Share

Chapter 28

Maraming mga turista ang naliligo sa dagat pagdating namin doon. May nakita kaming naglalaro ng volleyball sa gilid ng dagat, naglalaro sa puting buhangin at nag-sa-sunbathing. Masarap maligo sa ganitong oras dahil hindi pa gaanong mainit ang sikat ng araw.

"Gusto mo na bang maligo?" tanong ni Lucas nang mapansin niyang nakatingin ako sa mga batang naliligo sa dagat at naglalaro kasama ang pamilya nito. Bigla kong naalala si Nanay at ang mga kapatid ko.

Namimiss ko na sina Nanay at ang aking dalawang bulilit na kapatid. "Naaalala ko ang mga kapatid ko sa kanila," sabi ko at nanatiling nakatingin sa isang pamilyang naglalaro sa dagat.

"Namimiss mo na ba sila?" tanong ni Lucas. Sinulyapan ko siya at muling tumingin sa dagat.

"Oo. Lalo na si Nanay. Wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko rin alam kung nag-aaral pa ba ang mga kapatid ko," sagot ko at bumuntong hininga. Umupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang tubig ng dagat.

"Pwede mo naman silang bisitahin. Sasamahan kita," sabi ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status