Share

PERVERT

Chapter fourteen

Nanatili kami sa condo niya buong maghapon. Tawa ako nang tawa sa pinapanood naming movie habang siya, walang ibang ginawa kundi sumimangot. Mukhang hindi niya type ang pinapanood namin.

"Cin, may ice cream ka?"

"Wala. Baba tayo?"

Sabay kaming tumayo at lumabas ng condo niya. Ang sabi niya sa akin may malapit na convenience store sa baba kaya doon kami dumiretso. Mukhang sikat din siya sa store dahil halos lahat lumilingon sakanya. Nauna akong maglakad at nakangusong naghanap ng ice cream. Ramdam ko naman siyang nakasunod kaya nakahinga ako ng maluwag. 

Kapag lumandi siya rito, talagang iiwan ko siya.

Kumuha ako ng maraming flavor ng ice cream at binigay sakanya. Nakangisi niya naman 'yong tinanggap at tinalikuran ako para pumunta na sa cashier. 

Nakasunod ako sa likod niya habang inoobserbahan ang mga babaeng kung maka-titig, kulang na lang hubaran nila si Cin. Lantaran nilang hinagod ng tingin ang katawan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status