Share

HURT

Chapter thirteen

From: My Cin

-nandito na ako sa loob, Mahal na prinsesa.

Bago ako bumaba, inayos ko ulit ang buhok at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Lalabas kami ngayon ni Cin at hinayaan ko siyang sunduin ako dito sa mansion kung saan, nakatira rin si Vicky at ang Nanay niyang bruha.

Malamang makikita nila kaming dalawa na magkasama at ipapamukha ko kay Vicky na parating ako ang nanalo at sila, mga talunan. 

Mabagal akong bumaba ng hagdan. Nasa sala silang lahat at halatang may seryosong pinag-uusapan. Bigla akong nainis kahit hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila. Binilisan ko ang paglalakad bago pa malason ng mga bruhang 'to ang isip ni Cin.

"Let's go, Cin." 

Agad itong ngumiti nang mag-angat ito ng tingin sa akin at napatayo. Parehong nag-iwas ng tingin ang mag-ina nang hawakan ako ni Cin sa bewang. Ngayon, Verna, tignan mo kung paano ko sisirain ang bait ng anak mo.

Pinagmasdan ko si Vicky na mabilis

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status