Share

Chapter 21

Chapter Twenty One

Beelzebub’s First Love

“Ang lakas ng loob mo bampira na paglaruan at linlangin ang prinsipe ng demon realm na gaya ko, pinadadali mo talaga ang buhay mo bampira.”

Nababalot ng galit ang namumulang mga mata ni Beelzebub dahil sa ginawang panlilinlang ni Vladimir sa kaniya matapos nitong i-divert sa mga tauhan nito ang atensyon nila upang makalapit ito kay Rana. Sa mga sandaling ‘yon walang ibang gustong gawin si Beelzebub kung hindi baliin ang leeg ni Vladimir at sunugin hanggang sa maging abo na ‘to.

“Beel, si Be-Belial, wala na si Belial…”iyak na sambit ni Rana na nilingon ang nakahandusay sa lupa na katawan ni Belial habang si Victoria ay pabagsak na napaluhod sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa kamay nitong may bahid ng itim na dugo ni Belial.

‘Endemion!” madiin na tawag ni Beelzebub kay Endemion na inalis agad ang tingin kay Malinoé na hindi nito inasahan na sa tagal ng panahon ay magkikita ulit silang dalawa.

Agad na naglakad palapit si Endemion kay Beelz
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status