Share

Chapter 5 Robert

<Third Person>

“What happened to your deal with Mrs. Cortez? I trust you with that contract, Lanvin. Mrs. Cortez was mad about what had happened. The first time you disappointed me,” may bahid na galit na sabi sa kanya ni, Robert.

“I’m sorry, I’m pursuing her to have a meeting. To give me a chance,” Nick answered.

Robert shakes his head.

“It’s been two months, Nick; I thought you prepared for this? You worked on that product for the last two months, and I discovered that you didn’t make it. I’m rooting on you.”

“Robert, stop scolding my grandson. After all I ow him bigtime.”

Grandpa came into the scene.

Robert shakes his head.

“You better talk to that young man; he wasted a big opportunity,” Robert said, putting the glass of wine on the table and leaving the room.

Grandpa taps Nikolai on his shoulder.

“You did a great job,” grandpa cheered his grandson.

“How’s your marriage with my grandaughter?” Pangangamusta ng matanda sa kanya.

“Still the same. I didn’t expect Azaria to be hard-headed and spoiled. But Azaria is listening to me, and she knows how to get scared.”

Grandpa looks outside the building.

“You did great things in our family. I love my grandaughter, and please take care of her. Azaria’s parents already gave up to her. Puro kasi problema ang binibigay sa amin. Kasalanan din namin dahil masyado siyang na-spoiled.”

Grandpa sighed and looked at Nick.

“Walang takot ang batang iyon. Tignan mo nga at umabot na siya sa kulungan,” natatawang sabi ni grandpa.

“Hinding-hindi iyon magtatanda sa buhay. Nasisira na din ang reputasyon namin dahil sa mga ginagawa niya, mabuti na lang nandiyan ka para ayusin ang mga problema na ginagawa niya sa kumpanya,”

“Azaria is kind and sweet,” pagtatanggol ni Nick.

It’s been six months since umuwi si Nick galing ibang bansa, to manage the family’s businesses.

Umasim ang mukha nang matanda.

“Sabihin mo problema ang dala,”

“Thank you for saving our family,” grandpa added.

Nagsalin ng alak si grandpa.

“Huwag ka magpapadala sa batang iyon dahil uutakan ka niya,” grandpa warned him.

“I can handle her,” Nick replied.

“Iyung batang iyon gabi-gabing nasa bar. Iyung nag-iisang hacienda ko ay binenta niya, at iyung mga pera ay winaldas sa ibang bansa. Ang investor sa kumpanya ng mga magulang niya ay nagsi-alisan dahil sa kanya. Araw-araw may sumusugod sa na babae dahil nilalandi daw ni Azaria ang boyfriend nila. Hindi na siya pinagkatiwalaan ng mga magulang niya sa kumpanya nila dahil sa mga ginawa niya. At ngayon, nalaman ko na ang dami niyang na-scam,” pag ku-kwento ng matanda.

“Hindi naman ganoon ang nanay niya. Hindi ko alam kung kanino niya namana ang ganoong ugali niya. Dinaig pa niya ang lalaki sa pagiging lasinggera. Kapag pinagsasabihan ko siya, ay malalaman ko na lang na nasa ibang bansa siya at gumagastos ng pera sa mga bags, at kung ano-anong luho niya,”

Nick listened and remained silent.

“Ang buhay niya ay walang patutunguhan. Pinagdadasal ko na lang na bago ako mamatay ay umayos na siya,” grandpa added.

“I’m wondering why you want to marry Azaria despite her attitude,” grandpa asked.

The two were disturbed when Nick’s secretary came.

“Sir, excuse po.”

They were disturbed by Nick’s secretary.

“Tumatawag po sa bahay,” anang secretary sabay bigay ng phone kay Nick.

Nick frowned. What happened in the house?

“Sir, si ma’am po kanina pa po umiiyak. Ayaw tumahan!” Kinakabahan na sumbong sa kanya ni Marie.

Kaagad na gumuhit ang pag-alala sa mukha ni Nick nang marinig na umiiyak ang asawa niya.

“Damn!” Mahinang mura ni Nick.

“Check on her!” Nick replied and ended the call.

Hindi na tinanong ni Nick kung anong nangyayari dahil nag-aalala na siya para sa asawa, at nagmamadali na makauwi. Sa bahay na lang niya tatanungin kung anong nangyari sa babae.

“I’m sorry, Lo, something happened in the house. I need to go,” nag-aalalang paalam ni Nick at hindi na hinihintay na sumagot ang matanda. Patakbo niyang nilisan ang kumpanya.

Mabilis din siyang nagmaneho pauwi ng bahay.

**

<Azaria>

“Hail,” umiiyak na banggit ko sa pangalan niya.

“My god! Azaria!? Umiiyak ka na naman ba!? Ano na naman nangyari sa’yong gaga ka!” Bulalas ni Hail sa akin.

Pinigilan ko na tumigil sa pag-iyak pero ayaw tumigil ng mga luha ko.

Mas lalo akong naiyak nang marinig ang boses niya.

“Ilang araw akong walang balita sa’yo tapos tatawag ka at umiiyak,” nag-aalalang sabi ni Hail.

“Hail,” iyak ko.

I feel lost.

Ngayon ko lang na-realized na wala akong nagawang maganda sa buhay ko. Naging patapon ang buhay ko.

“Wala akong pera ni piso,” iyak ko sa kanya.

“Mag trabaho ka, or humingi ka sa lolo mo. Kaya sa magulang mo,” suhesyon niya. 

“Mayaman din naman ang pamilya mo,” she added.

Nahiga ako sa floor habang yakap ang isa sa mga mamahalin ko na damit.

“Ayaw na akong bigyan ng matandang iyon. At saka saan ako hahanap ng trabaho? Natanggal ako sa agency diba?”

Kaya ako nag business kasi wala na akong source of income. Dahil sa mga issue ko ay tinaggal ako sa trabaho ko. Gusto ko ipamukha sa lahat na kaya ko.

“Ang boba mo kasi, haist!” Stress na sabi niya.

“Kung nagpakabait ka, edi ang ang dami mo ng pera at binigay sa’yo ng lolo mo ang hacienda nya!” 

Ayan na naman! Kinakatakan na naman niya ako.

“Ayaw ko na dito sa bahay! Nabuburyo na ako. Hindi ako makalabas kasi wala akong pera ni piso. Wala na din akong car, saan na lang ako pupulutin?” Ngawa ko.

“Ewan ko sa’yo. Ang dami mo kasing luho!”

Imbis na tulungan niya ako ay pinagsasabihan niya. Ayaw ko naman din manghiram ng pera kay Nick dahil nakasalalay ang pride ko. I hate that man.

“Aba mabuti nakakain ka pa sa lagay na iyan, at may bahay ka pa. Umutang ka sa nagpapalamon sa’yo. At saka, nandiyan ka naman sa mga magulang mo kaya for sure bibigyan ka ng mga iyan kapag nanghingi ka,” pambunulabog loob niya sa akin.

Mas naiyak ako sa sinabi niya.

Hindi niya alam na kasal na ako. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagpasakal na ako.

Kinasal ako na hindi man lang engrande. Wala man lang wedding gown, at cake.

Mas umiyak pa ako.

Iyung kasal ko ay malayong-malayo sa dream wedding ko.

“Hail, namumulubi na ako,” problemadong sabi ko.

“Ayan, gastos pa more. Travel ka para mawala ang lungkot mo at tumahan ka sa kakaiyak,”

Humagulgol ako sa iyak. Miss ko na mag travel.

One week na akong hindi nakakapag travel. I feel depress na.

“Hail, naglabas na ng bagong bag ang favorite brand ko,” problemadong iyak ko sa kanya.

“What the fuck!”

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas iyon.

Nagkatitigan kami ni Nick. Tumigil ang mga luha ko dahil sa pagmura niya.

Ang mukha niya ay nag-aalala at magulo ang ayos niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at itinayo niya ako.

“What happened? Who made you cry? Are you hurt?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Nick habang sinusuri ako, kung may sugat ba ako.

“May paperbags!” Sigaw ko at tinulak ko siya.

“Bakit mo inapakan!?” Iyak ko sa kanya at pinunasan ang paperbag.

Binuhat niya ako at pinaupo sa kama. Umiiyak ako sa harapan niya habang yakap ang paperbags. Nagkalat din ang mga resibo sa sahig.

He roamed his eyes in the whole room, tinignan niya din ang mga resibo na nagkalat sa sahig.

He sighed.

“Why are you crying?” He calmly asked me.

Mas umiyak lang ako sa harapan niya. Nakalimutan ko ng patayin ang phone ko.

“Azaria, tell me why you’re crying! Damn, you’re making me worried!” Sigaw niya at umigting ang panga niya.

Hindi ako nagsalita at umiyak lang ako.

“Kapag hindi mo sinabi sa akin ang dahilan ng pag-iyak mo ay kukunin ko iyang hawak mo,” tukog niya sa paper bag na yakap ko.

“I lost everything,” garalgal ang boses ko.

Tinanggal niya ang paperbag na hawak ko at itinabi ang mga damit na kinalat ko. Wala na akong pakelam sa cellphone ko kahit kakabili ko lang nu’n. May bagong labas ang ios at iyun ang gusto ko.

“And why is our room a mess?”

Hindi ako sumagot.

“Azaria!”  

“Bakit ka ba naninigaw?” Natatakot na tanong ko sa kanya. Lumayo ako ng bahagya sa kanya. Nagtatagis na ang bagang niya at lumalalim na din ang kanyang paghinga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status