Amber's Pov "Relax, baby." Napalingon ako sa sinabi ni Zeus. Nakita kong nakatutok sa daan ang mga mata nito habang nagmamaneho. Ngayon kasi ang punta namin sa Cavite, para harapin ang mga magulang ko. At kanina pa ako kinakabahan, hindi para sa sarili ko kun'di para kay Ze. Natatakot kasi ako sa puwedeng gawin ni Tatay rito kapag nakitang magkasama kami. Tiyak kasing magkakagulo na naman, ngunit sadyang mapilit ito na ngayon na kami pumunta. "Relax, okay?" Muling sabi nito at sandaling lumingon sa akin. Inabot nito ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko at dinala nito iyon sa bibig nito. Pinaliguan nito ng halik ang likod ng palad ko habang nakatutok pa rin sa daan ang mga mata nito. "Ano ba kasing inaalala mo?" "Ikaw." Ngumiti naman ito at saka itinigil sa gilid ng kalsada ang kotse nito. Inalis nito ang seat belt at saka dumukhang papalapit sa akin. Inilagay nito sa likod ng aking tainga ang mga buhok na tumakas mula sa pagkakatali niyon. Tumitig sa akin ang mapupungay
Amber's PovMabilis akong napahiwalay kay Nanay nang makarinig kami ng kalabog mula sa sala. Kinain ng kaba ang dibdib ko nang maalala ko si Zeus na naiwan ko sa sala. Nawala ito sa isip ko dahil sa naging pag-uusap namin ni Nanay. "P*tangina ka! Hayp ka, anong ginagawa mo sa pamamahay ko?!"Sabay kaming napatayo ni Nanay nang dumagundong sa buong kabahayan ang galit na galit na boses ni Tatay.Nagkatinginan kami nito at saka sabay na patakbong lumabas mula sa kusina papunta sa sala."Lumaban ka! Lumaban ka!" "Hindi po ako lalaban, Sir...hindi po ako lalaban.""Labanan mo ako, San Diego! Lumaban ka, matapang ka lang kapag anak ko na ang sasaktan mo!" sigaw ni Tatay. Tila nilamukos ang puso ko nang makita kong nakaupo si Zeus sa sahig ng bahay namin habang walang awang pinagsusuntok ni Tatay. Hindi ito lumalaban, tinanggap nito ang bawat pagpapakawala ni Tatay nang sunod-sunod na suntok at tadyak."Oh my God! Ze--" Lalapitan ko na sana si Zeus nang sumagi sa isip ko ang bilin nito s
Amber's PovHINDI ako mapakali. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto ko. Alam kong sinabi ni Nanay na maayos na nag-uusap si Tatay at Ze, nakita ko rin naman kanina nang sumilip ako sa bintana, pero hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib. Lalo pa't nag-iinom sila, baka uminit na naman ang ulo ni Tatay at kung saan na naman mauwi ang usap nila. Pinagpapawisan na ako sa pagpapabalik-balik ko. Gustong-gusto ko ng lumabas ng kuwarto para puntahan sila sa kubo. Inaantok na rin ako pero hindi ko magawang matulog dahil baka kung anong mangyari.Paano kung saktan na naman ni Tatay si Ze, ni hindi pa nga nawawala ang mga pasa nito sa mukha eh. At alam kong pati ang katawan nito ay masakit pa rin kahit wala itong sabihin sa akin.Muntik pa akong mapatalon nang makarinig ng katok sa labas ng pinto ng aking kuwarto. Dali-dali akong lumapit doon at may pagmamadaling binuksan iyon. Tila ako nakahinga nang maluwag nang makita ko si Tatay.Halatang lasing na ito pero mababak
Amber's PovNapapapikit ako para pigilan ang ungol na gustong kumawala sa akin sa tuwing mararamdaman ko ang mainit na dila ni Zeus sa leeg ko. Ngunit hindi ko na napigilan ang pagkawala nang mahinang ungol nang damhin nito ang dibdib ko. Napaarko ang katawan ko sa tindi ng sensasyong lumukob sa buo kong pagkatao. Hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang ulo ko sa tuwing tutudyuin ng dila nito ang leeg ko. Nang magsawa ito ro'n ay iniwan nito ang leeg ko at bumaba iyon sa dibdib ko. Hinalikan nito iyon kahit natatabingan pa ng suot kong damit at bra.Nag-init ang mukha ko nang tumingin ito sa akin at mababakas ang pagnanasa sa mga mata nitong nakatingin sa akin. "I love you Amber," paos na anas nito. Naramdaman kong hinawakan nito ang laylayan ng damit ko at dahan-dahan na itinaas iyon. Kusang umangat ang likod ko para tuluyan nitong mahubad iyon. Lalong nag-init ang mukha ko nang pagmasdan nito ang kahubdan ko. Tatakpan ko sana ng kamay ko ang dibdib ko ngunit pinigilan nito a
Zeus PovMaaga akong nagising kinabukasan dahil plano kung ayusin ang paa ng kama na nasira namin ni Amber kagabi. Dahil sa kalibugan ko nasira ko iyon at muntik pa kaming mahuli ng Tatay ni Amber.Hindi ko napigilan ang mapatawa nang mahina nang maalala ko ang naganap kagabi. Nagkunwari akong binabangungot para hindi kami mahuli ng Tatay ni Amber. Bilib na bilib na sana ako sa acting skill ko kung hindi lang ako nasampal ng Tatay nito. Masakit iyon dahil bigay todo ang lagapak sa pisngi ko.Hindi ko na lang mas'yadong ininda dahil nanunuot pa rin ang kilig sa puso ko nang mangyari iyon. I can't imagined myself na gagawa ng kalokohan huwag lang mahuli ng Tatay nito.Pero aaminin kong kakaiba pala iyong excitement kapag gano'n. Iyong ang tatanda na namin pero kailangan pa naming magtago. Iyong ungol na ungol ka na pero mapapamura ka na lang nang mahina kasi nasa kabilang kuwarto lang ang pamilya niya. Iyong tipong pati paghinga ko kailangan kong hinaan sa takot na mahuli.Pero mamaya u
Amber's Pov Mugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak pero ayaw talagang maampat ng mga luha ko. Kanina pa nakaalis si Zeus pero wala akong balak lumabas ng kuwarto ko. Hindi ko napigilan na makaramdam ng sama ng loob kay Tatay. Kung sana tinanggap na lang niya si Zeus, hindi sana iyon aalis at iiwan na naman ako. Muling kumawala ang isang mahinang hikbi mula sa mga labi ko. Umiyak na lang ako nang umiyak dahil iyon na lang naman ang magagawa ko. Hindi ko na kayang pilitin na mag-stay si Zeus sa buhay ko. Nang makaramdam ng antok at pagod ay hinayaan kong makatulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog, basta nagising na lang ako sa pakiramdam na parang may mga matang nakamasid sa akin. Kaagad akong nagmulat ng aking mga mata at iginala iyon sa kabuuan ng aking kuwarto, ngunit wala namang tao. Mag-isa lang ako ro'n, pero iyong pakiramdam na may nakatingin sa akin ay naroon pa rin. Muli akong tumingin sa paligid pero wala talaga. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko an
Amber's POV"Ze.." Mahina kong sambit sa pangalan nito. Parang gusto ako nitong tunawin sa pamamagitan ng mga titig nito.Humarap ito nang maayos sa akin at sinapo ang mukha ko. "Bakit umiiyak ka pa rin, hindi mo ba nagustuhan ang surprised ko sa'yo?" Napasinghot naman ako. "Gusto ko, pero naiinis pa rin ako sa'yo kasi akala ko iniwan mo na talaga ako. Na naman," parang batang sabi ko.Tumawa naman ito at nanggigigil na pinisil ang tag kabilang pisngi ko. "Drama lang iyon, baby. Magagawa ko ba naman sa'yo iyon? At isa pa, umalis naman talaga ako ah.""Pero hindi para iwanan ako kun'di para bumili nito," sagot ko sabay lahad ng kamay kong may singsing. Napakagandang singsing, kumikislap iyon sa tuwing matatamaan ng ilaw. "Nagustuhan mo ba ang singsing na iyan, baby?"Humilig ako sa balikat nito. "Oo naman, kahit anong singsing magugustuhan ko pa rin. Hindi naman mahalaga kung anong klaseng singsing eh ang mahalaga ay galing sa'yo, galing sa lalaking pinakamamahal ko."Kinabig ako nit
Amber's Pov "Baby, huwag na kaya?" Rinig kong sabi ni Ze sa akin. Busy ako sa pag-aayos ng buhok ko. Matapos kasi naming makabalik dito sa Manila ay nakiusap akong bumalik muna sa ZSD Tower para balikan ang trabaho ko ro'n. Isang linggo na rin naman ang nakakaraan at ilang mga papel na lang ang kulang para sa kasal namin nito. Dalawang buwan mula ngayon."Sure ka ba?" paniniguro nito. Nang matapos mag-ayos ng buhok ay nilapitan ko ito. Nakaupo kasi ito sa ibabaw ng kama ko. Yes kama ko, bumalik ako rito sa apartment na kinuha ni Lara dati para sa akin. Hindi muna ako pumayag na magsama kami sa unit nito bilang respeto na rin sa mga magulang ko. At salamat na rin dahil hindi na ito nangulit sa bagay na iyon. Although minsan pumupunta pa rin naman ito dito para umungot na hindi ko naman mapahindian. Gano'n talaga, masherep eh. Pilyang sabi ng maharot kong utak. Hindi ko napansin na napahagikhik na pala ako sa kalandian ng isip ko. "What's funny, baby?" kunot ang noo na tanong nito