Share

CHAPTER THIRTY-FIVE

"KILALA MO BA kung sino 'yong babae?" tanong ko.

Napatigil ang sekretarya ni Luke, tila may iniisip.

Kumurap sya, "Parang pamilyar sya sa akin eh"

Dahan-dahan akong tumango habang iniisip ang mga sinabi nya. Wala namang kapatid na babae si Luke maliban kay Ilaria. Iniisip ko kung ano ang relasyon ni Luke sa babae.

Maaaring pinsan nya ang babae. Pwede din 'yon.

Sabay kaming napatingin ng sekretarya ni Luke sa pinto nang bumukas iyon. Lumabas si Luke doon kasama si Mr. Sanford at ang dalawa nitong bodyguard.

May pinag-usapan sila saglit bago ito lumapit sa kinaroroonan ko. Tumayo agad ang sekretarya ni Luke at lumayo sa amin. Inabala nya ang kanyang sarili sa mga papeles.

"Are you hungry?" tanong nito atsaka marahang hinawakan ang aking kamay. Hinaplos-haplos nya ang aking mga daliri habang nakatitig sa akin.

"Kailangan nating kumain kahit hindi ako gutom, Luke. Mag-a-ala una na"

Tumayo ako kaya mahigpit nyang hinawakan ang kamay kong kanina nya pa hawak. Tumingin ako kay Lina.

"Maun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status