Iminulat ko ang aking mata nang naramdaman ko ang malamig na kamay na humahaplos sa akin. Nakita ko si Mommy sa gilid ng kama. Nakayuko siya habang humihikbi. "Mommy..." napapaos kong tawag sa kaniya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at pinunasan ang mukha gamit ang kaniyang kamay. "Are you alright? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Mommy at hinawakan ang mukha ko. "I'm alright. Medyo nahilo lang ako kanina," sagot ko. Ngumiti ako para mapanatag ang loob ni Mommy na ayos lang ako. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nakita ko sina Britney at Daddy na natutulog habang nakaupo. Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito at may pumasok na doctor. Itsura pa lang ay mapapansin mong isa itong Pilipino. Dahan-dahan din nagmulat sina Britney at Daddy ng kanilang mga mata. Nakangiting lumapit ang doctor sa amin. "She's six weeks pregnant. Congratulations!" sabi ng doctor at ibinigay ang isang papel kay Mommy. Dumapo ang paningin nilang lahat sa akin. Puno ng pagtataka ang
Inisa-isa kong binalikan sa aking isipan ang nangyari sa aking buhay simula nang lumayas ako sa amin. Muntikan na akong maging bayarang babae, binili ni Liam at ginawang girlfriend sa isang linggo. Nahulog ang loob ko kay Liam at bigla na lang naging opisyal ang engagement nina Celine at Liam. Naisip ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Liam bago namin ginawa ang bagay na 'yon. Nadala ako sa kaniyang sinabi na mahal niya ako. Pero bakit ngayon parang hindi totoo ang lahat niyang ipinapakita at ipinaparamdam? He betrayed me. Ang sabi niya ay ako lang ang mahal niya. Naniwala ako sa kaniyang mga sinabi sa akin. Lahat pala nang 'yon ay puro kasinungalingan. Hindi ko matanggap sa aking sarili na nagpaloko ako dahil sa pag-ibig. Nagpaubaya at nagparaya ng dahil sa pag-ibig. Agad akong bumigay sa kagustohan ni Liam. Naniwala ako agad sa mga mabulaklak niyang salita. Ang sakit isipin na pinaglaruan at pinagkaisahan ako ng dalawang pamilya. Smith at Coper. Napalitan ng galit ang aking pak
"Pasaway na buntis!" asik ni Britney nang nakita niya akong dinidiligan ang mga halaman sa labas ng bahay. Umupo siya sa bench habang kumakain ng dessert. "Inutosan mo na lang sana ang katulong natin. Anytime pwede kang-" "Britney, manganganak na yata ako!" sigaw ko nang naramdaman ko ang paglabas ng tubig sa aking private part. Nabitawan ko ang hawak kong hose at napahawak ako sa aking tiyan. Sa susunod na linggo pa dapat ako manganganak. Muntik ng mabilaukan si Britney sa kaniyang kinakaing dessert. "What?! Mommy manganganak na si Francine!" sigaw ni Britney at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Dahan-dahan akong umupo sa bench at iniinda ang sakit ng aking tiyan. "Baby, huwag ka munang lumabas, please," I whispered. "Francine!" agad akong napalingon sa gawi nina Mommy at Britney. Tumatakbo sila patungo sa akin kasama ang midwife at nurse na kinuha ni Mommy. Hindi ako pwedeng manganak sa hospital dahil walang nakakaalam sa pagbubuntis ko. Natatakot din ang aking pamilya sa mg
Chineck ko si Mommy, humihinga pa siya pero nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata. "Mommy, labanan mo ang sakit mo, please," sabi ko habang umiiyak. Pagdating namin sa hospital ay agad kaming sinalubong ng doctor ni Mommy. Inalalayan nila ako sa paglabas ni Mommy sa sasakyan. "Mrs. Maxey, naririnig mo ba ako?" sabi ng doctor at chineck ang vitals ni Mommy. "Please save my mother. Kung pwede ay operahan niyo siya ngayon, Doc," pagmamakaawa ko sa doctor. Bumuntong hininga si Dr. Mondragon at agad na nag-iwas ng tingin sa akin. Sumunod ako sa kanila papasok ng hospital. Ipinasok nila si Mommy sa emergency room. Agad akong hinarangan ng mga nurses dahil bawal daw akong pumasok. Pabalik-balik ako sa paglalakad habang tinatawagan sina Daddy at Britney. Hindi ako mapakali. Nanginginig na rin ako sa takot. "Dad..." napapaos kong sabi nang sagotin ni Daddy ang aking tawag. "Nasa hospital na po kami. Ipinasok nila si Mommy sa ER. Nasaan na po kayo?" Isang malalim na buntong hininga l
Five years later. Nangako ako kay Daddy na tatanggapin ko ang posisyon bilang bagong CEO kapag nakapagtapos ako sa pag-aaral at maging ganap na lawyer. Gusto ko munang abotin ang aking pangarap. Gusto kong ipakita sa lahat ng tao na kahit may anak na ako ay hindi ito hadlang sa aking mga pangarap. Kinakabahan ako habang ini-scroll pababa ang List of Bar Passers. Hinahanap ko ang aking pangalan. Ngayon kasi ilalabas ang result ng mga nakapasa sa bar exam. "You passed!" sigaw ni Britney nang nakita niya ang resulta sa bar exam sa kaniyang phone. Napapikit ako at hindi makapaniwala sa aking narinig. Gusto kong makasigurado. Nag-scroll ako pababa sa mga surnames hanggang sa nasa letter M na ako. Hinanap ko ang aking pangalan. Muntik ko ng mabitawan ang aking phone nang nakita ko ang aking pangalan. MAXEY, BLAKELEY FAVRAEU "Oh my God! You are one of the top examinees!" sigaw ni Britney. Napalingon ako sa kaniya. "Girl, you are the top 1 among thousands of examinees!" dugtong ni Britn
Maaga akong gumising dahil dadalo kami sa pagbibigay ng awards sa mga top employees bg aming kompanya. Ngayon din ang araw kung saan formal na i-a-announce ni Daddy ang pagiging CEO ko sa aming kompanya. Kinakabahan ako lalo na't may trauma ako sa mga malalaking event. Hindi ako gaanong nakikipaghalubilo sa ibang tao dahil hindi pa ako nasasanay. Nahihiya pa rin akong humarap sa kanila. Ngayon din ang unang araw na makikita ako ng lahat lalong-lalo na sa mga taong naging parte ng aming kompanya. I will not hide anymore. I will show to everyone na deserving ako sa posisyon. Hindi ko bibigoin ang aking pamilya lalo na't malaki ang tiwala nila sa akin. Ito na ang simula ng aking paghihiganti sa mga taong umapi sa aking pamilya. Sisiguradohin ko na makukuha ko rin ang hustiyang hindi namin nakuha dati. Maghahanap ako ng matibay na ebidensiya laban sa mga taong naging sangkot sa pagkaasidente namin. "Mommy, you're so gorgeous!" puri ng aking anak na si Max pagbaba ko ng hagdan. I am we
Hindi ako makagalaw sa aking tinatayoan. Nanatili akong nakatitig sa kanila. Para akong naging estatwa nang nakita ko muli si Liam. Biglang sumagi sa aking isipan ang aming nakaraan. Kung paano kami nagkita at nagkasama hanggang sa nabuo si Max. Bakit siya nandito? Mortal na kaaway ng aming pamilya ang kanilang pamilya. Paano sila nakapasok sa resort namin? Maraming nabuong mga katanongan sa aking isipan. "Damn it!" rinig kong mura ni Britney sa aking likuran. Hindi ko maalis ang aking paningin kay Liam. Naging matured ang kaniyang mukha at mas lalong naging gwapo. Nakasuot din siya ng black suit kagaya kay Max. Paano sila nagkita? Hindi sila pwedeng magkita ni Liam. Dahan-dahan niyang ibinaba si Max bago nag-angat ng tingin sa amin ni Britney na ngayon ay katabi ko na. Napansin ko ang palipat-lipat niyang tingin sa aming dalawa ni Britney. Hindi ko alam kung nalilito ba siya o ano lalo na't magkapareho kami ng design sa gown ni Britney at tanging kulay lang ang naiiba sa suot nam
The surroundings became noisy as people started talking about us. I knew this would happen, so I wasn't surprised. I wanted everyone to know that I have a child. I didn't want to hide Max from people.I tightened my grip on Max's hand. "For 15 years, I was separated from my family. Thanks to these amazing people who raised me, whom I thought were my family. I want to thank them for helping me become a better individual. Even though they're not my family by blood, they still supported me."Napansin ko ang mga taohan ni Daddy na nagkalat sa paligid. I didn't know what was happening. I tried to calm myself and stay focused because I hadn't finished my speech yet."To all the people who are part of the Maxey Group of Companies, I hope you will trust me as your new CEO. I hope you won't use my past against me and use it as a reason to protest that I am undeserving of this position. I know I wasn't raised with my family and I'm not familiar with the business world. But I believe in myself t