuon ng hinsi ako sumagot.

"What?" tanong ko sa katabi ko. Pinanlakihan niya ako ng mata. Ano ba kasi ang pinag-uusapan nila?

"You may go now Miss Moreno."

"Yes sir. And I'm sorry again."

Hindi na nito tinugon pa ang sinabi ni Patricia.

"Te-teka Pat.." Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas ng opisina.

"Eyes on here Miss."

Napapitlag ako sa pagtawag niyang iyon. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko'y ito na ang huling araw ko sa trabaho. Paano na ako? Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.

"Aahh.. May.. sasabihin pa po ba kayo? Pwede na din po ba akong umalis?" tanong ko.

Sa halip na sagutin ako ay dinampot nito ang teleponong nasa tabi at tinipa ang iba't-ibang numero.

"This is the CEO of YHR. Alisin mo ang pangalang Lourine Jane Narvas sa listahan ng mga empleyado sa front desk department ng YHR." saka niya binaba ang telepono at mataman akong tinitigan.

Parang bombang sumabog ang mga katagang iyon sa aking pandinig at nakapamingi sa akin ng sobra. No! Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho! Saan ako kukuha ng ipangagastos sa araw-araw?

"You can't do this to your employee Mr. Ylanan. You can't fire me just because I had a little chitchat with my colleague."

"In the middle of your job hour? Is that a proper attitude Ms. Narvas?"

Sandali akong napipilan sa sinabi nito. Oo nga't mali ako sa puntong iyon. Pero iilang minuto lang naman iyon.

"Pero sandali lang kaming nagkaroon ng conversation.. sir."

"Even if it is a second, I don't care. Binabayaran ko ang bawat segundong pinagtatrabahuhan mo. Ang ayuko ay mga incompetent na tao. Walang pagpapahalaga sa oras na sinasayang sa walang katuturang bagay."

"But sir..."

"You're fired."

Lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko. Iba't-ibang emosyon ang nagkukumahog na nararamdaman ko. Sobra naman yata na tanggalin ako sa trabaho? Pwede namang masuspende lang. Maling-mali ba na kahit konting palitan ng salita na walang kinalaman sa trabho ay ipinagbabawal na?

Pero sa halip na makipagmatigasan, mas minainam kong maghunos dili. Dahil kung makikipagpataasan pa ako ng pride, walang mangyayari sa akin kundi gutom ang aking aabutin. Sandali akong huminga ng malalim at pinakatitigan siya... habang unti-onting lumuhod sa harap niya.

"Parang awa mo na.. Mr. Ylanan. Nagmamakaawa po ako. Huwag niyo naman po akong tanggalin sa trabaho. Alam ko pong mali ang ginawa ko. Aminado po ako. Please! Hindi na po mauulit." pagsusummo ko kasabay ng pagkiskis ng mga palad para makiusap.

"I don't waste my money para lang magpasahod ng empleyado na wala ang puso sa ginagawa. At hindi ko ugaling magbawi ng salita lalo na at sinabi ko na. Now, you can go. Pack your things, because you are fired."

"Parang awa niyo na po sir! Hindi ko na po uulitin! Gagawin ko na po ng maayos ang trabho ko, huwag niyo lang akong sisantehin. Please po! Kailangang-kailangan ko lang po ang trabahong to sir."

"Sana naisip mo ang bagay na iyan bago ka nakipagchismisan Miss Narvas." Pinal at tila wala nang pag-asang magbago pa ang desisyon nito.

Para saan pa ang pagpupumilit kong huwag matanggalan ng trabaho, kung buo na ang pasya niya. Tumayo ako saka pinahid ang luhang patuloy na namamalisbis sa aking mukha.

"Sandaling minuto lang iyon sir, pero napakahirap makiusap sayo. Hindi naman ikababawas ng guest niyo at yaman niyo ang ilang minutong pakikilag-usap ko kay Miss Moreno.

"Hindi rin ikalulugi ng hotel ko ang mawalan ng katulad mong iresponsableng empleyadong katulad mo. Baka ng aikaangat ko pa kung sakali." sobrang masaktan ako s amga salitang lumabas  sa bibig niya. Napapakasama niya.

"Tama nga ang mga balita sayo. Wala ka ngang puso." ang nagmamakaawang mukha ko ay napalitan ng isang matatag na ekspresyon. "Guess what Mr. Ylanan. Que ikaw pa ang pinakamapera sa mundo, kung kasing lamig naman ng nyebe iyang puso mo,  kahit araw ay susuko sa'yo na tunawin iyang malamig mong puso dahil sa pag-uugali mo. Kung ako man ang araw, susuko talaga ako para lang tunawin iyang pilit mong tinatambak na nyebe diyan sa kalooban mo." lakas loob kong inilabas ang galit na nararamdamna ko sa kaniya.

"You don't know me. You don't know every single details about me. Kaya huwag kang magsalita na para bang kilala mo ako." malamig niyang turan.

"Tama po kayo. Wala akong alam tungkol sa iyo. Pero ang pananatili ko ng ilang minuto sa opisina mo para magmakaawa. Patunay lang na kung gaano kayo kalamig sa empleyado niyo na sinasahudan niyo lang, pero hindi mo maituring na pamilya dahil sa matigas mong damdamin." saglit ko pa itong tinitigan saka lumabas ng opisina na lumong-lumo dahil sa pagkawala ng trabaho ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status