Share

MISS FRIES

Chapter five

Kinabukasan kumunot ang noo ko nang makita si Farrah na dire-diretsong pumasok ng room. Ang akala ko, aabsent na naman siya ulit dahil masyado na kayang late. Palabas na nga si Miss Piranha dahil tapos na ang klase, eh. 

"O, Guerrero! You're early for the next subject!"

Tamad akong napa-iwas nang tingin. Masyado pa namang mahigpit 'yang isdang 'yan. 'Di na makakalusot si Farrah dyan kahit magaling siya sa klase nito, 'no. Ayaw na ayaw pa naman ng isdang 'yan ang mga late. Siguradong bagsak sa C.R si Farrah mamaya.

Hindi ko na narinig si Farrah na nagsalita. Hindi na siya nagkaroon ng chance na maka-sagot kay Piranha nang ratratan siya nito. 'Buti na lang break time na at wala na masyadong tao sa loob ng room. Nagsialisan na ang iba samantalang may ibang natira para ayusin ang mga gamit nila, mukha namang wala silang pakealam sa nangyayaring gyera sa unahan. 

Nang makaramdam na'ko ng gutom, tumayo na'ko at naglakad sa unahan. Nasa tabi pa rin ni Miss Piranha si Farrah na kasalukuyang nakayuko at sumasabak sa gyera, todo iwas din siya sa balang gawa sa laway ni Miss Piranha. 

"Kailangan kong maka-usap ang parents mo!" Sigaw ni Miss Piranha at umalis.

Tinignan ko si Farrah. Nakababa ang balikat niya at nakangusong humarap sa'kin. 

"Walang bang babagsak sa C.R?" Tanong ko. 'Yon ang punishment ni Piranha sa mga estudyanteng lumabag sa rules niya.

Bumuntong-hininga siya at umiling-iling. "Wala. Hindi niya naman nabanggit 'yon pero kakausapin niya ang parents ko."

Naglakad ako palabas, agad naman siyang humabol.

"Wala ka bang orasan? Mag-ingat ka kay Miss Piranha at baka sa susunod, kagatin ka na." natatawa kong sambit sakanya.

"Sa sobrang pagmamadali ko, 'di ko na natignan 'yon! Tsaka, hoy!" Hinampas niya ako. "Miss Piraña 'yon! Piranha ka dyan!"

Napatigil ako sa paglalakad at gulat na lumingon sakanya. "'Di ko alam 'yon, ah?! Piraña pala 'yon!"

Ang akala ko talaga, piranha! Pero 'yon ang naririnig kong tinatawag ng mga estudyante sakanya o bungol lang talaga ako? Magkatunog lang naman kasi 'yon! Piranha tsaka Piraña. 

'Di makapaniwalang tinignan ako pabalik ni Farrah. "Seryoso ka? 'Di mo talaga alam?!"

Natatawang umiling-iling ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. 'Buti na lang 'di kami close ng professor na 'yon. Tsk.

Nang makarating kami sa cafeteria at makapag-order, agad kaming nagsimulang kumain ni Farrah.

"Bakit ka nga pala absent kahapon? Late ka pa ngayon, ah." Kanina ko pa talaga gustong magtanong, eh.

Nakakainis kasi 'yong piranha. 'Di ako sanay sa Piraña!

Pinunasan niya ang bibig na puno ng ketchup. Ngumiwi ako nang magsalita siyang puno ang bibig.

"In-ubo kasi 'yong aso ko! Ayoko siyang iwan!"

Talaga lang, ah? Hindi siya pumasok para sa aso. Zero siya sa quiz kahapon dahil in-ubo ang aso niya! 

Kumurap-kurap ako at bumuntong-hininga. "Grabe. Ang bait mong amo." 

Marami ang kin-wento ni Farrah tungkol sa aso niya. Wala naman akong ginawa kundi tumango-tango at umaastang nakikinig kahit 'yong paa ko, kating-kati na talagang kumaripas nang takbo. 

Habang iniinom ko ang natitirang juice sa baso, bigla na lang umingay ang paligid. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Farrah. Tumigil na siya sa pagkain at may tinitignan kaya luminga-luminga rin ako.

Huminto ang tingin ko sa entrance ng cafeteria. Kumunot ang noo ko nang makita ang pagpasok ng kinaiinisan kong lalaki. May mga kasama siya at mukhang nagkakatuwaan. Tatalikod na sana ako nang lumingon siya sa gawi namin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumalikod. 

Nakita niya akong nakatingin! 

"Amber, ayos ka lang?" 

Nag-angat ako nang tingin kay Farrah at tumango. "Syempre! Bakit naman, hindi?!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil sa gulat. 

"Kasi parang hindi."

"Ayos nga lang ako, Farrah!" sigaw ko.

Bakit niya ba pinagpipilitang hindi ako okay? Okay lang ako! 

"Baka naman masakit ang sugat mo? Patingin nga." 

Tuluyan na akong nanigas sa kinauupuan nang biglang may sumabat. Napapikit ako at bumuntong-hininga. 

"Hi, Cin! Talagang masakit ang sugat niya kaya nagsu-sungit." Nakangusong sambit ni Farrah.

Bakit ko nga ba naging kaibigan si Farrah? Siguro ito na ang time para maghanap ako ng kaibigan na hindi ako ipapahamak. Pero bakit nga ba ako nagpa-panic? 'Di ko naman close ang lalaking 'to.

Malaki ang ngiti ng epal na humarap sa'min. Marami siyang kasama kanina pero mag-isa na lang siya ngayon. Nakita kong nasa ibang table na ang mga kasama niya.

"Cin, sit down! Upo ka na!" Yaya ni Farrah habang tinuturo pa ang katabi kong upuan. 

Agad naman na sumunod ang epal at nilingon pa'ko nang nakangiti. Nilingon ko rin siya at inirapan na nagpasimangot sakanya.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong.

Ngumuso siya. "Siguro magsho-shopping ako sa cafeteria."

Naningkit ang mga mata ko sa pamimilosopo niya. Gago 'to, ah? 

Marahas ko ring nilingon si Farrah na mukhang nababaliw na ata sa lakas ng boses kakatawa. Nang makita niyang nakatingin ako, agad siyang tumahimik at tumalikod sa amin para makipag-tsismis sa mga taong nasa kabilang table. Wala namang nakakatawa. 

"Tsk. Pwede ba, umalis ka sa table namin! May mga kasama ka 'di ba? Doon ka na!" Naiinis na sambit ko sakanya.

Inabot niya ang fries na nasa harap ko at kumuha kaya agad kong tinapik ang kamay niya.

"Aray naman! Bakit ba ang sungit mo?!" 

"Kasi nga, pakealamero at feeling close ka! Alis sa table namin!" 

Nakipaglaban ako nang titigan sakanya. Hindi talaga ako nagpatalo at mas sinamaan siya nang tingin. Dahil ayoko talagang magpatalo, nagulat na lang ako nang nasa kamay niya na ang fries at nakangiting kinakain ito! Naisahan ako ng gago!

"Akin 'yan, eh!" Sigaw ko.

Tumawa siya at pinuno ng fries ang bibig. Paborito ko 'yon, eh. Tuwang-tuwa pa siyang kinakain 'yon!

Hinihingal na nag-iwas ako nang tingin. 

"Hoy." Kinalabit niya ako. Hindi ko siya pinansin.

Tumawa ulit siya at kinalabit ako. Gago talaga! 

Paborito ko nga ang fries na 'yon! Kaya nga kanina ko pa hindi ginagalaw 'yon kasi gusto kong kainan 'yon mamaya. 

Padabog na kinuha ko ang bag at inayos ang mga gamit ko. Lumingon sa amin si Farrah na mukhang tapos na sa pakipapag-tsismisan sa kabilang table. Sinilip niya ang mukha kong nakasimangot at nagtatakang nilingon din ang gagong katabi ko na ngayon at mukhang demonyong nakangisi habang kinakain ang fries ko!

"Hoy! Ba't mo kinakain 'yan?" Rinig kong tanong ni Farrah sa gago.

"Bakit? Bawal bang kainin 'to?"

Bumuntong-hininga si Farrah. "Kaya pala, mukhang papatay na 'yan, eh. Kinuha mo ang pagkain niya. Hindi lang pagkain dahil paborito niya 'yan!" Rinig ko pa ring bulong ni Farrah.

"'Di nga?" 

"Oo nga!"

Umirap ako sa bulungan nilang rinig na rinig ko naman. Sinara ko ang bag at diretsong tumayo. Paulit-ulit akong tinawag ng dalawa pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo ako pabalik ng room at doon tumambay. Naiinis na nilagyan ko ng earphones ang tenga para hindi makarinig ng ingay.

Sa susunod talaga na magpakita sa'kin ang unggoy na 'yon, sasampalin ko talaga siya. Malas talaga ang lalaking 'yon. 

Nang magsimula ang klase, hindi ko pinansin si Farrah na kinukulit ako tungkol kay Cin. Ano namang pake ko doon? Gago ba siya? 

"Amber, makinig ka muna kasi sa'kin. Gusto talagang mag-sorry ni Cin. Hoy. Amber!"

Hindi ako nakinig at diretsong tinignan ang whiteboard.

"Ano ba, Amber! Makinig ka kasi!" Sigaw niya sabay tayo.

Natahimik ang buong paligid, pati na rin ang professor na nasa harap, tumahimik at nilingon kami. Dahan-dahan akong lumingon kay Farrah na mukhang naubos na ata ang pasensya sa'kin. Nanlalaki na ang butas ng ilong niya at handa nang manampal.

"Anong problema dyan, Imperial at Guerrero?!" Sigaw ni Miss Piranha, ayoko talaga sa Piraña.

"Ito kasi, ayaw akong kausapin, eh hindi naman ako ang kumain ng fries mo, 'di ba?! Nakakainis ka!" Duro ni Farrah sa'kin na agad kong inilagan.

Nalipat ang tingin ko sa harap nang dumampot si Miss Piranha ng eraser. Mukhang may tatamaan.

"'Yan. 'Yan lang ang problema niyo?! Hindi ba kayo namom-roblema sa mga grades ninyo?! Iniistorbo niyo ang klase ko para sa walang kwentang dahilan na 'yan!" Sigaw ni Miss Piranha.

Nagkatinginan kami ni Farrah at sabay na nag-iwas nang tingin. Mukhang alam ko na kung anong mangyayari sa susunod. 

Imperial and Guerrero, get out!

"Imperial and Guerrero," Ito na. Alam ko na talaga ang susunod na linya niya. 

Pero hindi 'yon natuloy nang biglang may kumatok sa pinto. Natigil si Miss Piranha sa akmang pamamato ng eraser, ang mga kasama naming estudyante sa panonood sa'min at kaming dalawa ni Farrah. Kunot-noong nilingon ko ang pinto. 

Hero! Niligtas niya kami sa bunganga ni Miss Piranha!

Nilapitan ni Miss Piranha ang lalaking nasa labas ng pinto. Nag-iwas na lang ako nang tingin habang hinihintay namin na matapos sa pag-uusap sila Miss Piranha at ang lalaking nasa labas.

Naramdaman kong unti-unti ring umupo sa tabi ko si Farrah na pilit pa rin akong inaabot. Marahas ko siyang nilingon at inambahan nang suntok. Gago 'to, isa ring pahamak!

"Kaya hindi kita pinapansin dahil ayokong pag-initan ako ng isdang 'yan! Gago ka ba? Mapapalabas tayo ngayon." Galit na bulong ko sakanya at imbes na suntok, hinampas ko na lang siya sa braso.

Gusto kong manakit, eh.

Magpapaliwanag sana si Farrah sa'kin nang bigla kong narinig ang pangalan ko sa unahan. Dire-diretsong pumasok ang lalaking may bitbit na paper bag sa kamay at pumunta sa harap ko. Gusto ko sanang isipin na para siyang modelo kung maglakad pero mas bagay sa kanya ang pagong, ang bagal, eh! Nanatili pa ring tahimik ang paligid pero nakasunod na ang tingin ng lahat sa lalaking tamad na tamad na kumikilos. Nagtatakang tinignan ko ang paper bag na nakalapag sa harap ko.

"Ano 'to?" Bulong ko at tinaasan ng kilay ang lalaki.

Nagkibit-balikat siya bago tamad pa rin na tumalikod. Nakita ko pang nag-ismiran sila ni Farrah tsaka ito naglakad na parang wala lang. Kinawayan niya pa si Miss Piranha na tahimik lang. Ano 'yon?

Naguguluhang bumaba ang tingin ko sa paper bag. Ano naman kayang laman nito? Nang iangat kong muli ang tingin, nasa akin na ang tingin ng lahat. Mukhang nag-aabang ang lahat kung anong laman ng paper bag na 'to, ah? 

"What? Hindi ko alam kung anong laman nito, okay? 'Wag nga kayong chismosa." Malakas ang boses na sambit ko.

Sakto namang tumunog ang bell kaya hinila ko na agad si Farrah palabas. Bitbit ko pa rin ang paper bag na hindi ko alam ang laman. Bomba ata 'to, eh.

"Buksan mo kaya 'yan." Untag ni Farrah.

Nilingon ko siya. "'Yoko nga. Baka bomba pa 'to, sabay tayong sasabog."

"Ang O.A. Ayaw mo lang malaman ko, eh."

Hindi ko na siya pinansin at pinapasok na sa kotse nila. Nakasimangot na nilabas niya ang mukha sa bintana.

"Usap tayo later, ah? Kung hindi mo sasabihin kung anong laman niyan, susugurin kita sa inyo!" Turo niya sa paper bag na dala ko.

Tumango lang ako para matahimik siya at kumaway sakanya bago dumiretso sa sasakyan ko. Tinanguan ko ang driver para makaalis na kami. 

Bumuntong-hininga ako at nilapag sa hita ang paper bag. Dahan-dahan ko itong binuksan. Pero kumunot ang noo ko sa nakita.

Fries... Maraming fries..

Sorry na. Kainin mo lahat, okay? 

From: Cin

To: Miss Fries

Ngumiwi ako sa nilagay niya. Miss Fries? Seryoso ba siya? 'Di niya ba alam ang pangalan ko? Teka, 'di ko nga pala sinabi sakanya pero close naman sila ni Farrah! Alam kong, alam niya na 'yon. 

Hindi ko talaga siya maintindihan. Lahat ng lalaki, ilag sa'kin dahil na rin sa ugali ko pero siya, araw-araw akong kinukulit.

Nakarating kami sa mansion nang mabilis. Dumiretso ako sa loob at nadatnan si Verna nagpasimangot na naman sa'kin. Okay na ako kanina, eh.

'Di ko siya pinansin at aakyat na sana nang may mapansin ako sa paligid. Parang may iba. Tumigil ako at bumuntong-hininga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status