Thank you po sa lahat ng mga nagbasa! Super naa-appreciate ko po na nandito pa rin kayo hanggang ngayon. <333 Abangan n'yo po ang author's note ko kasi may announcements po ako roon, pero mamaya po siguro or bukas. Thank you so much po ulit!
Hello, readers!Una po sa lahat, thank you po sa mga nagbasa ng story ni Beckett at Vivianne mula umpisa hanggang huli. Salamat po sa mga nagwa-watch ads, nagco-comment, nagbibigay ng reviews at gems, at bumibili ng coins para basahin ang next chapters. Kung hindi dahil sa suporta ninyo, hindi ko rin matatapos ang pagsusulat nito.Maraming salamat din po kay Ate Sophia at sa iba pang founders sa Wild Men Series! Sobrang saya ko na napabilang ako rito sa collaboration na ito.Ngayon po, ang ANNOUNCEMENT ko ay tungkol sa special chapters. If may curious sa inyo if may special chapters si Beckett at Vivianne dahil ganoon ang ending nila, YES PO. Pero bago ko pa man matapos ang story nila, matagal ko nang pinaplano na i-publish sila as a physical book at doon ilagay ang special chapters.Hindi pa ngayon, pero soon po ‘yan.Puwede rin po kayong mag-suggest kung ano ang gusto n’yong mabasa sa special chapters, and kung may message po kayo sa akin at sa story, go lang din po hahahaha. Sana po
Year 2014 General Trias, Cavite MAKULIMLIM at tahimik nang dumating si Beckett sa bahay nila, bagay na ikinakunot ng noo niya. Wala ang mga magulang niya na inaasahan niyang sasalubong sa kan’ya, lalo na at nagsabi naman siya kanina na uuwi siya galing Italy dahil semestral break nila. “Ma? Pa?” tawag ni Beckett sa medyo malakas na boses, pero umalingawngaw lang ang boses niya sa buong lugar. “Rosie? Nicholas?” pagtawag naman niya sa mga trabahador, pero wala pa ring sumasagot sa kan’ya. Mas lalo tuloy siyang nagtaka, pero napangiti siya dahil naisip niya na baka gusto siyang surpresahin ng mga ito. “If you wanted to surprise me, I’m here. You can go out now,” may himig ng sayang sambit ni Beckett habang naglalakad siya papunta sa hagdanan para puntahan ang ina at ama niya sa loob ng kuwarto. “Ma—" Pero kaagad siyang napatigil nang makita niya ang patak ng mga dugo sa sahig. Nang tiningnan niya ang hagdan ay napamura siya dahil may bakas din ng mga dugo roon, na para bang may hin
AS the ceremony started, Beckett could feel that everyone's eyes were on him. Siya kasi ang nakaupo sa VIP seat dahil bukod sa tatanggap siya ng award sa pagganap niya sa isang action movie ay kinuha rin silang special guest ng organizer ng awarding show na ito. Sayang nga lang at wala si Jeru dahil sa inaasikaso nito. Siya lang tuloy mag-isa roon sa upuan, habang bakante naman ang sa tabi niya. The ceremony continued, at kulang na lang ay humikab na siya dahil sa antok. He checks his phone from time to time, hindi lang para tingnan kung matatapos na ba ang kung anu-anong ginagawa ng iba pang artista sa stage, kun'di para tingnan din kung mayroon na bang mensahe ang ilang mga tauhan niya. Being a model and a part-time actor isn't his only job. It wasn't even his main job since its income wouldn't suffice for all his luxuries and desires. Kung ikukumpara ang kita niya sa pagmo-model at sa kumpanya niya, tiyak na magmumukhang barya lang ang kita niya sa showbiz industry. Ganoon pa ma
HALOS mabaliw si Vivianne sa sakit na nararamdaman habang nilalagok ang beer na hawak-hawak niya ngayon. Ni wala na siya sa tamang katinuan para kumuha man lang ng baso, at hindi na rin niya alintana ang epekto ng alak sa katawan niya. Nahihilo na siya at medyo naduduwal na rin. Nasa isang sosyaling bar man siya pero parang pangbalasubas na ang ugali niya. Patuloy pa ang pagmumura niya dahil habang tumatagal ay mas kumikirot ang puso niya. "Tangina niyong lahat!" ani Vivianne, at maya maya lang ay sumubsob na ang ulo nito sa counter, hindi alintana kung nasa kan'ya na ang atensiyon ng lahat. She wanted to forget the pain… Everything. But she couldn't. Sa paglipas ng oras ay mas lalo lang kumukulo ang dugo niya, lalo na at nang tingnan niya ang kan'yang phone at matanaw doon ang wallpaper niya at ng boyfriend niya. Mali. Ex-boyfriend na pala niya. Matapos niya itong mahuli kanina na nakikipagtalik sa isang babae sa condo unit nito ay ito pa ang may lakas ng loob makipaghiwalay sa k
“YOU'RE THE same woman as before…” saad ni Beckett sa isang malamig na tono bago pinasadahan ng tingin ang dalaga. “I told you to go home, didn't I?” dagdag niya pa, pero hindi kaagad sumagot si Vivianne.Halos mapailing si Beckett dahil sa itsura ng babaeng nasa kan'yang harapan. Pumupungay na ang mga mata nito, at hindi na rin ito makalakad nang maayos.Pero hindi iyon ang napansin niya. Napabaling ang tingin nito sa mga mumunting sugat na nasa braso ng dalaga. Maputi ang balat ni Vivianne kaya naman kahit kaunting higpit lang ng hawak sa kan'ya ay paniguradong mamumula kaagad ito nang husto.And Beckett was certain on his hunch, too. He knew that someone gripped onto Vivianne's arm tightly, given the terror Beckett could see on her eyes, too. 'Fuck that guard. I told him to ensure the woman's safety,' Beckett thought as he clenched his fists, annoyed. Pero kaagad na napalitan ng pagkagulat ang inis niya nang bigla siyang sinagot ni Vivianne. “Eh sa ayaw ko pang umuwi! Gusto ko lan
KINAUMAGAHAN ay naging maganda ang gising ni Vivianne. Nailabas na kasi niya ang galit kagabi sa pamamagitan ng pag-inom at pagsuntok kay Beckett na siyang kinaiinisan niya. Dahil satisfied siya sa nangyari ay napantingin siya sa kan’yang kamao—Ang ginamit niyang pansuntok. Napangiti siya dahil sigurado siyang ito ang unang beses na nakatanggap ang lalaki ng suntok bukod sa mga palabas nito. “Nakakaawa man siya pero deserve niya naman ‘yon,” ani Vivianne bago tumayo sa kinahihigaan. She did her routine afterward—fixing the bedroom, eating breakfast, which is her usual pancake and apple, and dressing up. Isa ‘to sa masasabi niyang kalakasan niya—Ang uminom ng alak na para bang wala nang bukas, mamatay sa kalasingan, at kumilos kinabukasan na para bang walang nangyari. Well, she could feel the dizziness and headache like what a hangover could feel like, but she could tolerate it. Walang-wala ang sakit na ito kung ikukumpara sa tindi ng ensayo na ibinigay sa kan’ya ng ama. At a youn
HINDI SUMAGOT si Vivianne. Natatakot kasi siya na baka makahalata si Manager Yu na magkakilala sila kapag sumagot pa siya. Pinilit na lang niyang pakalmahin ang sarili bago ngumiti. “Pinatawag n’yo raw po ako, manager?” pag-iiba ni Vivianne ng topic. Marami mang gustong itanong si Henry pero iwinaksi na lang muna niya iyon sa isip niya. Nasa working hours nga pala sila, at nasa harapan pa nila ang sikat na Filipino-Italian model na si Beckett Clainfer. “Vivianne, baby, I want you to meet your new client.” Henry looked at Beckett’s direction as he pointed at him. “Starting from now ay sa labas ka na muna magtatrabaho. Kinuha kang personal dress stylist ni Mr. Clainfer kaya ganoon.” “A-Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Vivianne. Sa mga oras na iyon ay mas maniniwala pa yata si Vivianne kung sinabi na lang ni Henry na naging puti na ang uwak o nagkulay lila ang buwan. “B-Bakit naman siya kukuha ng dress stylist sa maliit na kumpanya tulad nito?” dagdag niya pang taong. “Becaus
THE LOUD sound of her favorite song, As It Was by Harry Styles, reverberated around the room as someone was calling Vivianne on the phone. Suddenly, she forgot that she has a hobby of maximizing the volume of her ringtone, especially outside her house, so that when someone calls her, she could easily hear it.At ang katangahang iyon din ang hindi inaasahan ni Vivianne na magpapahamak sa kan’ya ngayon.‘Shit!’ mura ni Vivianne sa sarili bago nito pinatay ang tawag, pero hindi pa man niya nalalagay sa silent mode ang phone niya ay nag-ring na naman ito.It was an unregistered number, and as much as she wanted to know who it was, she couldn’t answer the phone. Nasa trabaho siya, at mas lalo pang tumalim ang tingin sa kan’ya ng director doon sa photoshoot.“S-Sorry,” paghingi niya ng pasensiya nang patayin niya ang phone.Natataranta kasi siya kaya pinatay na lang niya ang phone bago ito ibinulsa. She just hoped that she would not receive an important call at this moment.Unlike earlier,