AzulNagising ako na masakit na masakit ang ulo ko. Naaalala ko naman ang mga nangyari kagabi. Nang tingnan ko ang oras sa digital clock ay nakita ko na pasado alas otso na pala ng umaga. Masama talaga ang pakiramdam ko kaya kinuha ko ang cellphone ko para i-message si Julie na hindi muna ako papasok sa opisina. Nakita ko na may mga text at overseas call ulit si Erra sa akin. Ilang araw ko na siyang hindi sinasagot dahil parang ang gulo na lahat. Naguguluhan na rin ako sa babae na ito bakit biglang bumalik sa buhay ko. Pero 'yun naman ang gusto ko noon kaya nga ginamit ko si Mariemar. Pero bakit tila mas naguguluhan na ako dahil matapos may maganap ulit sa amin ni Mariemar parang gusto ko na lang ituloy ang sa amin habang wala pa naman si Erra o baka kahit bumalik na siya. After ko na mag-send ng message kay Julie ay mabilis na akong pumasok sa banyo para maligo. Saglit lang ang itinagal ko sa loob ng banyo at tsaka nag-bihis na ng sando at short.Lumabas ako ng aking silid upang magk
Buong maghapon akong parang balisa dahil sa sinabi ni Azul about business trip niya. Naging mapagduda na ako sa kanya dahil sa mga nangyari sa amin sa nakaraan plus factor na na buntis din ako kaya siguro ganito na ako ngayon. Isa pa itong pagbubuntis ko alam ko na maaari akong mabuko ng lalaki na ito anytime at natatakot ako para sa anak ko. Pasimple nga lang ako tumatakas para makabalik sa clinic nauna ko na pinagpa-check-up-an. Nakakapagtaka lang iba na ang doktor ko at ang nasa front desk pero same naman pa rin ang treatment nila sa akin. Tsaka everytime na check up ko sa kanila parang wala akong kasabay dahil una ako lagi tapos kapag tapos naman na ako wala pa ring pasyente. Maaga na lang akong nagluto ng hapunan para naman ma divert ang utak ko sa mas makabuluhan na bagay. Halos matatapos na ako ng biglang may yumakap sa akin. I know syempre kung sino ito dahil lagi niya itong ginagawa sa akin bago niya ako pupugin ng halik. Mukhang mas maaga siyang umuwi ngayon. " Bakit ang a
MariemarMabilis na lumipas ang mga araw, sa akin na nasa loob lang ako ng unit ni Azul, halos ito na rin ang araw ng uwii ni Azul. May mga messages siya sakin na marami nung nakaraang mga araw pero tipid ko lang na sinasagot ang mga ‘yun. I still want his explanation kung ano man ang mga ‘yun. Makikinig ako para naman malinawan din ako . He already texted me na nasa airport na siya. Siguro magpapagabi muna ang lalaki bago umuwi ang lapit lang naman ng palawan baka mahalata ko siya kahit pa nga alam ko na.Hindi ko na inabala ang sarili ko na maghanda at mag ayos para sa pagdating niya. Wala namang magbabago dahil hindi pa rin ako ang babae na mahal at gusto niya. Naging antukin na ko lalo ngayon pero hirap pa rin akong kumain parang wala akong matipuhan na lasa ng pagkain. Naupo upo lang ako sa sofa para sana doon na mag abang sa pag-uwi ng lalaki ng wala sa loob ko na nakatulog na ako. Nagising ako na parang may humahaplos sa aking pisngi. Nang imulat ko aking mata malungkot na muk
Dahil weekend ngayon ay medyo maluwag ang ibang kalsada na dinadaanan ng bus na nasakyan ko. Kumain ako habang nasa biyahe dahil dama ko na ang gutom. Mag alas onse na rin kasi ng mga oras na ito. After ng unang text ni Azul ay nasundan pa 'yun ng isa na ang laman ay oras ng dapat pagpunta ko sa Restobar na dating workplace ko tuwing na sideline ako. Sa taas kasi ng restobar ay may place na pwedeng pagdausan ng mga pribadong celebration kaso ay hindi sila open sa gabi tuwing morning lang pwede, dahil sa gabi ay maingay at buhay na buhay ang restobar.Sa parte ng cubao ako bababa mamaya kaya sasakay pa ako ulit para makapunta sa restobar. Lunch time kasi ang sabi sa akin sa text ni Azul, nagreply naman ako sa kanya pero hindi na siya nagreply ulit sa akin. Pakiramdam ko isang surprisa ang nakaabang sa akin sa lugar na iyon. Malakas ang kabog ng dibdib ko pero pilit kong iniisip na positibo ang magaganap mamaya sa lugar. Dahil sa mahaba pa naman ang biyahe ay umidlip na muna ako. Nagis
Nagtuloy na agad kami sa Cavite pagkaalis na alis namin sa restobar. Cavite ang naging probinsya ko sa mga nagdaan na taon ng buhay ko pero ang totoo pala na hometown ko ay sa Bicol talaga. Sasadyain namin ang lugar namin sa Cavite para kamustahin ko si Tatay at Paula. Aaminin ko na nawala na ang daily kamustahan namin magmula ng nagkaroon kami ng hindi magandang ganap ni Azul. Matagal tagal na rin pala na hindi ko sila na update sa buhay ko. Gusto ko rin na malaman nila na finally nahanap na ako ng tunay kong pamilya. Wala namang magbabago sa amin dahil mananatili pa rin ang relasyon namin bilang pamilya at ang kagandahan lang ay may entension pa nga.Buong biyahe namin ay panay ang tanong ni Mama Marikit sa aking kung okay lang daw ba ako? maayos lang daw ba ako pati ang baby ko? She also ask me if alam ba ni Azul na buntis na ako. Malungkot na umling lang ako dahil nalulungkot ako para sa baby ko dahil hindi niya makikilala ng personal ang kanyang ama." Don't worry bunso, nandito
Wala ng sinayang na oras ang aking mga magulang upang makauwi kami agad sa bicol. Kinumbinsi din ni Mama Marikit at Papa Zandro si Tatay at si Paula na sumama sa amin sa Bicol. Sa una ay ayaw pa nga ni Tatay at Paula dahil nahihiya sila sa pamilya ko. But my family insisted, na sumama na sila samin sa bicol. Akala ko ay aalis ako nang malungkot na hindi sila sasama. But at the end of the day, naman pala ay sasama din sila kaya sama-sama kami sa na umuwi sa probinsya namin sa Bicol kasama ang pamilya ko at pamilyang kinalakihan ko. Hindi ko naman kasi kayang iwan o itapon ang pamilya na halos buong buhay ko na kasama. Kahit hindi maganda ang naging simula at gitna ng pagsasama namin ng pamilyang kumupkop sa akin, ang mahalaga ay mahal ko pa rin sila. At sa dulo naman ay maayos na kami at mananatiling sama sama pa rin kahit anong mangyari so.So far nakakalaya na ako ng unti-unti sa nararamdaman na sakit dulot ng taong minahal ko ng lubusan. Iniisip ko na gumanti sa kanila pero ng mai
AzulHindi ko alam kung anong gagawin ko nang nagkagulo noong araw ng engagement party namin ni Erra. Hindi ko Inaasahan na aabot sa ganun ang lahat. Ang akala ko kasi ay mananatili sa resort si Mariemar at hihintayin niya lang na bumalik ako. Ganun naman ang inutos ko sa staff na nakausap ko. Kaya nga gulat na gulat ako ng dumating siya sa engagement party namin ni Erra. God knows, na hindi ko talaga intention nasaktan siya! Hindi ko alam kung may sumabutahe ba sa aking mga plano. Oo, may mga plano ako para ayusin ang lahat. Ang kaso na paaga ang uwi ni Erra at pinuntahan ako sa resort ng madaling araw. May tumimbre naman sa akin na dumating nga si Erra at doon na rin ako nagbilin na sabihin kay Mariemar na hintayin ako na makabalik. Kung paano nalaman ni Erra na naroon kami ay hindi ko alam. Hindi ko akalain na ganito na siya ngayon. Mukhang maling maling nga talaga ang babae na minahal ko noon. She's willing to do everything for money and Fame. Mukhang na underestimate ko ang kaka
AzulHINDI ko malaman ang aking gagawin dahil nasa punto na ako ng buhay ko na parang sa pawala na ang punta ko dahil nawawala na ang direksyon ito. Si Mariemar na ang naging compass ko kaya ng mawala siya wala na rin ako sa tamang direksyon. And seeing this woman inside my car, parang may demonyo na nagsasabi sa akin ng mga dapat mangyari at gawin. She just continue talking na parang okay ang lahat sa pagitan namin. She's telling me about our wedding. Damn that wedding! Kung ano ba ang mga dapat gawin o mangyari sa aming kasal, kung saan dapat ang honeymoon,at kung paano ako o ang pamilya ko dapat siya pakisamahan ng naaayon sa kanyang kagustuhan. Sinong tanga pa ang magpapakasal sa kagaya niyang babae? Definitely wala! And That wedding is never gonna happen! She's insane! Maybe I am too. Siguro nga eh, nasisiraan na rin ako. I keep imagining how happy families are together. Naririnig ko muli ang mga tawa ni Mariemar at pati rin sana ng magiging aking anak. Ganun pala ang karma sa k