MAGKASABAY na naghapunan sina Devance at Austin kasama ang tatlong babaeng turistang nakasabay nila sa tour sa Tiger’s Nest kanina. They learned that the girls were Australian. Mukhang palaban ang tatlo na tila ba naghihintay lang ng pagkakataon na yayain nila ni Austin na magkaroon ng privacy. “Aren’t you going to do something to disturb the couple again?” biglang tanong ni Austin habang kumakain. Nagsalita lang ito nang mag-excuse ang tatlong babae na pupunta sa ladies' room para mag-retouch. Nagkibit lang ng balikat si Devance. “Nope, I was just making fun earlier. I want to respect their privacy, as long as Tri is happy. She deserves it.” “I see,” tipid na wika ni Austin. “A lot of things happened when you’re away from home. Muntik na akong maging mamamatay tao.” Bahagyang napailing si Devance nang maalala ang gabing muntik nang mapahamak si Triana sa kamay ng kanyang bayaw. Biglang naging interesado si Austin. Hindi niya pa nababanggit dito ang mga nangyari. “Why, what happe
“I’M SORRY, darling.” Nangilid ang luha ni Triana nang tingnan ang kasintahan. Kaagad silang bumalik sa hotel dahil pati sa kanya ay nag-text din ang ama ni Devance. He was asking where they were at the moment. Mukhang sinisiguro rin nitong magkasama talaga sila ng lalaki. “No need to be sorry. You know I always understand you, somehow naman na-predict ko nang ganito ang mangyayari oras na makasal ka. And I settled with it, right? I’m happy at least we’re together even for two days.” Niyakap siya ni Caleb nang mahigpit. Maya-maya pa ay tinulungan siya nitong mag-empake ng gamit. Nakagat ni Triana ang pang-ibabang labi nang matapos maayos ang kanyang mga gamit. Binalot ng sobrang lungkot ang puso niya. Hindi niya alam kung kailan ulit sila magkikita. She knew Caleb was a very busy man, and he would always make time for her. Patunay na kahit milya-milya ang layo nila ay gagawa ito ng paraan magkita lang sila. Niyakap niya ito nang mahigpit mula sa likuran. “I’ll miss you. Gagawa ako n
GALIT na hinawi ni Dexa ang ilang crystal vase na may mga pulang rosas mula sa bedside table nang marating ang kanyang silid. Nagsibasagan ang lahat ng mga vase at hindi pa siya nakuntento dahil nakuha pa niyang sipain ang isa sa mamahaling collection niya ng ceramic vase mula sa China na naitalang ginawa pa noong Qing Dynasty. Huli na para makaramdam siya ng pagsisisi dahil tuluyan nang nabasag iyon.“Damn you, bitch!” Nangangalaiti siya kay Triana at masamang-masama ang loob niya sa ama pati na rin sa bunsong kapatid. Pinagkaisahan siya ng mga ito.“Mga sinungaling!” Nagpupuyos ang loob niya sa galit. Alam niyang hindi perpekto si Xavier, pero sigurado siyang mahal siya nito at hindi nito magagawa ang inaakusa ni Triana. He promised her to start a new life with her before they got married two years ago. Nangako rin ito na para sa kanya ay magbabago na ito, at naniniwala siya sa asawa.Mabilis niyang tinungo ang walk-in closet. Laman niyon ang mga collection ng mamahaling bag at sapat
DUMATING ang Festival of Lights at gaya ng inaasahan ay naging abala ang pamilya Chaudhary sa mga bisitang dumating sa bahay mula pa sa iba-ibang panig ng mundo. They were Akhil’s relatives and there was a feast for a few days. Dumating rin ang ina ni Triana kasama ang kambal para maki-celebrate sa kanila. The house was full of colorful lights. Pakiramdam ni Triana ay equivalent ito ng Christmas sa Pilipinas. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa kabisado ang sandamakmak na festivals na ginagawa sa bansang ito. But one of the things that surprised her was that their calendar year was approximately more than fifty-six years ahead compared to the Gregorian calendar. Bawat natutunan niya sa heritage ni Devance, namamangha siya. Halos buong linggo ang celebration at aminado si Triana na napagod siya sa pag-estima ng mga bisita. Gabi-gabi rin na magkasama sila ni Devance sa loob ng kuwarto nito dahil baka makahalata ang mga tao roon na hindi sila nagtatabi matulog. Wala rin patid ang reklamo
MULING naging tahimik ang bahay matapos ang Festival of Lights. Umuwi na rin sa Pilipinas ang pamilya ni Triana at mukhang nag-enjoy naman ang mga ito lalo na sina Travis at Tristan. At ngayon nagkaroon sila ng family meeting sa loob ng library sa third-floor ng bahay. “We will proceed with the European trip. You will join us to meet different investors and attend several business conferences as part of your training before I appoint you as the top-ranking executives of the company. Being the Chairman and the CEO is no joke, I’m telling you,” paliwanag ni Akhil sa mag-asawa. Katabi nito si Gracia na tahimik lang na nakikinig. Tumango lang sina Triana at Devance. “We’ll do everything to help you grow your empire, Dad.” “With my guidance. I know you will,” tiwalang sabi ni Akhil. “I admit I’m easy-go-lucky, but I took my studies seriously when I went to Oxford.” Devance sounded proud. Tumingin ito kay Triana at kumindat. Bukod kasi sa flight school sa Amsterdam, kumuha rin siya ng bu
SA LOOB ng opisina ni Caleb sa Makati ay naging abala ang lahat sa gaganaping bidding. Hindi naman obligadong umattend si Caleb dahil bahala na roon ang Project Manager niya. Tahimik lang siyang nakaupo sa kanyang swivel chair habang tinitingnan ang mga larawan mula sa social media account ni Lara. Kasama kasi nito si Triana at walang hilig ang kanyang kasintahan sa mga ganitong update. It appeared that she was already in Paris. Mukhang hinihintay na lang nito ang pagdating niya para sabay na silang mag-celebrate ng Christmas. Inaayos na lang niya ang schedule para hindi magulo ang opisina kapag umalis siya. Then something popped into his notification that Lara posted a story. Napatiim-bagang siya dahil kitang-kita mula sa bandang likuran ni Lara ang ginawang paghalik ni Devance kay Triana. It could be a simple gesture, but it stirred his jealousy. They looked so sweet, kung titingnan para silang totoong mag-asawa na nagkukulitan. Naging mahigpit ang paghawak siya sa cellphone. Inis
MATULING lumipas ang isang linggo at magkikita na sina Triana at Caleb kinabukasan sa Paris. Tamang-tama lang dahil umalis ang kanilang magulang papuntang Barcelona para magbakasyon ng ilang araw. Pagkatapos ay magkikita-kita silang pamilya sa Iceland para doon mag-celebrate ng Christmas. It was Triana’s idea to celebrate the Christmas Eve under the Northern lights. Pagkatapos ay uuwi sila sa Pilipinas para doon mag-celebrate ng New Year at ng fourth death anniversary ng kanyang ama. “Ang saya mo ngayon ah.” Puna ni Devance habang nag-aayos siya ng mga gamit. “Of course, finally I can see the love of my life after almost three months! The well is getting dry na.” Maang na napatingin sa kanya si Devance sabay ng pagkunot ng noo. “The what?” “Oh, never mind.” Bahagya siyang natawa. Nahawa na yata siya sa mga dirty jokes nito at kumportable na siya rito. “Did I hear it right? The well is getting dry?” Humagalpak ng tawa ni Devance. “Sorry for being slow. I didn’t know you have this
BUO ang loob ni Triana na bumalik sa suite na inookupa nila ni Devance. Hindi niya dito ipinaalam na babalik siya. It was almost ten in the evening. Baka nasa syudad ito kasama ni Austin at abala mambabae. Pero kung maaabutan niya ito roon ay gagawin niya agad ang binabalak. Halatang nagulat si Devance nang makita siyang pumasok sa loob ng suite. Pabalibag niyang itinapon ang itim na travelling bag. “Hey, what happened to the wild night in Paris?” gulat na tanong ni Devance. Hindi niya ito kinibo. Dumeretso si Triana sa banyo at naligo. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Devance pero hindi naman ito nag-usisa pa. Sana lang hindi nito nahalata ang pamumugto ng kanyang mga mata. Triana had a warm shower to calm her nerves. Paulit-ulit na umuukilkil sa isip niya ang mga malalaswang ginagawa ni Caleb kasama ang babaeng iyon. Lalong nagpupuyos ang kanyang damdamin. Hanggang ngayon wala siyang maapuhap na sagot kung bakit iyon nagawa sa kanya ni Caleb. Mas maiintindihan niya pa kung naging