Share

Chapter 9

"Ahm.. Lace? Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko sa lalaking kasama ko na abala sa pag mamaneho at parang tanga na kanina pa nakangiti. Alas sais na ng gabi at kakatapos lang ng klase ko ay nasa labas na siya ng campus at hinihintay ako

Napakunot siya ng noo ng makita ang reaksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin at iginala ang mata sa bintana ng sasakyan

"Hey, you look nervous, Wala akong gagawing masama" he chuckled

"Wow, nasagot mo 'yung tanong ko. Galing" sabi ko at inirapan siya

Natawa naman siya at nagulat nalang ako ng bagalan niya ang pagmaneho at itinabi ang sasakyan niya

"It's a surprise okay?" seryosong sabi niya habang nakatitig ang mga mata saakin

"Surprise? Birthday ko ba? Ba't 'di ko alam?"

Napailing naman siya sa sinabi ko at bahagyang natawa "I really like you.. Hahaha, I mean.. argh whatever" 'di niya na pinatuloy kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin

"Awit ano daw" bulong ko

Pinagpatuloy niya na ang pagmamaneho niya at hindi ko nalang siya pinansin. Kapag nararamdaman kong napapatingin siya sa gawi ko ay tinitignan ko naman siya at sa huli ay ako ang umiiwas ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang paninitig niya.

Matapos ang halos 30 minutes ay ipinarada niya ulit ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Nang tumigin ako sa labas ay ganon nalamang ang pagkamangha ko nang makita ang tanawin. Kitang kita ko ang mga ilaw galing sa mga gusali.

"Let's go?" naagaw ni Lace ang atensyon ko at tinangoan siya bilang tugon.

Hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto dahil sa kagustohan kong mas makita ang tanawin. Agad kong naramdaman ang lamig mula sa paanan ko dahil naka skirt lang ako, uniform namin.

Nakita ko si Lace na nag latag ng isang malinis na tela sa damohan, sa harap ng magandang tanawin. Sinusunod ko lamang ang galaw niya habang inaayos niya ang tela at naglabas ng ilang chichiriya at inumin na nasa kotse niya.

Nang matapos siya ay naglahad siya ng kamay saakin at walang ano'y tinanggap ko naman. Inalalayan niya akong maupo sa telang inilatag niya. Agad kong niyakap ang sarili ng maramdaman ko ang lamig na dumaloy sa katawan ko.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Lace at pumunta sa kotse niya, nang makabalik ay may dala na itong malaking jacket na may tatak pa ng ateneo, na paniguradong sakanya

"Wear this, it's really cold here" sabi niya at inabot saakin ang jacket niya

Nang hindi ko pa kinukuha ay nagulat nalamang ako ng siya na mismo ang nag lagay ng jacket sa balikat ko. Umayos na din siya ng upo at tinignan ang tanawin sa harap namin

Napatingin ako sa jacket na suot ko at amoy na amoy ko ang bango nito. Napangiti ako at tinignan si Lace na ngayon ay seryoso ang mukha

"Ang balimbing ko naman. Naka unc uniform pero ang jacket pang ateneo" sabi ko at natawa

Tinignan naman ako ni Lace at nakitawa na rin dahil sa sinabi ko "It fits you" nakangiting sabi niya, binabanggit ang jacket na suot ko

"Fit? Ang laki nga ng jacket mo" biro ko at bahagyang natawa

Napailing naman siya at ibinasa ang pang ibabang labi "No, I mean the color. Color blue fits in you" sabi niya

"Sorry ka, yellow favorite kong color" sabi ko at inirapan siya

"Noted" simpleng sabi niya at pareho kaming natawa

Nabalot kami ng katahimikan. Hinayaan niya akong bigyan ng oras ang magandang tanawin at gano'n din ako sakanya. Napalingon lamang ako sakanya ng nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga.

Ngayon ay kitang kita ko sa mata niya na parang may masakit siyang nararamdaman.

"Okay ka lang?" tanong ko at saka niya naman ako tinignan

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti "I'm fine"

Ngunit alam at ramdam ko na parang hindi siya okay. Sa mga mata niya palang alam ko na.

"Lace, makikinig ako" seryosong sabi ko

Napayuko naman siya at napa buntong hininga ulit "Can you tell me about your family?"

Napakunot naman ang noo ko "Ha? Bakit?"

"Nothing. I just want to hear it. I want to know about the family of the woman I like" seryosong sabi niya

Hinayaan ko nalamang ang puso ko sa bilis ng tibok nito, at kahit ang pisngi ko ay ramdam ko na ang pamumula. "Panganay ako. May kapatid akong lalaki, si Aloicious, 5 years old. Loi tawag namin sakanya kasi ang weird ng pangalan niya" bahagya akong napatawa nang maalala ang kapatid ko, nakita ko naman na nasa akin lang ang atensyon ni Lace at pinakikinggan ang sinasabi ko

"Akala ko nga 'di na ako masusundan eh. Pero okay lang dahil ang saya no'n ni Papa dahil may anak na siyang lalaki. Hindi naman kami sobrang yaman, pareho Physical Therapist ang Mama at Papa ko. Pareho silang suportado sa lahat ng ginagawa ko simula bata palang ako. Tungkol naman sa course ko, okay lang din sakanila kahit 'di ko pinili ang nasa medical field. Masaya ako sa pamilya ko, ang swerte ko rin" patuloy ko at napangiti nang tignan si Lace

Nakita ko rin na napangiti siya at tumango "I can see how lucky your parents are" sabi niya

"Pa'no mo na say?" pagbibiro ko kaya natawa naman siya

"'Cause they have you. Cause you are their daughter. And I thank your parents because they have a daughter who gives happiness to others" seryosong sabi niya

Napangiti ako sa sinabi niya. Nakaramdam ng tuwa ang puso ko dahil sa lahat ng lalaking nakilala ko bukod sa Papa ko, ay siya ang nagparamdam saakin na worth it ako. Na may kwenta ako, sa sarili ko man o sa ibang tao.

"Alyanna Yvonne Bautista" banggit niya sa buong pangalan ko habang seryosong tinatanaw ang buwan sa langit "How can I reach you?" tanong niya, nasa buwan pa rin ang tingin

Habang abala siya sa buwan ay mas binigyan ko ng oras para suriin ang maganda niyang mukha. Mula sa makakapal niyang kilay, sa mahahaba niyang pilik mata, sa magaganda at mapupungay niyang mata, sa matangos niyang ilong, at sa mapupula niyang labi. Napangiti ako, pa'nong may ganito kagandang lalaki ang nagkagusto sa isang katulad ko?

"Bakit mo ako nagustohan, Lace?" napatingin siya saakin dahil sa tanong ko

Kahit kabado ay nakipag kompetensya ako sa lalim ng titig saakin na parang sinusuri ang buong mukha ko

"I don't question my feelings for you, I like you because you are you" seryosong sagot niya

Niyakap ko ang sarili ko at hinigpitan ang hawak sa jacket na nakayakap saakin. Ako naman ngayon ang nagbigay ng atensyon sa buwan na paunti unti nang tumatago sa ulap. Ramdam ko rin ang paninitig ni Lace saakin

"Kumain lang ako sa footlongan, nagustohan mo na 'ko" sabi ko at bahagyang natawa ng maalala kung saan nag simula, at bakit kami narito

"It's been a year since I like you" seryosong sabi niya kaya napalingon naman ako sakanya at nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi niya

Natawa siya sa reaksyon ko at saka umiling "You look so shocked" sabi niya

"Anong it's been a year? Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong ko

"Alyanna Yvonne Bautista, Financial Management major, paborito ang tapa at nuggets sa footlongan, paborito ang lomi sa Caramel, mahilig sa seafood cup noodles, at higit sa lahat mahilig sa engineering student at tennis player" dire diretsong saad niya

Nagulat naman ako "Pinag sasasabi mo?" sa dami ng sinabi niya ay mas nagulantang ako sa huli niyang binanggit, paano niya nalaman ang tungkol sa hilig ko sa engineering at.. tennis player? Alam niya ba ang tungkol sa pagka crush ko kay Jasper? Paano?!

"I'm not an engineering student, and of course I'm not a tennis player. Do'n palang, talo na ko" natatawang sabi niya ngunit sa pagsasalita niya ay parang nasasaktan siya

Napataas naman ang kaliwang kilay ko "Sadboi yarn?" pambabara ko at pareho kami natawa

"You have a crush on Jasper right?" tanong niya

"Chinismis ba 'yan sa'yo ni Isha?" tanong ko rin at na alala ang kaibigan kahit pa alam kong 'di naman sila close o nag uusap ni Isha. Wait, 'di ako sure?

Umiling naman siya "No, I noticed it. They way you cheered him every time he play, the way you shout his name, and the way you giggled every time he noticed you"

"Secret lang natin yan ha" sabi ko

"So you really have a crush on Jasper?"

"Oo, tagal na" pag aamin ko

"Then, that's the most painful secret I'll ever keep" seryosong sabi niya at tumingin ulit sa madidilim na ulap

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Painful? Gaano niya na ba ako kagusto para masaktan siya?

"Lace" tawag ko sakanya kaya nabalik saakin ang atensyon niya, at kitang kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya

"Hmm?" simpleng tugon niya

"Tae ka ba?" seryosong sabi ko ngunit nangunot lamang ang noo niya nang marinig ang sinabi ko

"What?!" gulat na sabi niya

Napairap naman ako "Sabi ko, tae ka ba?"

"What do you mean, Yvonne? What kind of question is that?" natatawang sabi niya

Ako naman nauubosan na ng pasensya at handa na siyang batukan, napaka seryoso ko at ng tanong ko tatawanan niya lang ako?!

"Sasagot ka o tatapon kita do'n sa building na 'yon" turo ko sa pinakamataas na building na nasa dulo ng tanawin na nakikita namin

Napataas naman siya ng kilay "Woah, you're scary" saad niya at natatawa pa

"Ano nga? Sagot na kasi" pangungulit ko

"What?" nakakunot noo niyang tanong

Pucha.

"Tae ka ba?"

"No of course, why?" sa wakas.

"Hindi kasi kita mapigilan eh"

"The fuck?!" sabi niya at natawa kaya nahawa na rin ako sa tawa niya

"Bunganga mo" sabi ko at nagtatawanan pa rin kami

"What is that, Yvonne. You're really something hahaha" sabi niya

"Pero seryoso, para kang tae, 'di kita mapigilan" seryosong sabi ko

Natigil na din siya sa pag tawa at humarap saakin "Why? What do you mean?"

Napabuntong hininga ako saka ko rin siya binigyan ng malalalim na titig

"Hindi kita mapigilan na gustohin ako dahil hindi ko na rin mapigil ang sarili kong magka gusto sa'yo"

There. I already said it. I saw how his beautiful eyes shines the way how stars from above shines for us. My feelings for him is like the moon. The moon whose keep on hiding on the clouds but everytime the earth rotates, it is still keep on showing.

If the time has come for me to love him, I know it will be like a rain. I will like to love him the way I like the rain.

Ramdam ko na mamahalin ko siya... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status