Share

Chapter 120

Luminga-linga sa buong paligid si Lucas at nagbabasakaling makita si Liam pero. Naghintay siya ng ilang minuto at tinitingnan niya rin ang mga kasama ng pulis.

“Liam?” paulit-ulit na tawag niya habang hinahanap ito sa iba’t ibang lugar malapit sa lugar kung saan sumabog ang bomba.

Mahigit kalahating oras din ang nakaraan bago dumating ang mga bumbero dahil malayo ang lugar sa lungsod. Malapit na nilang matapos patayin ang apoy ngunit hindi niya pa rin nakita si Liam. Nagsisimula na siyang kabahan baka may nangyari sa kaibigan niya. Sinubokan niyang pumasok sa loob upang tingnan ngunit ayaw siyang papasokin.

“Nandiyan ang kaibigan ko! Kailangan ko siyang makita!” galit na sigaw ni Lucas sa bumbero nang pigilan siya sa pagpasok sa loob.

“Malakas pa po ang apoy, Sir. Bawal kayong pumasok baka mapano kayo sa loob –”

“Wala akong pakialam! Kailangan kong makita ang kaibigan ko! Nasa loob siya nang sumabog ang bomba!” Sinubokang suntokin ni Lucas ang bumbero pero mabilistong nakailag. Nap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status