SA BUBUNGAN ng bahay nina Beelzebub ay nakaupo silang dalawa ni Rana habang pinapanuod ang pagbaba ng araw, hindi naging maganda ang buong araw nila dahil sa biglaang pagpunta ni Escanor. Nagluluto sina Victoria ng kakainin nila habang sina Endemion at Belial ay inaayos ang mga gamit na dadalhin nila sa pag-alis nila upang lumipat ng ibang bayan, dahil ipinaliwanag ni Endemion kay Beelzebub na mas mabuting iwasan muna nila na balikan sila ni Escanor at makita na nito si Rana.“Sigurado bang okay ka na, Beel?” tanong ni Rana kay Beelzebub na inalis ang tingin sa araw at ibinaling sa kaniya.“Hindi ako katulad niyong mga tao na mahina, wala na ang ginawang butas ni Escanor sa dibdib ko, wala na din ang lason na nilagay niya, kaya itigil mo na ang pag-aalala mo sa akin.”“Sorry, nag-alala lang talaga ako sayo. Nang makita kitang nanghihina kanina hindi ko na alam kung anong gagawin ko, mabuti nalang talaga okay ka na.”saad ni Rana na napatili ng buhatin siya ni Beelzebub at iupo sa kandu
“Sa tingin mo Beel, makakahingi si Victoria ng halamang gamot sa diyosa ng walang kapalit na hihingin?” pag-aalalang tanong ni Rana kay Beel ng akma niyang pupunasan ang noo ni Zeldris dahil sa pagpapawis nito na agad pinigilan ni Beelzebub.Napalingon si Rana dito ng kunin nito ang bimpo na hawak niya at ito ang gumawa ng pagpunas sa pawisang si Zeldris, na dapat ay gagawin niya.“Wala akong ideya, mabuti na hindi na niya kinuha ang kalahati ng buhay mo kahit tinulungan ka parin niya. Pero sa pagbalik ng bampira na ‘yun, hindi ko alam kung papayag muli si Aranyani na walang kapalit na ibibigay ang bampira na ‘yun.”sagot ni Beelzebub habang ito na ang nagpupunas ng pawis ni Zeldris na bahagyang ikinangiti ni Rana.“Nag-aalala ka ba sa kapatid mo? Alam kong ang isang demonyo ay hindi nakakaramdam ng pag-aalala, pero naiiba ka kasi para sa akin.”“Nag-aalala? Ayaw ni Zeldris na may nag-aalala sa kaniya, ang pakiramdam niya ay mahina siya kung aalalahanin siya. Si Escanor, masasabi kong
Chapter Fourthy-OneBeelzebub’s First LoveSo many years ago….Sa isang barangay sa bayan ng San Isidro, ay may isang magandang binibini na may pangalang Saliya ang dinadayo ng mga kalalakihan upang umakyat dito ng ligaw. Ang karamihan sa mga kalalakihan na ito ay kilala sa bayan at sa alta syudad, pero ni isa sa mga ito ay hindi natipuhan ni Saliya. Ayaw niya sa mga mayayabang at nagmamalaking mga lalaki dahil lang mayayaman ang mga ito, nagagalit man ang kaniyang ina dahil sa ilang beses na pagtanggi niya sa mga manliligaw niya ay mas pinanghahawakan niya ang huling sinabi ng kaniyang ama, na kung magmamahal siya, ibigay niya ang kaniyang puso sa lalaking nais niyang pag-alayan ng pag-ibig niya.Dumagdag sa bilang ng kaniyang tinanggihan ang panliligaw ng binatang anak ng isang inhinyero mula sa pa ibang bayan, na labis na ikinagalit sa kaniya ng kaniyang ina sa mga oras na ‘yun.“Hindi ka ba nakikinig sa aking mga lintanya sayo, Saliya? Isang aristokratiko, mayaman at may pinag-ara
Chapter Fourthy-TwoBeelzebub’s First LoveNagsimula ang pag-iibigan ng isang tao at isang demonyo sa katauhan ni Saliya at Zeldris, kahit palaging nagagalit ang kaniyang ina dahil wala ng mga nagbabalak na manligaw kay Saliya ay hinahayaan nalang niya ang kaniyang ina. Masaya si Saliya na nakakasama si Zeldris sa kaniyang silid tuwing gabi sa tuwing dinadalaw siya nito, marami itong ikinu-kwento sa kaniya tungkol sa mundo nila sa ilalim ng lupa.Masaya si Saliya na kay Zeldris tumibok ang kaniyang puso, kahit hindi ito isang tao na tulad niya ang mahalaga ay mahal niya ito at mahal din siya ni Zeldris kahit magka-iba sila ng mundo at pagkatao. At dahil kay Zeldris hindi na siya ginagambala ng mga kaluluwang ligaw dahilan upang makatulog na siya ng mahimbing.Hindi mahintay ni Saliya na muling sumapit ang gabi at muling makita si Zeldris, nag-aayos siya sa kaniyang silid ng kumatok ang kaniyang ina at sumilip ito sa pintuan ng kaniyang kwarto na may malawak na ngiti.“Mabuti pala at i
Chapter Fourthy-ThreeBeelzebub’s First LoveBuhat-buhat ni Zeldris ang walang buhay na katawan ni Saliya, walang luha na lumalabas sa mga mata ni Zeldris pero ramdam niyang nawawasak ang kaniyang puso dahil sa isang taon na iniwan niya ang babaeng minamahal niya ay babalik siyang wala na itong buhay. Nasa isang madilim na kagubatan si Zeldris kung saan sinadya niya ang kagubatan ng diyosa na si Antarya, ang kambal ng diyosa ng malinis na kagubatan na si Aranyani.Pumasok siya sa pinakagitnang bahagi ng kagubatan bago nilapag ang walang buhay na katawan ni Saliya.“Kung naririto ka at naririnig mo ang aking pagtawag, diyosa ng kadiliman ng kagubatan magpakita ka sa akin.” Samo ni Zeldris na katahimikan ng kagubatan ang kaniyang naririnig ng magpakita sa kaniyang harapan ang diyosa na kaniyang pakay na binabalutan ng itim na tela at kung saan may malaking kuwago sa balikat nito.“Isang nilalang mula sa ilalim ng lupa, isa sa anak ng Hari ng mga demonyo. Anong ginagawa mo sa aking kagub
-BEELZEBUB'S FIRST LOVE-Chapter Fourthy-FourBeelzebub’s First LoveNAPATAYO si Beelzebub ng may maramdaman siyang presensya na hindi welcome sa kanilang tahanan, napatayo na rin si Rana habang naguguluhang nakatingin kay Beelzebub na nababakas sa reaksyon ng mukha nito ang pagtataka.Bakit Beel?”“May malakas ang loob na pumasok sa teritoryo ko.”seryosong ani ni Beelzebub na deretsong nakatingin sa pintuan na ikinalingon din ni Rana.“Si-sino? Ang kapatid mo ba na si Escanor?” may pangambang tanong ni Rana na napahawak sa kaliwang braso ni Beelzebub.“Hindi siya…”seryosong ani ni Beelzebub ng makita ni Rana ang pumasok sa pintuan ng bahay nila na nababalutan ng itim na usok, naka suot ng cloak na kulay itim na sumasaklob sa ulunan nito na ikinakunot ng noo ni Beelzebub.“Anong ginagawa ng pinaka pinuno ng grim reaper sa pamamahay ko, Erebus?”seryosong tanong ni Beelzebub kay Erebus, ang pinuno ng mga grim reaper na sumusundo sa kaluluwa ng mga taong namatay na at dinadala sa underwo
PALUHOD na bumagsak si Victoria sa damuhan matapos maibalik sa kaniya ang kaniyang mga ala-ala simula ng nakaraan niyang buhay at kung paano niya nakilala si Zeldris at minahal, kung anong mga pinagdaanan niya hanggang sa maging kung ano siya ngayon, dating tao na naging bampira.Nang bumalik lahat ng kaniyang ala-ala ay naramdaman ni Victoria na parang pinipiga ang kaniyang puso sa sakit dahil sa nangyari sa kaniya sa kamay ng isang lalaking kinuha ang kaniyang puri ng sapilitan at pinatay ang kaniyang ina. Pati ang sakit ng ikalawang buhay niya ay ramdam na ramdam niya, pero walang mas hihigit na sakit sa nararamdaman niya dahil sa mga ginawa ni Zeldris para sa kaniya. Hindi lang ala-ala niya ang bumalik, pati mga nangyari sa kanila ni Zeldris ay ipinakita ng diyosa na si Aranyani. Sobrang paghihinagpis ang kaniyang nararamdaman sa sakripisyo na ginawa ni Zeldris para sa kaniya, ang pagbibigay nito ng kalahati ng apoy ng buhay nito mabuhay lang muli siya, ang magtiis na makita lang
HINDI MAKAPANIWALA si Rana ng ikwento ni Victoria ang mga alaalang bumalik na dito, hindi niya inasahan na dating magkasintahan sina Zeldris at Victoria na pinaglayo ng tadhana at ng kasakiman. Magkatabi sa upuan sina Zeldris at Victoria matapos mapainom ng halamang gamot si Zeldris na dala ni Victoria mula sa kagubatan ni Aranyani, magkatabi naman na nakatayo sina Endemion at Malinoé.“Nakakagulat pero hindi ko mapigilang matuwa na may dati na kayong ugnayan na nalimot mo lang Victoria, masaya ako para sa inyo na nagkasama na kayong muli matapos ang lahat ng nangyari.”ani ni Rana na teary eye na nilingon naman sina Endemion.“Masaya din ako para sa inyong dalawa, grabe sobra akong natutuwa para sa inyo.”“Kung masaya ka sa kanila bakit mangiyak-ngiyak ka diyan, kung paiiyakin ka lang ng pagsasama ng mga ‘yan bakit hindi nalang ulit kayo maghiwalay.”sitang singhal ni Beelzebub na sabay ikinayakap nina Endemion at Zeldris sa mga babaeng mahal nila.“Huwag kang ganiyan mahal kong kapati