RINIG NA RINIG ANG palakpakan ng mga taong nanonood pagkatapos na magperform ang mga estudyante ko sa stage. Kahit ako ay napapalakpak din dito sa likod ng stage. Ang galing nila! Ngayon ang araw ng anibersaryo ng school at napakaraming tao ngayon dito. May mga media din na nagkalat, karamihan kasi ng mga batang nag-aaral dito ay anak ng mga artista o di kaya ay sikat na mga business man."Teacher Sophia, ang ganda at galing ng presentation ng mga estudyante mo ha"Nakangiting binaling ko ang tingin kay Teacher Klare. May ngiti ito sa labi habang nakatingin sa mga estudyante ko. Binalik ko ang tingin sa mga estudyante kong naglalakad papunta dito sa likod ng stage, kita ang saya sa mukha ng mga ito. "Nag-ensayo silang maigi para sa anniversary at magagaling naman silang lahat" puri ko sa mga bata. Kung may hindi naman sila naintindihan ay tinatanong nila ako na agad ko namang sinasagot. Kahit naman makukulit ang mga estudyante ko ay seryoso naman na sila kapag oras na nang pag-aar
"SAAN SILA Mommy?" tanong ni Ilaria, inilibot pa nya ang tingin sa paligid pero hindi nya makita sila Tita Patricia. "Bumili sila ng pagkain kasi nagutom si Kuya Theo" sagot ni Luke.Nagkibit balikat na lang ito at hinawakan ang kamay ni Luke. Tumayo si Luke at itinuon ang tingin sa akin."Magtatagal ka pa ba dito?" tanong nya."Yes, may papanoorin lang ako at pagkatapos ay uuwi rin. Bakit?" tanong ko.May papanoorin kasi akong performance ng isa sa mga guest ng school kaya medyo magtatagal ako dito. “I want to invite you to our lunch later”“Baka matagal pang magperform ‘yong anak ng guest namin, Luke kaya hindi ako makakasama sa inyo mamaya”Marami pa kasing magpeperform na mga estudyante ng school at sa huli magpeperform ‘yong anak ng guest kaya baka abutin ako ng hapon dito. Mabuti na lang at unang nagperform ang mga estudyante ko dahil doon ay maaga silang makaka-uwi.“Maghihintay ako, Sohpia”What! What about the lunch with his family? Hindi nya pwedeng ipagpaliban ‘yon!“Luke
PUMASOK AKO SA building ng office ng Luke nang may ngiti sa labi. Wala syang kaalam-alam na nandito ako ngayon dahil balak ko syang sorpresahin.Tinawagan ko kahapon si Tita Patricia para tanungin kung anong paborito ni Luke na kainin, sabi naman sa akin ni Tita Patricia ay sinigang na baboy daw.Nagluto ako kanina ng sinigang na baboy na dala-dala ko ngayon. Tumigil ako sa may front desk kaya napa-angat nang tingin ang dalawang babae na busy sa harap ng computer.Natigilan pa sila nang makita ako.Ngumiti ako, "Hi, balak ko sanang bisitahin si Luke Harrington... Anong floor ang office nya?" tanong ko."Ma'am may appointment po ba kayo kay Sir Luke?" tanong no'ng isang babae.Umiling ako, "Wala eh"Napangiwi ang babae sa narinig nyang sagot mula sa akin, "Ma'am, hindi po kasi pwedeng bisitahin si Sir Luke kapag walang appointment--"Napatigil ang babaeng kausap ko sa pagsasalita nang may ibinulong ang isang babae na kasama nya, kumunot pa ang noo ng babae pero nakita ko kung paano unt
BINITWAN NI LUKE ang kutsarang hawak nya at kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag na nasa tabi nya lang. Kumunot ang noo ni Luke habang nakatitig sa screen ng cellphone. Naglakad sya palapit sa akin.“Who’s that?” takang tanong ko.Inabot nya sa akin ang cellphone ko, “The number is not registered”Kinuha ko ang cellphone at agad na tinignan ang screen, hindi nakaregister ang number. Wala naman akong pinagbibigyan ng number ko kaya malaking katanungan sa akin kung sino ito.Sinagot ko ang tawag, “Hello? Who is this?” tanong ko sa kabilang linya.Si Luke naman ay nasa tapat ng table, pinagmamasdan ang kilos ko. Curious din sya kung sino ang tumatawag sa akin.“Hello? Si Sophia ba ito?” tanong ng tao sa kabilang linya.Kumunot ang noo ko, parang pamilyar sa akin ang boses ng babae.Napatingin ako kay Luke, “Yes, ako nga si Sophia”“Oh! Ako ‘to, si Klare! Teacher Klare”Oh, si Klare lang pala. Akala ko namang kung sino.Sumandal ako sa swivel chair ni Luke, “Klare, ikaw pala. Napatawag
"ITO PO ANG SUKLI nyo, Ma'am" saad ng babae.Kinuha ko ang sukli na inaabot nya at binuhat ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga pinamili ko. Nagpunta ako sa mall ngayon para bumili ng mga gagamitin ko sa pagpaint.Marami namang bumibili ng mga paintings ko lalo na at sinusuportahan ako nila Tita Margaret, Tita Patricia, at si Luke. Karamihan ay mga bigating tao ang bumibili, sila 'yong mga taong mahihilig sa pagkolekta ng mga paintings.Simula ng pansamantalang pagsara ng eskwelahan ay itinutok ko na ang aking sarili sa pagpaint. Matagal ko na rin 'yong hindi nagagawa."Sophia?"Napatigil ako sa paglabas ng store nang may narinig akong tumawag sa akin. Tumingin ako sa gilid ko. Bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga taong kinaiinisan ko. My cousin. "Sophia! Ikaw nga!"Tumakbo ito palapit sa akin, may kasama pa itong dalawang babae. Tinignan ko lang sya, hindi ako nagpakita ni isang emosyon. Pinipigilan ko ang aking sarili na magalit sa harap ng maraming tao."Kumusta ka na?"
I WAS SIPPING on my fruit shake when someone sat across the table. Nagulat pa ako no’ng una pero naalala ko na kikitain pala ako ngayon. Isa sa mga bibili ng painting. He’s alone. Agad na kumunot ang noo ko, sabi kasi nya kasama nya ‘yong fiancée nya pero wala akong makita na kasama nya.“You’re Sophia Bennett, right?” tanong nya.Tumayo ako at isinuot ang aking matamis na ngiti, inilahad ko ang aking kamay, “Sophia Bennett po, Sir”Tumayo rin sya at tinanggap ang nakalahad kong kamay, “Roscoe Sanford” Umupo ako, “You’re alone? Where’s your future bride?” hindi ko na napigilang itanong. No’ng minsan ko kasi silang naka-usap sa telepono ay ang future bride daw nya ang gustong bumili ng paintings sa akin.“May pinuntahan lang saglit, I hope you won’t mind” Umiling ako, “It’s okay, hindi naman ako nagmamadali”Tumahimik lang sya at hindi na sumagot. Medyo kinakabahan ako kasi mukha syang nakakatakot pero no’ng naka-usap ko naman sila sa cellphone ay okay lang naman atsaka ‘yong babae l
“WHAT’S GOING ON HERE?”Napatingin kami ni Mr. Sanford sa likod nang marinig namin si Ms. Cervantes. Lumipat-lipat ang tingin nito sa fiancée na at kay Luke. Mukhang naramdaman nya ang tension sa pagitan ng fiancée nya at ni Luke.Si Luke naman ay matalim pa rin ang tingin kay Mr. Sanford, hindi nya tinapunan nang tingin si Ms. Cervantes.Tumayo si Mr. Sanford at nilapitan ang kanyang fiancée. Binaling ko naman ang tingin kay Luke, “Luke….’wag ka nang magalit. Okay?”Tumingin sya sa akin, “Pero nakita ko kung paano sya tumingin sa ‘yo at ang lapit nya pa!” galit syang saad. I caressed his arm, napatingin sya doon. Napalunok sya at agad na nag-iwas nang tingin.What does he mean?Inisip ko ng maigi kung kailan naging malapit sa akin si Mr. Sanford. Naging malapit lang naman sya noong tinitigan nya ‘yong balat sa may tainga ko.Napahawak ako sa tainga ko, “Oh! Na-curious kasi sya sa hugis pusong balat ko sa may tainga kaya malapit sya kanina” paliwanag ko. Tumingin si luke sa parting
LUMABAS AKO NG bathroom nang matapos akong maligo. Hindi ko nakita si Luke sa loob ng kwarto nya nang makalabas ako. May pinuntahan lang siguro.Minsan ay dito ako natutulog sa condo ni Luke. Wala naman syang reklamo doon dahil sya mismo ang nag-offer sa akin na dito na ako tumira sa condo nya. Agad akong umayaw at nagtampo sya sa akin. Para hindi na sya magtampo ay sinabi ko na lang na dito na lang ako matutulog minsan, hindi 'yong dito ako titira. Pumayag naman sya kaya heto ako ngayon.Umikot ako sa kama para sana kunin ang lotion pero agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Nakasuot lang kasi ako ng manipis na roba na hanggang sa baba ng tuhod ko kaya kahit suot ko ito ay ramdam ko pa rin ang lamig.Agad akong naglakad palapit sa may glass door para isara iyon. Nang makuntento na ako sa temperature na kailangan ko ay naglakad ako sa may drawer at kinuha ang lotion doon.Binuksan ko ito at nilagyan ang palad ko. Ipinatong ko ang akin