Share

Chapter 26 Defamation

“Hindi ko nga alam!” Sigaw niya din sa akin, “hanapan ba ako ng nawawalang ex-girlfriend, huh?!” Pinanlakihan niya ako ng mata.

“Eh, kaibigan mo iyon paanong hindi mo malalaman?! Parehas kayo ng likaw ng bituka nu’n!”

“Alam mo ikaw,” tinuro niya ako, “malapit na kitang makutusan!” Asar niya sabi sa akin, “paano ko malalaman kung hindi niya sinabi sa akin kung nasaan siya. At saka hindi ka naman niya tinatanong sa akin. Never niya din binanggit ang pangalan mo.”

Natahimik ako sa sinabi niya.

Siguro nga ganu’n na lang kadali sa kanya ang iwan niya ako. Wala lang sa kanya ang pitong taong pagsasama namin. Ang dami na namin pinagdaanan bakit ngayon pa niya naisipan bumitaw?

“Diyan ka na lang sa asawa mo na hindi tumitingin sa iba. At saka mabuti na lang din na binitawan ka niya. Ginawa iyon ni Yunnie para sa inyong dalawa.” Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko, she is comforting me.

“Mahirap maging Mia,” pagpapaintindi niya sa akin, “naiintindihan ko siya at malakas siya dahil nag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status