Share

BFL_45

PARANG ayaw ko ng magising dahil kung ang iba ang bangungot ay nasa pagtulog o panaginip, ako naman ay habang gising at dilat na dilat. Kitang kita ko kung gaano kagalit ang mukha ni Azul habang nakatingin sa akin. Nanatili akong nakahiga sa sofa pero bukas ang aking mga mata, dama ko ang kakaibang hilo sa aking ulo. Siguro dahil sa biglang mulat at tama ng sinag ng liwanag mula sa ilaw dito sa sala. Hindi ko alam kung ano bang nangyari at bakit parang may sanib si Azul na kakaiba simula pa kagabi. Hinihiling ko na sana ay bumalik na siya sa dati niya. Ang hirap ng binabangungot habang gising na gising ka.

“ Ano ganyan ka na lang?!” Nabasa ko sa buka ng bibig ng lalaki. Hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil panay ang kitib ng ulo ko na siyang dahilan ng parang pagkabingi ko.

“ Tumayo ka na at ligpitin mo na ang mga gamit mo sa kwarto ko! Ang sikip na kasi ng kwarto para sa ating dalawa! Please lang wala kang ititira na kahit ano na gamit mo! Dalhin mo lahat sa storage room para wala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status