Share

Chapter 139

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nangingilid na rin ang mga luha ni Liam habang hinihintay ang sagot ko.

"Kahit mag-propose pa siya ng ilang beses, papakasalan at papakasalan ko ang Daddy mo, Max," sagot ko.

"Is that a yes, Mommy?" Max asked me.

Tumango ako. "Yes, Max. I'll marry him."

Tumayo si Max at lumapit sa akin. Siya mismo ang nagsuot ng singsing sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako lumapit kay Liam.

"Gusto kong mag-propose na nandiyan ang mga pamilya at kaibigan natin. Gusto kong iparanas at iparamdam sa 'yo na hinding-hindi ka na mag-iisa," sabi ni Liam habang hinahawakan ang kamay ko. Dalawang engagement ring na ang naibigay niya sa akin. "Thank you for loving me kahit sobrang gulo ng mga nangyayari sa buhay natin. Maraming salamat dahil binalikan mo ako."

"I love you," bulong ko bago siya hinalikan sa labi.

Napangiti kaming dalawa nang naramdaman namin ang mahigpit na pagyakap ni Max sa mga binti namin. Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status