Hindi ko na alam kung paano ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang mabilis. Masyadong kinain ng pag-aalala at kaba ang sistema ko na tila kumikilos na lang ang katawan ko sa gusto nitong gawin. Tumatakbo ako ngayon sa hallway ng ospital na sinabi ni Mommy, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit naospital si Daddy dahil hindi ko na iyon nagawa pang itanong kanina. "Miss, Alexander Dagsinal's room, please?" tanong ko sa nurse na nasa information desk.Frustrated akong napahilamos ng mukha sa ilang segundo na ch-in-eck ng nurse ang monitor na nasa harap niya."Room 06, Ma'am," she informed.Hindi ko na nagawa pang magpasalamat at lakad-takbong hinanap ang silid na sinabi niya. Nang tuluyan ko na iyong nakita ay walang pasabi kong binuksan ang pinto ng kwarto at naglakad papasok. "Dad?" nangangamba kong tawag.Una kong nakita si Mommy na nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Daddy, ang kapatid kong si Mary France naman ay nakaupo sa visitor's couch. Tuluyan nang nanlambot
"Hija? Anak? Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses na iyong itinanong ni Manang mula sa labas ng pintuan ko. Hindi ko man gusto na balewalain siya ay wala akong lakas na sumagot o magpakita kaninuman. Pakiramdam ko ay ang dumi-rumi ko. Oo, kasalanan ko na pinatulan ako ni Agustine, kasalanan ko ang nangyari sa aming dalawa. Pero hindi ko inakala na papasok ako sa isang sitwasyon kung saan magiging kabit ako. I wanted to blame him, but I know I'm at fault also. I didn't ask anything about his relationship status. Pagak akong natawa at sumandal sa gilid ng aking kama. Nakaupo ako sa sahig habang yakap ang sarili kong mga binti. Ang mga luha ko ay walang awat na tumutulo. Paulit-ulit kong ni-replay ang lahat sa utak ko. Mula noong nagkatagpo kami hanggang sa nangyari kanina.Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Ang gulo-gulo. Pakiramdam ko may kulang, may hindi ako alam. Mayroong parte sa dibdib ko na nasasaktan at natatakot sa posibilidad na pinaglaruan niya nga lang
Halos limang minuto na 'ata akong nakatulala sa pintuan ko. Ilang beses kong inulit sa aking isip ang sinabi ni Mommy bago siya lumabas. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ba ako o mananatili na lamang sa silid ko. Pero naisip ko, walang kasalanan ang babae sa lahat. Kung may matatawag man na biktima sa nangyayari, siya iyon.Wala akong ideya kung bakit siya nandito. Para ba bantaan ako? Para lalong ipamukha sa akin ang kahihiyan na ginawa ko? Humugot ako nang malalim na hininga at saglit na inayos ang sarili ko. Siguro nga ay kailangan kong tapusin ang gulong ginawa ko, kailangan kong humingi ng tawad. Nang nakuntento sa aking itsura ay saka pa lamang ako mabagal na kumilos para lumabas. Sa bawat lakad na ginagawa ko ay tila pinipiga ang puso ko sa katotohanan na nagkamali talaga ako.Natanaw ko agad ang fiancee ni Agustine na nakaupo sa sofa pagkababa ko. Our eyes met. Wala pa man siyang sinasabi ay ramdam ko ang galit at sakit mula sa kanyang paningin. Naupo ako sa one seater couch
"Khrystal." Gulat na napatitig sa akin si Nexus habang nasa bungad ako ng pintuan ng bahay niya.I decided to come here the moment Agustine's fiancee left the house. Hindi ko alam pero nagkusa na lamang ang katawan ko na kumilos. Hindi ko na alam kung ano ang tama at dapat na gawin para matapos lahat ng problema ko. Para mawala ang sakit sa dibdib ko.I gave him a small smile. "Can I come in for a second?" I asked.Agad naman siyang tumango at saka tumabi sa gilid para padaanin ako. Sa nag-aalalang titig niya pa lamang ay alam kong nakaabot na rin sa kaniya ang isyu na nangyari sa akin. Wala akong balita tungkol doon. Iniwasan kong buhayin ang cellphone ko, maski ang tumingin sa telebisyon ay hindi ko ginawa kaya naman wala akong ideya kung hanggang saan ba ang alam ng mga tao tungkol sa eskandalo na kinasangkutan ko."Gusto mo ba ng juice? Tea? Coffee?" alok niya sa akin nang nakarating kami sa salas. Marahan akong umiling. "Huwag na. I just need someone to talk." Tuluyan na akong u
"Where did you go?" Mommy Francheska asked when I came home.Nakaupo siya sa couch habang may hawak na kopita ng alak sa kanyang kamay. Suddenly, the revelation went back in my mind. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob.Slowly, I walked closer to her. Diretyo ko siyang tinitigan gamit ang hilam kong mga mata nang nakarating ako sa kanyang harapan. She equalled my stern stare. "Why?" bulong na wika ko.Tumaas ang isang kilay niya. Hindi siya nagsalita at hinintay na lamang na dugtungan ko ang aking sinabi. My eyes clouded with tears."Bakit mo ako ipinadala sa kanya, knowing that he's a dangerous person?" I continued.Nawalan ng emosyon ang mukha niya. Mabagal niyang idinistansya ang kaniyang likod sa upuan at saka ipinatong ang hawak na baso sa center table. Pagkatapos niyon ay pinagsakrus niya ang kanyang mga braso habang nakatingin sa akin."Are you going to blame me?" balik niyang tanong imbes na sagutin ang tanong ko.Pagak akong tumawa at tuluyan nang tumulo ang mga
The familiar heat of the weather touched my skin when I came out from the airport. I was wearing a black crop top sando underneath my denim jacket that was hanging loosely on my back shoulders, paired it with my ripped fitted jeans—which made me look sophisticated. I roamed my eyes around and a small smile plastered on my lips when I saw my father. Nakatayo siya sa gilid ng kanyang kotse, naghihintay sa pagdating ko. Hindi niya pa ako napapansin dahil tutok ang atensyon niya sa pagtitipa sa kanyang telepono kaya naman nagsimula na akong maglakad. Gumagawa ng ingay ang suot kong heels sa tuwing itinatapak ko iyon sa semento pati na rin ang gulong ng maletang dala ko kaya naman nang halos dalawang metro na lamang ang layo ko kay Daddy ay iniangat niya ang kanyang paningin sa akin. Mabilis siyang umayos sa kanyang pagkakatayo at nakangiti akong sinalubong. "Welcome back," he murmured as he gave me a hug. Binitiwan ko naman ang hawak kong maleta at yumakap pabalik. "Thanks, Dad."Marah
"Are my babies behaving while Mommy is away?" malambing na tanong ko sa mga anak ko habang nakaupo kami sa kusina—naghahanda sa pagkain.Nasa pagitan ako ng kambal. Sa kaliwa ko naroon si Gio habang sa kanan ko naman napuwesto si Gia. Pareho silang marunong kumain mag-isa kaya naman hindi na ako masyadong namomroblema pagdating sa pagpapakain. "Opo," sabay na sagot nila sa slang na Tagalog.Natigilan ako ng ilang segundo sa pagta-Tagalog nila. Simula nang lumaki ang kambal at natutong magsalita, kailanman ay hindi ko sila narining ng gano'n. Kahit pa paminsan-minsan ko silang kinakausap sa Tagalog na lenggwahe ay panay ang Ingles nila sa akin. Kaya naman hindi ko maiwasan na magulat, idagdag na rin ang bigla kong pagkaalala sa isang tao. Pilit akong ngumiti sa mga anak ko at saka tiningnan ang aking pamilya na nakangiting nanunuod. Mukhang narinig na nila ang dalawa na magsalita ng Tagalog dahil hindi na sila nabibigla roon. Napailing na lamang ako at iwinaksi ang pumapasok na alaal
It felt like a deja vu. Kung paano ako nakatayo ngayon sa labas ng kumpanya namin at nakatitig sa gusali. I could feel the same heartbeat, I had years ago. The nervousness and amazement. I breathed in and out. Isang beses kong tiningnan ang sarili ko bago nagpasya na lumakad. Hindi ko maipagkakaila na mas dumoble ang kaba ko nang pumasok ako ng kumpanya. Nasa bahay pa lamang ay pinaghandaan ko na ang mapanuring tingin ng mga empleyado kaya naman gano'n na lang ang pagtataka ko nang puros gulat lamang ang nakita ko sa mga reaksyon nila. Some of the employees are still familiar to me. May ilan na hindi ko kilala marahil ay pumasok sila noong wala na ako. I tried to plaster a small smile on my lips. "Good morning," I greeted formally.Mabilis na bumalik sa kani-kanilang wisyo ang mga empleyado at bumati pabalik. Ang ilan sa mga tauhan na nangangapa sa presensya ko ay nakitulad din marahil ay ramdam nilang hindi lang ako kung sino sa kumpanya. Pagkatapos niyon ay sakto namang lumapit an