Share

Chapter 140

WELCOME BACK, HONEY!

Isang malaking tarpaulin ang sumalubong sa akin pagdating ko sa airport. Abot tenga ang ngiti ng aking mag-ama habang tumatakbo si Max patungo sa akin habang naglalakad naman si Liam. May bitbit siyang bulaklak.

"Mommy!" masayang sambit ni Max. Muntik na siyang masubsob sa sahig nang bigla siyang tumalon patungo sa akin. "I missed you!"

"Namimiss din kita!" Hinalikan ko si Max sa noo.

Mahigit tatlong buwan akong nanatili sa America. Hindi ko siya isinama dahil dito na siya nag-aaral sa Pilipinas. Mahirap ang mawalay sa kaniya ng matagal lalo na't nasanay ako na araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama. Pero ngayon, hindi masyadong naging mahirap sa akin nang nasa America ako dahil araw-araw ko silang kausap pagkatapos ng mga ginagawa kong trabaho. Ayaw rin ni Liam na hindi niya ako nakikita. Natatakot siya na baka raw isang araw hindi na nila ako makontak.

"How's your flight?" Ibinigay ni Liam sa akin ang bulaklak. "I miss you so much," bulong niya saka ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status