Share

Chapter 84 (Part 2)

SA GALIT ni Alfred, lumapit siya kay Vivianne sa malalaking hakbang bago hinawakan ang kuwelyo ng damit nito. “Bawiin mo ‘yang sinabi mo.”

“Hindi kita tatay para sundin ka.” Ngumisi si Vivianne, lalo na nang makitang mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata ni Alfred. “Kahit kailan, hindi kita itinuring na ama dahil wala akong demonyong ama kagaya mo—”

Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin dahil bigla na lang binitiwan ni Alfred ang kuwelyo niya at sinampal siya. Hindi lang isa, kun’di tatlong beses.

Vivianne smiled painfully. ‘Yong masayang pamilyang pinapangarap niya… Kahit kailan ay hindi niya makukuha ‘yon. At kailangan niyang tanggapin ang masakit na katotohanan.

“Wala kang modo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa ‘yo, ganito ang igaganti mo sa akin? Ang labanan ako at insultuhin?!” Pumalibot ang sigaw at galit ni Alfred sa buong office.

Natawa si Vivianne nang sarkastiko. “Wala akong modo? At para sa akin ang lahat ng ginawa mo? Bakit, tinanong mo ba muna kung gusto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status