Share

Kabanata-3 Sana all ritzkid

POV- Issa

Kinabukasan maaga akong nagising gawa ng aking alarm clock. Tuwing alas singko medya laging naka set ang oras ng aking paggising, nakagawian kona kasi sa probinsya namim na nakakapagluto ako at nakakain ng almusal bago ako pumasok sa eskwela.

Habang kumakain ako ng sinangag na kanin at binating itlog ay bigla kong namiss si mama, sobrang miss kona kahit apat na araw pa lamang ako dito sa Manila,ano kayang ginagawa ni mama ngayon sa bahay, nakapag almusal na kaya sya ngayong oras? Ma etext nga si aling Bebang, kumustahin ko lang si mama.

Hello Aling Bebang, kumusta po si mama, si Issa po ito.

Habang wala pang reply sa akin si Aling Bebang ay niligpit kona mona ang aking pinagkainan at nag toothbrush narin ako bago umalis sa dorm, mabuti na lang solo lang ako dito, wala akong kasama na kapwa ko scholarship, natapos na ako sa aking daily morning routine kaya sinarado kona ang pinto, at umalis na nga ako. Habang naglalakad ako sa kalsada, biglang tumunog ang cellphone kong Nokia XpressMusic 5310. Bigay pa ito sakin ni mama kaya iniiangatan ko, kahit hindi na ako nakasunod sa uso na kong anu anong model ng phone ang lumalabas. Nakita ko ang pangalan ni Aling Bebang kaya sinagot ko ito.

"Hello po Aling Bebang si mama po kumusta," iyon agad ang bungad ko sa kanya.

"Narito ang mama mo. Bumili siya ng bigas, sardinas at itlog. Sinabi ko na nagpadala ka ng mensahe sa akin, kaya tinawagan kita para makausap mo. Ibigay ko na sa mama mo ang selpon ko," sagot sakin ni Aling Bebang.

"Hello nak, kumusta ka d'yan, may nangyare ba saiyong masama? tanong agad sa akin ni mama.

"Wala po mama' namiss lang po kita. Kumusta po kayo dyan inaalagaan mo po ba ang iyong kalusugan? kumakain po ba kayo sa tamang oras? sunod-sunod na tanong ko kay mama.

"Oo naman nak, ikaw kumusta pag-aaral mo? tanong ni mama.

"Okay lang naman po ma' mababaet naman po ang mga kaklase ko," sagot ko.

"Sino naman iyan nak? at bakit mukhang bisugo? tanong muli ni mama.

"Kaklase ko po mama' patayin kona ma' ang selpon ko nandito na po ako sa tapat ng campus," paalam ko ko kay mama.

"O sege anak, mag-ingat ka d'yan ha," sagot ni mama.

Pinatay ko na ang aking selpon at papasok na sa sana ako, ng may tumawag sa aking pangalan.

"Hoy Issa, teka lang hintayin mo ako," tawag ni Aria sa akin.

Napalingon ako sa likuran ko, nakita ko si Aria na lakad takbo kaya hinintay ko na lang dito sa labas ng gate.

"Bakit ka naman lakad takbo, hinihingal ka tuloy na parang kabayo," tanong ko agad kay Aria.

"Hinabol kase kita, para sabay na tayo pumasok sa room natin. Tsaka ang ganda ko naman kabayo," natatawang sagot sa akin ni Aria.

May bumusina sa amin likuran, pagtingin namin ay may dalawang kotse na magkasunod, BMW at FORD. Tumabi kami ni Aria at binigyan ng daan ang dalawang nagmamahalang at nagkikintaban na sasakyan, para makapasok sa loob ng Campus namin. Mga ilang minuto lumabas yong sakay ng kotse, bumaba si Chyrll sa BMW at si Rasselle naman ay sa FORD.

"Sana all ritzkid" sabay namin wika ni Aria," pareho kaming nagkatinginan at nagkatawanan, dahil iisa lang ang binigkas naming salita. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad habang nagtatawan.

Nang nasa bukana na kami ng pintuan ni Aria ng may bigla na lang dumaan sa gitna naming dalawa, at pumasok ang babae sa pinto na akala mo ay pag mamay-ari niya ang daan.

"Huhulaan ko Aria kapag humarap yan si mukhang BISUGO yan," gigil kong sabi sa kanya.

Nagkatawanan na lang ulit kami ni Aria ng malakas dahil tama nga ang hula ko, bago umupo si bisugo ay tiningyan nya ulit ako mula ulo hangang paa," natatawa talaga ako sa babaeng to napaka suplada talaga.

Naupo na kami ni Aria sa upuan namin at nagkwentuhan.

Biglang lumingon si Aria sa likuran namin at kinausap nya si bisugo.

"Hi maraming salamat nga pala don sa pagtulong mo sa akin nong nakaraan linggo. Kung hindi mo kinuha ang resume ko at dimo binigay sa kakilala mo, baka hanggang ngayon naghahanap parin ako ng trabaho at baka wala ako ngayon dito," pasasalamat ni Aria.

"Walang anuman, naawa kase ako sayo, total kakilala ko naman yong may ari. Kaya kinuha ko ang resume mo , at binigay sa ko sa kanya. Tapos kasa-kasama mo pa ang tatlo mong kapated, habang naghahanap ka ng trabaho," sagot ni bisugo.

"Aba't ang mukhang bisugo mabaet din naman pala," kausap ko sa sarili ko sabay tawa ng mahina.

Subalit hindi parin nakaligtas sa kanyang panrinig..

"Hoy babaeng tukmol kahit nakatalikod ka nababasa ko yang nasa isip mo, sinong mukhang bisugo ka d'yan? mas di hamak na mas maganda ako kaysa sayo, sa kulay at kutis pa lang at tangos ng ilong ko walang-wala ka sa akin," napipikong sagot nya sa akin.

Napabunghalit na lang ako ng tawa sa pagbubuhat ng sarili nyang upuan. Humarap ako sa kanya at nakita ko namumula ang mukha sa inis nito sa akin.

"Tumigil na nga kayong dalawa, pangalawang araw pa lang natin dito mukhang mainit na ang ulo ninyo sa isa't isa," awat ni Aria.

Ano nga pala pangalan mo Ms. bisugo? tanong ulit ni Aria.

Kaya ako ay napa bunghalit ulit ng malakas na tawa, yong ibang kaklase namin ay napapalingon na sa amin.

"Happy ang tukmol" naasar na sagot ni bisugo.

"Bukas wag ka ng pumasok sa trabaho mo, dahil mula ngayon tanggal kana," wika ni bisugo kay Aria 

Natameme naman ako sa tinuran ni bisugo at napatingin ako kay Aria, bigla itong nalungkot dahil nawalan sya ng trabaho dahil sa akin.

"Ano tukmol bigla kang natameme dyan? guilty ka ba ha? tanong sa akin ni bisugo.

"Dahil saiyo nawalan sya ng trabaho," wika ulit ni bisugo sabay irap at halukipkip ng dalawang braso nito sa kanyang dibdib.

Hihingi na sana ako ng pasensya ng sya naman ang tumawa ng malakas.

"Hahaha, hindi na kayo mabiro, it's a prank.

Napatayo si Aria at bigla na lang niya niyakap si bisugo, at ako naman ay natahimik parin dahil naisahan ako nito siraulong mangkukulam ito a.

"Salamat akala ko tototohanin mo yong sinabe mona wala na akong trabaho simula ngayon, mukha ka pa naman seryuso kanina," sagot ni Aria.

"Ano ka ba? biro lang iyon. Pakisabi nga pala sa magulang mo uso ang family planning? Huwag puro sarap, para hindi ka nahihirapan mag-alaga sa mga kapated mo. Ang hirap kaya ng sitwasyon mo," walang prenong sabi ni bisugo kay Aria.

"Okay na sana plus 1/4 kana sana sa langit kaso sumablay ka ng kunti. Masarap ang tumitirik ang mata at gumawa ng baby sa gabi, lalo na kapag umuulan at malamig ang panahon," singit kung sagot .

"Eh di ikaw ang maghanap buhay at mag-alaga sa mga kapated niya, kong masarap para saiyo," sagot sa akin ni bisugo sabay irap ng mga mata.

"Ano nga pangalan mo? tanong ulit ni Aria.

Sasagot na sana si bisugo ng biglang dumating ang Prof. naming poge na si ser John loyd.

"Magandang Umaga sainyong lahat," bati ni ser sa amin.

"Magandang Umaga din po ser," sabay sabay naming bati kay ser.John loyd.

Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw si bisugo.

"Ser bakit ang gwapo gwapo mo? single kapa ba ser? kaya lahat ng kaklase ko ay nagtatawanan habang naka tingin sa Prof. namin.

"Hey Miss beautiful sa akin kana lang di ka magsisisi sa akin kapag ako ang naging nobyo mo, singit din ni Ahrielle Magana.

Natandaan ko pangalan niya kahapon.

"Sorry Mister na diko alam ang pangalan, hindi ikaw ang tipo kong lalaki. Ang gusto ko ay may pandesal, matcho, yummylicious, iyong mismong mawewet agad ang panty ko sa unang tingin ko pa lang kapag nagkaharap na kami. Hindi katulad mong isang pirma na lang ng bulati maglalaho kana, balik sagot din ni bisugo," kaya naupo na lang si Ahrielle, sabay kamot ng batok at natahimik na lang.

Kami naman nila ser ay natatawa, dahil sa dalawa naming kaklase na makulit.

Nagsimula na magturo ni ser John loyd sa subject namin, at napakahusay nyang magturo. Nagbigay siya agad ng quiz sa amin, lahat kami ay naka kuha ng mataas na marka sa pagsusulit. Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang oras ng klase ni Ser John loyd sa amin, nag paalam na siya sa amin dahil may kasunod pa siyang klase.

Dumating ang pangalawang guro namin katulad kahapon, pagpapakilala lang at kunting turo sa subject ang ginawa namin. Si bisugo na yong tatanongin.

" Ikaw miss na nasa likuran ni Miss Isadora. Ano nga ulit pangalan mo nagpakilala kaba kanina? tanong ni Prof.

Magsasalita na sana si bisugo, nang may bigla na lang tumawag kay madam. Lahat daw ng guro ay pinapatawag ng Dean office, kaya ang klase namin natapos ng maaga at pinauwi na rin kami.

Pagkarating ko sa bahay, nag bihis lang ako at nagluto. Pagkatapos kung kumain ay natulog narin ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status