Two people find their lives mysteriously entwined in a universe where everything has a price. *** Following a heartbreak, Scoth Liam Smith vowed to never commit to another relationship or fall in love again. However, for some reason, he finds himself pulled to Francine, a shy and innocent woman. Liam finds himself forced into a tough situation where he must wed Celine, the investor's daughter. However, he harbors strong feelings of dislike towards her. To avoid the arranged marriage, Liam devises a plan. He hires Francine to pose as his fake girlfriend for a week. The bargain was just the beginning. As they journey together to unbind themselves, the journey brings them closer, and they slowly begin to unravel their individual pasts, discovering that their lives have been connected in more ways than they initially thought. They realize that they must confront their fears, their pasts, and their feelings for each other. Will they be able to love each other upon discovering that one of them is the cause of the chaos within their family?
view more“Let’s go, Luc,” sabi ko nang napansin ang paglingon ng ibang tao sa amin. Binaba ni Lucas si Max. Nakasunod lang ako sa kanila. “Mommy,” tawag ni Max sa akin. Agad akong lumapit sa kaniya. “Yes, Max? May problema ba?” I asked him. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin silang lahat sa anak ko. “I want to go home. Ang daming tao rito,” sagot niya. Lumuhod ako para maka-level siya. “Max, hindi pa tayo pwedeng umuwi. Ililibing pa natin sina Tita Britney at Lolo mo. Pagod ka na ba? Gusto mo bang ako naman ang magbubuhat sa ‘yo?” “I’m not tired. I just want to go home,” he whispered. Napabuntong hininga ako. “Tataposin lang natin burol, Max. Uuwi tayo agad,” sabi ko. Bumaling ako kay Lucas. “Ayaw niya sa maraming tao. Baka naninibago na naman siya.” “Ako na muna ang bahala sa kaniya. Mauna ka na dahil nandiyana ang pari. Kailangan nandoon ka,” sabi ni Lucas. Tinapik ko ang balikat ni Lucas. “Sige, sige. Maraming salamat, Luc.” Malapit na akong dumating sa malaking tent nang bigla ko
Francine’s POV“Are you ready?” Liam asked me pagpasok niya ng kwarto.Tumango ako. “I had no choice. Ngayon ang libing nila,” sagot ko. Mahigit isang linggo akong nanatili sa bahay mula nang namatay sina Britney at Daddy. Tahimik naming idinaos ang burol nila dahil ‘yon ang gusto ko. Dito rin pansamantalang nakatira ang pamilya ni Lucas sa bahay namin habang inaasikaso nila ang nangyari sa pamilya ko. Napalingon ako kay Liam nang hawakan niya ang aking kamay. Kinuha niya ang family picture na hawak ko saka ibinalik ito sa ibabaw ng bedside table. “Malalampasan mo rin ang lahat. You’re brave,” bulong niya bago ako niyakap ng mahigpit. “Nandito lang ako palagi sa tabi mo.” Napasinghap ako nang nagsimula na naman mangilid ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan at pinaparusahan ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Ang sakit-sakit pa rin isipin na wala na sila.Kumalas siya sa yakap at hinanap ang aking mga mata. Pinunasan niya ang namumuon
Scoth Liam’s POV“You're not my father! I don't have a father! Stay away from us! We don't need you! You don't love us!” galit na sigaw ni Max sa akin. Hinihila niya ang aking damit. Gusto niya akong palabasin. Parang unti-unting dinudurog ang aking puso sa mga salitang binitawan ni Max. Ngayon ko lang ulit siya nakita na ganito kalapit pero panunumbat ang natanggap ko. I can’t blame my son. Nakita niya ako na kasam sina Celine at Selena whom I thought na anak ko si Selena. Tumayo ako para yakapin sana siya ngunit bigla niya akong itinulak. Napahawak ako sa kama ni Francine nang muntik na akong ma-out-of-balance.“Bumalik ka na sa pamilya mo! Hindi ka namin kailangan dito!” sigaw ni Max. Napansin ko ang pangingilid ng kaniyang luha. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit. Huminga ako ng malalim saka lumuhod para maka-level ko si Max. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. “I’m so sorry, Max,” I whispered. Yumuko ako para itago ang namumuon luha sa aking mga mata. Biglang kumalma si Max
Luminga-linga sa buong paligid si Lucas at nagbabasakaling makita si Liam pero. Naghintay siya ng ilang minuto at tinitingnan niya rin ang mga kasama ng pulis. “Liam?” paulit-ulit na tawag niya habang hinahanap ito sa iba’t ibang lugar malapit sa lugar kung saan sumabog ang bomba.Mahigit kalahating oras din ang nakaraan bago dumating ang mga bumbero dahil malayo ang lugar sa lungsod. Malapit na nilang matapos patayin ang apoy ngunit hindi niya pa rin nakita si Liam. Nagsisimula na siyang kabahan baka may nangyari sa kaibigan niya. Sinubokan niyang pumasok sa loob upang tingnan ngunit ayaw siyang papasokin.“Nandiyan ang kaibigan ko! Kailangan ko siyang makita!” galit na sigaw ni Lucas sa bumbero nang pigilan siya sa pagpasok sa loob.“Malakas pa po ang apoy, Sir. Bawal kayong pumasok baka mapano kayo sa loob –” “Wala akong pakialam! Kailangan kong makita ang kaibigan ko! Nasa loob siya nang sumabog ang bomba!” Sinubokang suntokin ni Lucas ang bumbero pero mabilistong nakailag. Nap
Itinutok ni Celso ang baril sa ulo ni Apollo. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin. Kaibigan kita pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin. Inagaw mo sa akin ang babaeng bumuo ng mundo ko!” Hinawakan ni Apollo ang baril. Idiniin niya ito sa ulo niya. “Iputokmo ang baril, Celso,” paghahamon niya. “Hindi mo alam kung gaano kahirap ang sitwasyon naming dalawa noon. Wala akong inagaw, Celso. Kusa siyang pumayag na pakasalan ako dahil ‘yon ang gusto ng mga magulang namin. Labag sa loob ko na pakasalan siya dahil alam ko na ikaw ang mahal niya at hindi ako!”Nangingilid ang mga luha nilang dalawa. Nanginginig din ang kamay ni Celso. Suminghap siya saka kinasa ang baril. “Hindi ako magkakaganito kung hindi mo siya pinakasalan, Apollo. Kaibigan kita. Nagmamahalan kami. Ako ang nauna pero sa ‘yo siya ikinasal at nagtagal!” Tuloyan ng tumulo ang mga luha ni Celso. Hindi niya ito pinansin dahil nakatitig siya kay Apollo. “Isang buwan akong nawala dahil nagkasakit ako. Ka
Muling itinaas ni Celso ang kaniyang kamay at dahan-dahan itong lumuhod sa harap ni Henry. Kumuyom ang palad ni Henry saka nilabas ang kaniyang baril. Itinutok niya ito sa ulo ni Celso. “Bakit ngayon mo lang sinabi ang too, Celso?!” galit na sigaw niya. Idiniin niya ang baril sa ulo nito. “All these years, nasa harap ko lang pala ang pumatay sa ama ko!” Luminga-linga sa paligid si Henry. Hinahanap niya si Apollo. “I had no choice, Henry. Kaibigan ko siya. Kailangan kong pagtakpan ang ginawa niya dahil natatakot ako na makulong siya. Ako ang tinakbohan niya pagkatapos niyang patayin ang ama mo,” sabi ni Celso. Itinaas niya ang isang daliri niya hudyat na kailangang maghanda ng mga tauhan ni Celso. “Apollo!” galit na sigaw ni Henry at pinutok ang baril sa kawalan. “Pinatay mo ang ama ko!” Nakangisi si Celso habang nakadapa at pinapakinggan ang mga hinain ni Henry. Nagkalat ang mga tauhan ni Henry sa buong paligid ngunit hindi niya alam na nakakalat din ang mga tauhan ni Celso. Isang
Nanlulumong tumingin sina Britney at Francine sa kanilang ama saka bumaling kay Vanessa.“A-Anak mo rin siya?” Hindi makapaniwalang wika ni Britney. “And she will be the next CEO kapag isa sa inyo ay nawala,” dagdag ni Henry. Binaba niya ang baril at binitawan si Vanessa. “Well, wala naman talaga akong balak na takotin ka, Apollo. Nakakatawa ang itsura mo nang itutok ko sa anak mo ang baril.”“Umalis na kayo rito, Henry. Isama niyo sila!” Bulyaw ni Celso at itinuro sina Britney at Francine. Kinilabit ni Lucas si Britney. “Nandito na ang mga pulis,” bulong niya. “Papasokin niyo sila,” utos ni Britney. Bago pa mahawakan ng mga tauhan ni Henry sina Britney at Francine, pumasok ang mga pulis bitbit ang warrant of arrest para kay Celso. “Magandang araw, Sir Coper. May warrant of arrest po kami para sa inyo sa –”“Para sa akin?” Kinuha niya ang papel at binasa ito. “What? What's going on?” “Mr. Celso Venedic Coper, you are under arrest for the suspicion of Financial Fraud, Insider Tra
Napalingon ang lahat sa kanila. Umingay ang buong paligid at maraming kumukuha ng mga litrato sa kanila. Nanginginig ang tuhod ni Liam nang nakita niya si Francine. Maputla at halatang nanghihina pa ang buong katawan nito. Nanliliksik ang mga mata ng mga Copers nang nakita nila ang kambal na magkapatid. “Who are you, woman?” tanong ng pari kay Francine. Nakakunot ang noo nito at palipat-lipat ang paningin kina Liam at Celine.“I’m her fiance.” Proud na sagot ni Francine at itinaas ang kaniyang kamay para ipakita ang engagement ring na binigay ni Liam sa kaniya. “Ako ang papakasalan niya at hindi siya!” “D-Don’t mind her, Father. She’s crazy. She’s ruining our wedding day. Continue the wedding, Father!” Tumingin siya kay Liam. “Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa rito, Father. Isusuot na namin ang wedding ring –”“No! I won’t marry you, Celine!” sigaw ni Liam. Parang binubusan ng malamig na tubig si Celine nang narinig niya ang sinabi ni Liam. Sanay na sanay na siya sa mga masasaman
Nagugulohang tumingin si Francine sa kaniyang kapatid. Mahal sila ng ama nila at malabong mangyari ang sinasabi ni Britney. “You’ve been in a coma state for five weeks, Francine. Hindi ko alam kung makikita pa ba kita sa ganitong kalagayan kung hindi ko nahuli si Daddy sa pinapagawa niya kay Manang Loida at Dr. Fernandez,” dagdag ni Britney. Umiling-iling si Francine. Para sa kaniya ay napaka-imposible ng mga binibintang ni Britney sa kanilang ama. Mabait ito at hindi ‘to marunong gumawa ng mga bagay na ikakasakit nila. “He’s our father, Brit. Bakit mo siya pinagbibintangan? Walang ama ang gugustohing mapahamak ang kaniyang –” “He’s not our father anymore, Francine. He’s a devil. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko sa ‘yo. But I can prove it. Masamang tao si Daddy,” pangungumbinsi niya. Hinawakan niya ang kamay ni Francine. “Maniwala ka sa akin, Francine. Wala siyang pinagkaiba ni Mr. Coper. Ang buong akala natin ay mortal na magkaaway ang mga pamilya natin. Pero hind
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.