Share

FIGHT

Chapter thirty

Nagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Sumagi ulit sa isip ko ang mukha ng mag-ina kagabi. Galit na galit na mukha ni Verna at Vicky habang isa-isang pinupulot ang mga damit nilang nagkalat sa kalsada. Bumaling ako sa kwintas na nasa bedside table. 

Noong nakita ko sila kagabi, noong nakita ko si Verna kagabi bigla na lang kumulo ang dugo ko. Noon pa naman kumukulo ang dugo ko kapag nagkikita kami pero iba 'yong nararamdaman ko kagabi. 

Bumaba ako ng hagdan at dumiretso ng kusina. Kumuha ako ng tubig pero mabilis 'yong tinabig ni Odette. Nabitawan ko ang baso at nabasag. Gumawa 'yon ng ingay at kumalat ang bubog.

Hindi ako nakagalaw at tumitig sa basong basag na nasa sahig.

"M-mam, 'wag po kayong uminom o kumain ng mga pagkaing nandito sa loob ng ref."

Hindi ako gumalaw at pinagsabihan ang isa pang katulong na linisin ang kalat. Pinagmasdan namin ang katulong na nanginginig ang kamay na ginawa ang utos ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status