Nanatiling tahimik ako matapos ng naging sagutan na biruan namin ni She. Nakadama ako ng lungkot bigla dahil doon. Literal kong sinalo ang biro niya o patutsada na hindi naman rekta na ako ang sinabihan pero sinambot ko at inangkin ko. Nagpatianod na lang ako sa pag-akay sa akin ni Azul kung saan man kami pupunta . Naglalakbay talaga ang isip ko sa kung saan at mga pwedeng mangyari sa amin ng lalaki, kaya naman hindi ko namalayan na huminto na pala si Azul paharap sa akin at dahil doon tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Ay mali, hindi pala bagay kundi matigas niyang dibdib. Hindi naman agad, kumibi o nagsalita ang lalaki, nakatitigan kaming dalawa pero ako ang unang bumawi at yumuko para hindi niya makita na may kung anong kaguluhan sa aking kalooban. Ngunit ini-angat ni Azul ng buong suyo ang aking baba. Halos napasinghap nga ako ng mabilis niyang yukuin at ilapat ang kanyang labi sa akin labi. Ilang beses na inulit-ulit na dinampi-dampian ni Azul ang aking labi ng magaan na hal
Sobrang nag-enjoy ako sa paglango namin,, kung langoy nga ba ang tawag sa ginawa ko. Hindi kasi talaga ako marunong lumangoy. Magkaganun man ay lahat naman yata ay maganda sa akin basta si Azul ang kasma ko. Kahit marami kaming magkasama parang balewala lang da akin dahil na kay Azul ang lahat ng atensyon ko simula't simula pa lang. Masaya naman rin ang lalaki kahit hindi man niya ito sabihin sa akin dahil kita ko naman sa kanyang mukha na tunay siyang masaya at nag-enjoy. Sana nga ay lagi na lang ako ang dahilan ng kaligayahan niya. Narito kami ngayon sa tabing dagat, ngunit tambay na lang kami dahil tapos na kaming magbabad at magtampisaw kanina. Nais daw kasi ni Azul na mamasdan ang ganda ng paglubog ng araw dito sa may pangpang. Ang mga parents daw niya maging mga Ninong at Ninang nila ay nakahiligan ang panonood ng sunset, dahil may kasabihan sila doon. At ayon din sa lalaki na once daw nakasama sa panonood ng sunset hindi na sila naghihiwalay. Iyon daw ang paniniwala nila dahil
Natapos ang outing namin with my family na masaya at walang naging aberya. Mas napamahal pa ng maige sa kanila ng sobra si Azul that time. Natutuwa naman ako dahil doon. At dahil sa pagdating ni Azul sa buhay ko parang nagkaroon ako ng tamang nagawa sa mata ng iba kong mga kinikilalang kamag-anak. That place will be forever special to me. Doon ko naransanan ang saya na walang kaparis. At sa lugar din na iyon ako tuluyang nagpakalunod, sa dalayung na dala ni Azul sa akin. Those were indeed special moments for me, our bodies became one. Hinding hindi ko 'yun pagsisisihan. Hinding hindi ko rin makakalimutan. Si Azul ang nagbigay daan sa ibang emosyon na hindi ko naranasan at na sulit mula ng akoy magkaisip.Flashback… We enjoy the sunset while running like a kid. Mistulang mga batang nakalaya mula sa pagka-kapinid ng pintuan sa silid at unang beses makapaglaro sa beach. We laughed as if we were the only people na nandoon. Every time Azul catched me he always showered kisses on face tha
Naging norma naman at masaya ang pagsasama namin ni Azul sa mga lumipas na mga araw at buwan. Mistulang mag asawa na ang aming turingan kung makikita ng ibang tao. Ang pamilya ni Azul ay tuwang tuwa sa naging takbo ng aming relasyon. Masayang masaya naman ako sa piling ng lalaki na ito, kaya nga na waglit na ng tuluyan sa isip ko ang mga posibilidad na pwedeng mangyari sa pagitan ng aming relasyon na nabuo lang dahil sa isang kontrata. Azul always brings me to some party that he needs to attend. Flattered ako dahil doon, lagi rin siyang may pa-flowers kahit walang okasyon. Naging mahiyain pa nga ako noong una na sinama niya ako sa isang events party, pero ng ipamalas sa akin ni Azul how proud of him na ako ang kasama niya ay naging palagay na rin ako hanggang parang naging normal na sa akin. Pakiramdam ko talaga ay wala ng sasaya sa mga kaganapan sa buhay ko na ito, dahil na bigay na ni Azul ang lahat sa akin habang magkasama kami." Ma ko, are you ready na po!" Malambing na tawag a
HINDI ako tinanong ng kahit ano ng lalaki, na tumulong sa akin. Binigyan pa ako nito ng towel at siya rin ang nag-adjust na patayin ang aircon para hindi ako malamigan. Tigil naman na ako sa pag-iyak ng sumakay ako sa kotse niya kasi parang nakakahiya naman. Hindi siya nag-usisa sa akin hinayaan niya lang ako na manahimik. Ngunit kailangan ko rin naman na magpasalamat sa kanya.“ Thank you! Janus buti na sa same area ka kanina, wala pa naman akong kilala dito—tsaka wala akong pera para makasakay.” Mahina na simula ko ng pagsasalita kasama ang taos pusong pasasalamat ko.“ HIndi naman basta nagkataon na nandito rin ako. Nasa same event tayo. And I’m sorry na narinig ko lahat ng usapan niyo ni Azul. Alam ko mali ‘yun, but for me mas mali na iniwan at pinabayaan ka niya!” Paliwanag naman ng lalaki na tila na bakas ko sa tono niya ang galit. HIndi ko naman na napigilan ang pagluhang muli, ng bumalik muli sa akin ang nangyari sa amin kanina ni Azul. Pilit ko na kinokontrol ang pagkawala
Nagpatuloy ang mga araw, linggo hanggang umabot na ng buwan mula ng may nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Azul. Dumagdag pa ang kakaibang mga pahiwatig ng kanyang Ina sa tuwing nakaka-chat kami. Noon naman ay madalas kaming mag kausap sa chat pero iba ngayon talaga. Kada makakausap ko ang Ginang parang laging may pahiwatig ang kanyang mga sinasabi tungkol sa mga bagay bagay. HIndi ko alam kung sobra lang ba ako na nag-iisip o baka meron naman talagang dapat isipin. Ako nga ba ang problema? Si Azul ba? O sadyang napa-praning lang ako dahil natatakot ako sa mga posibilidad na pwedeng maganap sa amin ni Azul?Si Azul naman sa loob ng isang buwan na nakalipas ay hindi naman nagbago, parang mas naging extra sweet at caring pa siya lalo sa akin. But honestly hindi ko madama sa sarili ko ang saya sa mga nakalipas na araw. May be ako talaga na ang problema at hindi siya? O sadyang may problema naman talaga noon na alam ko, pero nagbulag-bulagan lang ako dahil akala ko ay ma
Mag mula ng gabi na ‘yun naging normal na naman ang pagsasama namin n Azul. Parang iglap lang maayos na naman sa amin ang lahat tipong parang walang naganap. Umaasa ako na sana ay tuloy tuloy na ang lahat kahit pa nga napapadalas ang mga text messages from different unknown number na nare-receive ko. Dinedma ko na lang ang lahat ng ‘yun diba nga ganun naman talaga dapat, if you want to live peacefully with the one you love, dapat matuto kang mawalan ng pakialam sa iba. Dahil ang mahalaga lang ay ‘yung kayong dalawa ng taong mahal mo at piniling makasama. Lately ay mas naging maasikaso at mas malamabing pa ako kay Azul na nakakatuwa naman dahil na-appreciate lahat ng effort ko ng lalaki. Usually nga ay hinahatiran ko na siya ng pagkain sa kanyang office. Tuwang tuwa naman siya kapag ganun dahil sabay na kaming kumakain at konting lambingan na rin. Pero tumatawag muna ako sa kanya bago pumunta doon sa opisina niya para naman hindi ako makaabala sa mga gagawin o ginagawa niyang trabaho.
PARANG ayaw ko ng magising dahil kung ang iba ang bangungot ay nasa pagtulog o panaginip, ako naman ay habang gising at dilat na dilat. Kitang kita ko kung gaano kagalit ang mukha ni Azul habang nakatingin sa akin. Nanatili akong nakahiga sa sofa pero bukas ang aking mga mata, dama ko ang kakaibang hilo sa aking ulo. Siguro dahil sa biglang mulat at tama ng sinag ng liwanag mula sa ilaw dito sa sala. Hindi ko alam kung ano bang nangyari at bakit parang may sanib si Azul na kakaiba simula pa kagabi. Hinihiling ko na sana ay bumalik na siya sa dati niya. Ang hirap ng binabangungot habang gising na gising ka.“ Ano ganyan ka na lang?!” Nabasa ko sa buka ng bibig ng lalaki. Hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil panay ang kitib ng ulo ko na siyang dahilan ng parang pagkabingi ko.“ Tumayo ka na at ligpitin mo na ang mga gamit mo sa kwarto ko! Ang sikip na kasi ng kwarto para sa ating dalawa! Please lang wala kang ititira na kahit ano na gamit mo! Dalhin mo lahat sa storage room para wala