TILA NAPASO ang buong katawan ni Vivianne sa tingin na ‘yon, pero kaagad niya ‘yon iwinaksi sa isip.“Alam mo kung bakit.” Umupo si Vivianne sa couch at nagdekuwatro. “You’re not usually like this. Artista ang clients mo madalas, pero hindi naman artista ang top client namin. Marami ka na rin namang client sa dami ng koneksyon mo, pero bakit kailangan mong kunin ang sa akin?”“It’s because business is business, Vivianne,” sagot ni Beckett bago tinapik ang lamesa gamit ang mga daliri niya. “Hindi ba at sa ‘yo ‘yon galing? Trabaho lang at walang personalan.”“Nagtatagalog ka na?” tanong ni Vivianne, tila gulat na gulat sa narinig. “Infairness, ha. Mas maganda ang accent mo ngayon kaysa noon.”“And I believe it is none of your business, Miss Allamino,” ani Beckett sa malamig na tono. “Anyway, I didn’t expect you to know that it was me who stole your client that fast. But I was more shocked, seeing that you know about my illegal business. You’re stalking me. You’re still into me.” Bigla
“OW. FUCK!” reklamo ni Beckett nang bigla na lang inuntog ni Vivianne ang noo sa lalaki. Napangiwi siya, at ganoon din si Vivianne. That move was really a double-edged sword, but it was effective. “Shit, are you okay—”“Huwag ka lalapit sa akin!” biglang sigaw ni Vivianne at inangat ang mahabang payong na nakita niya sa tabi ng couch, dahilan para hindi matapos ni Beckett ang sasabihin. “I swear, ihahampas ko ‘to sa ‘yo! Huwag mo isiping n-nagbibiro ako!”Pero imbes na matakot ay mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Beckett. Napatawa pa nga ito nang bahagya dahil sa ginawa ng dalaga. “Damn, baby. Mas lalo yata akong natu-turn on kapag nagagalit ka—”Itinaas ni Vivianne ang hawak na payong kasabay ng matalim nitong tingin. Napahalakhak na lang muli si Beckett bago itinaas din ang magkabilang kamay, tila sumusuko na. “Fine. I’ll shut up, baby.”“‘Yong client ko, Beckett,” ani Vivianne, muling ibinabalik ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito, at siguradong hindi ‘yon para tugunan
“MA,” pagtawag ni Vivianne sa ina na si Ella habang nakakunot ang noo. “Bakit po kayo nandito? Hindi ba dapat ay nagpapahinga kayo roon sa kuwarto?” aniya bago lumapit sa ina. Inalalayan niya ito. Baka kung mapaano ka.” “Nanghihina lang ako, anak, pero kinaya ko namang maglakad.” Ngumiti si Ella sa kan’ya bago itinuro ang pinto. “Tingnan mo, mula sa kuwarto ko ay nakapaglakad ako hanggang dito. Kahit papaano, g-gumaan ang pakiramdam ko…” Biglang nahirapang magsalita si Ella. Hindi na rin siya makahinga nang maayos. Matagal nang ganito ang pakiramdam niya at hindi niya rin alam kung bakit. Wala siyang ideya sa kung ano ang sakit niya. Siguro ay dahil ikinulong lang siya ni Alfred dito sa bahay kaya naman hindi na rin kinaya ng katawan niya. “Hay. ‘Yan ba ang gumagaan ang pakiramdam, ma? Halos pinagpapawisan na nga ang noo mo.” Napailing na lang si Vivianne. Inalalayan niya sang ina para umupo roon sa gilid. “Paano ka pala nakapunta rito, ma? Wala bang nagbabantay sa ‘yo roon sa kuwar
“ARE YOU sure?” Tumaas ang kilay ni Alfred. “Nakuha mo ang kliyente mula kay Beckett? Wala pa akong natatanggap na tawag.” Tiningnan niya ang phone para i-confirm ‘yon. “Baka hindi pa tapos i-process. You know, busy ang taong ‘yon. He’s doing his jobs and businesses at the same time,” sagot naman ni Vivianne. “But I will call him again to remind him. Give me thirty minutes, and I will take back that client.” Hindi kaagad sumagot si Alfred. Imbes ay tinitigan lang nito si Vivianne na tila binabasa ang nasa utak nito. Matapos ang ilang segundo ay saka pa lang ito nagsalita. “Make sure you’re not bluffing,” aniya bago umalis at iniwan si Vivianne sa loob ng gym. Bumuntong hininga si Vivianne bago kinuha ang phone niya sa bulsa. This is the last thing she wanted to do, pero ito ang kailangan niyang gawin. Gamit ang personal number ay tinawagan niya si Beckett. “To what do I owe the pleasure, mademoiselle?” tanong ni Beckett pagkasagot nito ng tawag, may halong pang-aasar pa sa tono n
NAPASAPO na lang si Vivianne sa kan’yang noo nang marinig ang sinabi ni Beckett. Hindi siya makapaniwala kung gaano karumi ang mga sinasabi ng dating nobyo, maging ang unprofessional na ginagawa nito sa loob mismo ng kan’yang office.“Goodness, Beckett. Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo?” tanong ni Vivianne habang pilit pinapakalma ang sarili. “Saka grabe ha, sobrang informative talaga ng sinabi mo. Marami talaga akong natutuhan pero sana sinarili mo na lang.”Kinuha na ni Vivianne ang dokumento sa kamay ni Beckett pagkatapos no’n. Umupo siya sa couch, at sinimulang basahin ang kontrata. “Ang haba nito, ha. Baka naman Marriage Contract na ‘to at ginogoyo mo lang ako!” asik ng dalaga.Humalakhak naman si Beckett. Tumayo ito at nagpunta sa direksyon ni Vivianne. Umupo ito sa tabi niya. “That is a good idea, but no. I will not stoop that low to have you.”“So sinasabi mong hindi ako karapat-dapat paglaanan ng effort?” Tumaas ang kilay ni Vivianne.“No. I’m saying that you are worth all the
SA ISANG beach sa Batangas igaganap ang kasal ni Beckett at Vivianne. Pamilyar sa dalaga ang lugar, pero hindi niya maalala kung saan nga ba niya ito nakita rati.Hindi ito isang simpleng Beach Wedding lang. Nagkalat ang mga mamahaling dekorasyon sa lugar, maging ang ilang mga team na kinuha ni Beckett upang masigurong magiging maayos ang kasal at reception nila.Nagkalat na rin ang ilang reporters dahil si Beckett ang ikakasal, at matunog ang pangalan nito sa media kamakailan lang. Nandoon din ang iba pang mabibigat na celebrities, maging si Jeru at ang partner nitong si Paige, na siyang pinagkaguluhan din sa kasal.Dahil may inaasikaso pa si Beckett sa loob ng dressing room niya, naiwan munang mag-isa si Vivianne sa photography room. Doon sila kukuhaan ng litrato pagkatapos ng kasal, ngunit ginawa niya munang tambayan ‘yon dahil niya pang makisalamuha sa ibang tao.Pero may isang tao talaga na makulit na ayaw siyang iwan.“Grabe, sobrang bongga naman pala nito ni Beckett, ano?” ani
“EVERYONE, can I borrow my future husband for a moment?” kinakabahan ngunit ma-awtoridad na saad ni Vivianne. “I believe we should rest for a bit before the wedding, right?” dagdag niya pa nang tingnan siya ng reporters bago tumingin kay Beckett. Maging si Beckett ay nagtaka dahil sa biglaang pagsingit niya sa usapan. Hindi naman kasi ‘yon gawain ni Vivianne. Madalas ay nakikinig lang ito sa mga usapan at walang pakialam, ngunit iba ang babae ngayon. Muli lang nabalik si Beckett sa wisyo nang kurutin siya ni Vivianne. Nakatingin ito sa lalaki nang masama at tila sinasabing tulungan siya nito. “Ah, right,” ani Beckett at naintindihan na ang gustong mangyari ng dalaga. Tumingin siya sa reporters at ngumiti. “I will let you interview me after this. Kindly excuse us.” Naglakad na si Beckett paalis habang nakahawak pa rin siya sa beywang ni Vivianne. Dinala niya ang babae sa isang sulok. Balak pa sanang makiusyoso ng ibang bisita at ng ibang reporters na sinusubukang kumuha ng exclusi
MATAPOS ang wedding ceremony, reception naman ang sunod na ginanap. Sa isang hotel malapit sa beach ginanap ang reception, at katulad sa kanilang kasal kanina, nagkalat na roon ang reporters at iba’t-ibang kilalang personalidad.“Congrats, man,” bati ni Jeru kay Beckett na kapapasok lang sa loob ng hotel kasama si Vivianne.“Congrats!” pagbati rin ni Paige, abot-langit ang ngiti, at tumingin kay Vivianne pagkatapos. “I hope you will be able to handle him,” pagbibiro pa ng babae.Ngumiti na lang si Vivianne bilang tugon. Hindi niya rin kasi alam ang sasabihin. Isa pa, tila may kirot sa puso niya ngayon, lalo na nang makita kung paano ngumiti si Beckett kay Paige.‘Model si Beckett noon pa, at dahil lalo siyang sumikat ngayon kaya lumawak din ang koneksiyon niya, kaya ano ‘yang nararamdaman mo, Vivianne? Itigil mo ‘yan!’ ani Vivianne sa isip niya habang pinipigilang batukan ang kan’yang sarili.“Are you okay?” biglang tanong ni Beckett, dahilan para mabalik si Vivianne sa reyalidad.“Ha