Share

CHAP 29

Halos limang minuto na 'ata akong nakatulala sa pintuan ko. Ilang beses kong inulit sa aking isip ang sinabi ni Mommy bago siya lumabas. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ba ako o mananatili na lamang sa silid ko. Pero naisip ko, walang kasalanan ang babae sa lahat. Kung may matatawag man na biktima sa nangyayari, siya iyon.

Wala akong ideya kung bakit siya nandito. Para ba bantaan ako? Para lalong ipamukha sa akin ang kahihiyan na ginawa ko?

Humugot ako nang malalim na hininga at saglit na inayos ang sarili ko. Siguro nga ay kailangan kong tapusin ang gulong ginawa ko, kailangan kong humingi ng tawad. Nang nakuntento sa aking itsura ay saka pa lamang ako mabagal na kumilos para lumabas. Sa bawat lakad na ginagawa ko ay tila pinipiga ang puso ko sa katotohanan na nagkamali talaga ako.

Natanaw ko agad ang fiancee ni Agustine na nakaupo sa sofa pagkababa ko. Our eyes met. Wala pa man siyang sinasabi ay ramdam ko ang galit at sakit mula sa kanyang paningin. Naupo ako sa one seater couch
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status