Share

BIRTHDAY

Chapter forty-five

"Happy birthday to you.. happy birthday to you..."

Kalalabas niya lang galing banyo nang kantahan ko siya. May hawak pa akong cake sa kamay. Gulat na gulat ang mukha niya at hawak pa ang dibdib na tinignan ako.

"Ginulat mo'ko. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mabyuda agad." Biro niya at hinipan ang cake.

Hinalikan niya rin ako sa noo at sa pisnge.

Bumaba ang tingin ko sa abs niyang kumikinang dahil sa tubig na galing sa shower. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kaya agad akong tumalikod.

"Mag-suot ka muna ng damit tapos baba ka. Love you." Mabilis na saad ko bago dali-daling bumaba.

Narinig ko pa siyang tinawag ako pero 'di na ako lumingon. Baka mahubad ko pa 'yong tuwalya sa bewang niya kapag kinulit niya ako.

Ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Nakahanda na lahat ng bagahe namin sa sala pero naisip

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status