Share

EMPTY

Chapter three

Walang ganang nilakad ko papasok ang mansion. Lalagpasan ko na sana ang garden nang may makita akong nakakainis. Huminto ako.

"Odette," sambit ko sa pangalan ng katulong na kasalukuyang nagdidilig ng halaman.

Agad naman itong tumigil sa ginagawa at nilingon ako.

"Good afternoon, Mam Amber. Ano po 'yon?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. "Nakikita mo sila?" Nguso ko sa tatlong babaeng nasa garden, prenteng naka-upo at nagtsa-tsaa habang tumatawa. Nagmumukha silang mga tanga sa ginagawa.

Sinulyapan ito ni Odette at tumango. "Opo."

"Siguradong may masayang nangyari sa kanila ngayong araw," Bumaling ako kay Odette. "May iuutos ako sa'yo."

"A-ano po 'yon?" mahina at nauutal na tanong niya.

"Nagdidilig ka 'di ba? Basain mo sila." Seryoso ang mukhang humarap ulit ako sa mag-iina. Mga walang kwenta.

Nag-iinit ang tenga ko kapag naririnig ko silang tumatawa. Naiinis ako.

Nang hindi gumalaw si Odette, bumuntong-hininga ulit ako. "Bilisan mo, Odette. Kung ayaw mong ikaw ang gagawin kong halaman." 

Dahil sa takot, agad na kumilos ang katulong at pinulot ang hose. "O-opo. G-gagawin ko na." 

Takot silang lahat sa'kin dahil lahat nang sasabihin ko, nagkakatotoo. Matagal nang naninilbihan si Odette sa pamilya namin kaya alam niya na ang takbo ng utak ko. Hindi ko naman alam kung bakit nandito pa rin siya at nagtitiis sa ugali ko.

Sinunod nga ni Odette ang sinabi ko. Tinutukan niya ang tatlo ng hose at binasa ang mga ito. Naningkit ang mga mata ko nang nagsitilian ang mga ito at agad na tumayo.

"Ano ba naman 'yan, Odette!" Sigaw ni Valerie, ang bunsong anak ni Verna. Ang pinaka-mahinhin sa magkakapatid.

"Shit naman! Binasa mo'ko!" Maarteng hinawi ni Vanessa ang buhok, siya ang ikalawang anak ni Verna. Ang pinaka-maarte. 

Ang ganda nilang tingnan habang basa. Nagmumukha silang sisiw. Mas naging kawawa ang itsura.

Ngumisi ako at tatalikod na sana nang may humablot sa braso ko. Muntik pa akong mapangiwi nang saktong sa sugat ko pa talaga siya kumapit. Hindi naman alam ng taong may hawak sa'kin na may sugat ako dahil sa suot kong long sleeve.

"Anong ginagawa mo, Amber?!" singhal ni Verna.

Marahas kong binawi ang braso at bumuntong-hininga. "O? Ba't basa kayo?" Pagmamaang-maangan ko.

"Talaga, Amber? 'Wag kang umarteng wala kang alam! Sigurado akong walang kasalanan si Odette." Galit na sambit ni Verna.

Nilingon ko si Odette at tinanguan. Agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin at umalis. 

"Okay. Ako nga ang nag-utos. Akala ko naman kasi mga halaman din kayo. Ba't kasi nakasuot kayo ng ganyan? Kakulay niyo pa 'yong lupa." Nakasuot kasi sila ng floral dress tapos kulay lupa pa sila. 

"Napaka-walang hiya mo talaga! Demoyita!" Galit na galit na sigaw ni Verna. 

Ngumisi ako at tinitigan sila. "Verna, alam na ng lahat 'yan. Kung ayaw mo sa'kin, umalis ka. Nabukas parati ang gate para sa'yo at sa mga anak mong kulay lupa." 

Nilingon ko ang mga anak niyang nakayuko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga kamay nilang nakakuyom, halatang nagtitimpi. Mga walang kwenta. Walang ganang tinalikuran ko sila at naglakad na papasok ng mansion.

Umaakyat ako ng hagdan nang makasalubong ko si Odette na may mga dalang labahin, may kasama siyang katulong na hindi pamilyar sa'kin. Pinahinto ko sila.

"Magdala ka ng first aid kit sa kwarto."

Tumango ang mga ito. "Opo."

Nang makapasok ako ng kwarto, hinubad ko agad ang mga damit at pumasok ng banyo para maligo. Nakitang kong dumugo nga ang sugat ko dahil sa higpit nang pagkakakapit ni Verna kanina. Bwesit siya. 

Matapos kong maligo, kinuha ko agad ang first aid kit na nasa kama. Siguro ay iniwan na lang ni Odette habang nasa banyo pa'ko. Mag-isa kong ginamot ang sugat.

Nilingon ko ang cellphone nang bigla itong tumunog. 'Di ko na tinignan kung sino ang tumatawag, agad ko na itong sinagot.

"Bebe, nakauwi ka na ba?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko si Farrah sa kabilang linya.

"Yeah." Sagot ko.

"Hoy. Mag kwento ka na sa'kin." Hindi ko siya masyadong marinig kaya lumapit ako sa bintana at binuksan 'yon.

"Ano pang iku-kwento ko sa'yo? Tapos na pagkakaibigan natin." Walang ganang sagot ko.

Mabilis kong nilayo ang tenga sa cellphone dahil alam ko na na titili siya. 

"What?! Amber!"

"Ikaw? Bakit may dala kang popcorn kanina? Nanood ka ba ng sine habang nasa clinic ako, tarantada ka?" Singhal ko sakanya. 

"Hindi. Natakam lang ako kaya bumili ako. Ang sarap kaya." 

Umiling-iling ako. "Ulol ka ba? Ba't pinabayaan mo'ko?!"

Nilibot ang tingin sa baba at kumunot ang noo nang may makita sa tapat ng bahay. May pumaradang kotse, may lumabas na lalaki at babae doon na pamilyar na pamilyar sa'kin. 

"Sorry na. Nakalimutan kasi kita, eh." Hindi na'ko nakinig kay Farrah, nakatutok na ang atensyon ko sa dalawang taong nasa baba.

Naningkit ang mga mata ko nang makitang nagyakapan ang dalawa at bago pa sila maghalikan, sinara ko na ang bintana at tumalikod.

"Mag-usap tayo bukas, Farrah. Bye." Mabilis kong binaba ang tawag at binagsak ang sarili sa kama.

What's that? May boyfriend siya?!

-

"Sinong naghatid sa'yo kagabi, Vicky?" rinig kong tanong ni Verna sa anak na malandi. Si Vicky ang panganay na anak ni Verna.

Dire-diretso akong pumasok ng dining at kumuha ng gatas.

"Si Jax, Mom." Sagot naman ni Vicky sa ina.

Umirap ako at nilapitan si Odette. "Maghanda ka ng sandwich. Sa school ako kakain." Utos ko rito at lalabas na sana nang harangin ako ni Verna.

"Ayaw mo rito?" 

Kumunot ang noo ko. "Narinig mo'ko 'di ba? Sa susunod kasi 'wag kayong magpakita sa'kin para hindi ako mawalan ng gana." Tsaka ko siya binanggaan at lumabas.

Si Vicky ang nakita ko kagabing may kasamang lalaki. Mukhang okay lang naman kay Verna'ng lumandi ang anak niya at pinaparinig niya pa talaga sa'kin. Ano naman kayang nakita ng lalaking 'yon kay Vicky na kulay sunog? 

Kinuha ko ang sandwich at pumasok na ng kotse na may bagong driver. Mabilis kaming nakarating ng school at malayo pa lang nakikita ko na si Farrah na may malapad na ngiti.

"Hey, Bebe!" Bati niya na nagpakunot ulit ng noo ko.

"Bebe? Ano ako, Pato?" Inis na tanong ko sakanya na tinawanan niya lang.

Naglakad ako papasok. Plano kong dumiretso muna sa cafeteria at doon kumain. Tumutunog na talaga ang tyan ko sa gutom. Tsk. Ayoko lang talagang kumain sa bahay kapag nakikita ko ang mukha ng mag-iinang 'yon. Nasusuka ako.

Sumama sa'kin si Farrah papuntang cafeteria. Iniwan ko siya sa table na nagce-cellphone. Pumila ako sa counter para umorder.

"Oy, miss. Ikaw na mauna." 

Tinitigan ko lang ang lalaking nasa harap ko.

"Miss, Ikaw na maunang mag-order." Tinuro niya pa ang pwesto para palipatin ako pero hindi ako sumagot. 

Kaya ko namang maghintay dahil hindi naman ganoon kataas ang pila. Anong ginagawa niya? Nagpapa-gentleman? Mga galawan niya, alam na alam ko na.

"Ayos ka lang? 'Di ka ba nakakapagsalita?" Tanong niya at akmang hahawakan ako nang biglang may malakas na tumapik sa kamay niya.

Gulat na napalayo ako.

"'Wag mo ngang hawakan 'yan. Gago ka." Singhal ng lalaking kararating lang.

"Tangina ka, Cin! Ang sakit ng kamay ko!" Sigaw naman ng lalaking tinamaan sa kamay.

Dahil maputi siya, nakikita ko ang pagpula ng kamay niya. Ngumiwi ako. Mukhang mag-aaway pa sila rito kaya kailangan ko nang umalis. Ayokong madamay, 'no. Nanahimik ako rito, eh.

Tatalikod na sana ako at aalis na nang biglang may humila sa kwelyo ng damit ko at pinabalik ako sa pila, 'yong lalaking nanakit kanina, 'yong lalaking tinakasan ko sa Clinic kahapon!

"Oorder ka, 'di ba? Let's go."

Luminga-linga ako at hinanap ang lalaking nasa unahan ng pila kanina pero mukhang umalis na. Hindi naman sila nag-away.

Nang makita niya akong hindi gumalaw, bumuntong-hininga siya at hinila ako sa counter. Marami siyang sinabi sa cashier na nagpatulala lang sa'kin. Anong ginagawa niya?

"Hoy. Ang dami mong sinasabi dyan! Para kanino 'yan?" Singhal ko sakanya nang mapagtanto kong nag-oorder siya at ang dami! 

Binaba niya ang tingin sa'kin at pinaningkitan ako ng mata. "Shut up." Sabi niya bago hinugot ang wallet sa bulsa at nagbayad sa cashier.

Nang makuha niya na ang order, tumalikod na siya at maglalakad na sana paalis nang muli siyang lumingon at pinanlakihan ako ng mata. What?! 

"Ano pang ginagawa mo dyan? Magdadasal ka?" Walang kwenta niyang tanong na nagpakunot ng noo ko.

"Oorder ako." 

"Tapos na. Halika na." Sambit niya parang ubos na ata ang pasensya.

Nang hindi ulit ko gumalaw, hinila niya na ako. 

Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya? Bakit siya nandito?! 

Uupo na sana siya sa bakanteng upuan sa malapit pero kinuha ko ang braso kong hawak niya.

"May table na'ko. Nandoon." Turo ko sa table na inuupuan ni Farrah.

Siya na ang naunang naglakad habang nakasunod ako. Nilapag niya sa table namin ang tray at umupo. Hinila niya rin ang upuang katabi at tinapik-tapik pa ito habang nakatingin sa'kin. Hindi ako sumunod.

"Hoy, lalaki. Anong ginagawa mo?" Tanong ko. 

"Naka-upo? Hinahanda 'yong pagkain mo? Nakikipag-usap sa'yo?" Pilosopo niyang sagot na nagpa-init sa tenga ko.

"Bakit mo 'to ginagawa?! 'Di kaya kita kilala tsaka 'di tayo close!" Sigaw ko para malaman niya.

Umirap 'yan. "I'm Cin. Kung nakalimutan mo, ako 'yong lalaking nagdala sa'yo sa Clinic kahapon."

"So? Layuan mo'ko."

"Hindi pwede. Hangga't hindi gumaling 'yang sugat mo, hindi ako lalayo."

Natawa ako. "At bakit? Wala ka namang pakealam dito!"

Napatingin kami kay Farrah nang tumikhim siya, nilapag ang cellphone sa mesa at pinagkrus ang mga braso.

"Dyan ka nagkakamali, Amber, my friend, 'yang lalaking 'yan ang dahilan kung bakit may sugat ka ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nagka-gulo kahapon. Ang mga babaeng 'yon, may mga gusto sakanya. Ayaw ka niyang iwan dahil responsable siya. My friend, 'wag ka nang maarte at kumain ka na. Hi, Cin ang gwapo mo naman!" Mahabang paliwanag niya na mas lalong nagpagalit sa'kin.

Ano yon? Pinagkaguluhan siya? Ano siya artista?! At bakit alam 'yon ni Farrah?

Nameywang ako at umiling-iling. "Kaya pala. Nagi-guilty ka? Kaya ka dikit nang dikit dahil guilty ka!" Sigaw ko.

Bumuntong-hininga siya at ngumuso. "'Di ko naman alam na magkakagulo sila, eh. Mga junior 'yon kaya 'di ko maawat. I'm sorry."

"Dapat lang na mag-sorry ka! Kulang pa nga, eh! Ang sakit kaya ng balakang, tuhod, at siko ko!" Padabog akong umupo.

'Di ko na talaga kaya. Gutom na gutom na'ko kaya dumampot na'ko ng burger at kumagat. Hindi ako mahihiya dahil may kasalanan siya. Dapat lang talaga na ginagawa niya 'to.

Hindi na'ko nagsalita at kumain na lang habang talak naman nang talak si Farrah kay Cin na binabantayan naman ako. Kapag napapalaki ang subo ko, tinutulak niya naman papalapit ang baso ng tubig. Bahala na sila, basta ako, gutom!

Malapit na akong matapos nang mapatingin sa oras si Cin. Bigla siyang napamura at napatayo. 

"I'm sorry. Kailangan ko nang umalis. Ubusin mo lahat ng 'yan," sambit niya sa'kin habang nakaturo sa pagkain. "By the way, it's nice to meet you, Farrah. Alis na ako." Paalam niya.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Halos matanggal naman ang kamay ni Farrah kakakaway. Malandi rin.

Sabay kaming pumasok ni Farrah. Hanggang sa mag-uwian, wala ako sa sarili. Sa hindi malamang dahilan, gusto kong umiyak. Bakit ko gustong umiyak?! 

Nag-isip ako ng mabuti habang bumabyahe pauwi. May pera ako, malaking bahay, may kaibigan. Sa totoo lang, kahit mag-shopping ako araw-araw, hindi ako mauubusan ng pera. May mga taong nagsisilbi sa'kin, ginagawa nila lahat ng gusto ko pero bakit ganoon? Nakukulangan ako. Hindi na'ko napapasaya ng pera. 

Noong makita ko si Vicky at boyfriend niya kagabi, nagalit at sobrang nalungkot ako. Siguro dahil sa ugali ko kaya walang nagkakagusto sa'kin. Walang nagtangkang manligaw hindi tulad ni Farrah. Siguro habang-buhay na akong mag-iisa? Galit ako kay Verna dahil alam kong masaya siyang miserable ako. Na kulang ako sa pagmamahal. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status